Chapter 9

1.4K 26 2
                                    

Chapter 9



#RacingHearts




"Anak, tumingin ka rito," utos sa akin ni Mama.



Tumingin naman ako sa camera na hawak niya saka ngumiti. Nandito kami ngayon sa bangka at kasalukuyang nililibot ang isla ng Coron dito sa Palawan.



"Ang ganda mo rito, anak," Mama said and then showed me the picture that she took a while ago.



Wow! Kitang kita mo talaga sa picture na ito ang ganda ng kulay ng tubig. Gustong gusto ko ang pagkakakuha ni Mama sa picture. Professional photographer kasi si Mama kaya ganyan siya kaganda kumuha ng mga pictures. Si Mama ang personal photographer ko kasi para raw "goals" din daw ang mga pictures ko.



Nagtagal ng dalawang oras ang aming paga-island hopping ng umagang iyon. Five thirty ng umaga kami nag umpisang mag-island hopping at ngayon malapit nang mag-seven forty five. Sobrang nag enjoy ako sa mga nakikita ko habang naglilibot kami. Worth it ang pagpunta namin dito!



"What time do you want to dive?" Papa asked me.



I shrugged. "Between 8 to 9 am? I don't know yet."



"I'll join you, nak," Mama replied.



"Okay."



Nakadaong na ang bangkang sinasakyan namin nang lumapit sa amin si Tito Boghartt kasama ang kanyang asawa. Naroon din ang pamilya nina Tito Ricky at Tita Richett at ang pamilya nina Tito Ramuel at Tita Giselle. Sila ang mga pamilyang kasama namin sa pagbabakasyon dito. Kaibigan sila nina Mama at Papa pero ngayon ko lang makikilala ang mga anak nila, maliban sa pamilya nila Tito Boghartt dahil matagal ko nang kilala ang pamilya nila.




"Good morning, Nariah!" Tito Boghartt greeted me while Tita Luisa, his wife, just smiled at me.



"Good morning din po!" I greeted them back.



Binati rin ako nina Tito Ricky at Tita Richett. Huling bumati sa akin sina Tito Ramuel at Tita Giselle.



"Good morning po!" bati ko sa kanilang lahat.



Isa isang ipinakilala ni Tito Ricky ang kanyang mga anak sa akin.



"Nariah, meet Rocky, my only son. Roxy and Rose, my daughters," pagpapakilala ni Tito Ricky sa kanyang mga anak.



"Hi!" kalog na pagbati sa akin ni Rocky.



Nakakagulat lang kasi hindi naman halata sa pangalan niya na beki pala siya. Mahahalata mong may puso siyang babae dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Sino naman kasi ang mag aakalang bakla siya e Rocky ang name niya. Ang ganda nga ng name niya, e!



"Hello!" I greeted him back.



Samantala, sina Roxy at Rose ay nginitian lamang ako kaya naman isang magandang ngiti ang isinukli ko sa kanilang dalawa. Ang gaganda nilang dalawa! Mala-anghel ang mga mukha.



"This is Denisse, 13 years old. This is Mick, 11 years old. Sons, this is Ate Nariah," Tito Ramuel introduced me into his two sons.



"Hi, Ate!" sabay nilang bati sa akin.



Ang cute! Sana meron din akong kapatid na kasing-cute nilang dalawa!



"Hello!" I greeted them back and waved my hands.



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon