Chapter 11

1.4K 23 10
                                    

Chapter 11



#RacingHearts



Today is Tuesday, nasa suite lamang ako yesterday at nagpahinga kasi napagod talaga ako ng sobra dahil sa dami ng ginawa namin nung Sunday. Tapos ngayon, sinabihan ako ni Mother Earth (Mama) na magpphotoshoot daw kami. Yes! You've read it right! Photoshoot! Para saan? Wala lang, gusto lang ni Mama.



Pinagsuot niya ako ng one piece swimsuit ngayon, dalawang beses pa lang akong nakakapagsuot ng ganito. Unang beses na nagsuot ako ng ganito ay noong fifteen years old ako, ngayon sixteen years old ako nang masundan iyon. Hindi lang naman itong one piece swimsuit ang suot ko, pinagsuot niya ako ng denim shorts para sa aking bottom outfit. Nga pala, backless itong one piece na aking suot ngayon kaya wala nang idinagdag si Mama para sa aking top outfit. Pinagsuot niya na rin ako ng sunglasses para maganda raw sa mga pictures.



Actually, hindi lang naman ako ang "model" ni Mama for today. Kasama ko sila Ate Francheska, Ate Francia, Rose, Roxy, at kasama rin namin ang mga boys. Pare-pareho kami ng suot nina Rose at Roxy, naka-one piece swimsuit kaming tatlo. Sina Ate Francia at Ate Francheska naman ay naka-two piece swimsuit pero tinakpan muna nila ang kanilang katawan. Ang sa mga boys naman ay syempre summer shorts at loose sleeveless white shirt pero pwede rin namang topless na lang kung gusto nila. Nang makalabas na kami ng hotel ay nakita ko kaagad ang sinet up ni Mama para sa photoshoot na ito. Masyado naman yatang bongga ang set up na ito! May pa-lightings, pa-windblow effect, at kung ano-ano pang props. Kailangan ba talaga ng mga ganyan? Pwede naman iyong simpleng picture na lang, bakit may pa-ganyan ganyan pa? Itong si Mama talaga.



"Ma, kailangan ba talaga ng mga ganyan?" tanong ko habang nakangiwing itinuturo ang set up.



"Aba oo naman! Para maganda ang summer pictures mo at saka remembrance na rin dahil nakapag-bakasyon na rin tayo dito sa Palawan!" masayang pagpapaliwanag ni Mama.



Ayoko namang sirain ang magandang mood ni Mama nang dahil lang sa mga kaartehan ko kaya inayos ko na lang ang sarili ko at naghahanda na.



Solo shots muna ang ginawa ni Mama, ang katulong ni Mama sa paggawa ng mga ganito ay si Tita Giselle, hindi man siya magaling at least marunong naman siya kahit papaano.



Mama took an multiple shots for me, ang background namin ay iyong dagat. Sobrang daming pose ang pinagawa sa akin ni Mama pero kahit ganoon sure naman akong maganda ang picture. Pati ako syempre. Biro lang! Sobra nga akong nahihiya kasi grabe kung makatitig si Callian sa akin habang kinukuhaan ako ng picture, nakita ko kasi iyon sa peripheral vision ko dahil nasa gilid lamang siya nakaupo kanina.



Nang meron nang picture ang lahat sa amin, group shot naman daw ang gagawin namin. At sa lahat ba naman ng pwede kong makatabi habang nagpi-picture e si Callian pa talaga. May picture nga na nakaakbay siya sa akin, nakahawak sa bewang ko, nakangiti at nakatingin sa akin. Ginawa niya iyon kahit hindi naman kailangan. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang dating sa akin nung mga galaw niya kahit na wala naman talagang dapat bigyan ng paliwanag.





Binigyan ako ni Mama ng soft copies ng mga pictures ko at ng group shots namin. Naisipan kong i-upload ang aking mga pictures sa aking Instagram account. Isusunod ko na lang iyong mga group shots namin.



The photos were successfully uploaded in my account. I captioned my photos with "Palawan dreams were fulfilled!" because this is definitely the vacation I'm longing for.



After five minutes, one person leaves a comment in my post saying "Mine" and this person is Andrei. F*cking Andrei! He really has the guts to say that I am his? Argh! He is so annoying! He ruined my day! I may sound OA or pabebe but this is really annoying!



(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon