Chapter 42

1K 17 1
                                    

Chapter 42

#RacingHearts

"W-What are you saying?" I asked, feeling confused. Ewan ko ba. Narinig ko naman ang sinabi niya pero hindi ko lang naintindihan ng maayos.

"Just go back there..." he said. He's trying to calm down himself.

I took a deep breath. Nauubusan na ako ng pasensiya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niyang sabihin kasi ayaw naman niyang linawin. Tapos ang hirap niya pang kausap.

"Andrei, please... Kausapin mo naman ako ng maayos," sabi ko ng may bahid ng pagmamakaawa sa boses.

Tumingin siya sa akin. Tinitigan niya akong mabuti. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Napahawak ako sa necklace na suot ko. It was his gift for me on my eighteenth birthday.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa mga mata ko. "Akala ko sa pagbalik ko... akin ka pa rin," he said before showing a fake smile. "Si Callian. Meron na palang iba. Tangina, ang gago ko naman kasi."

Umawang ang labi ko nang makuha ko kung ano ang sinasabi niya. "C-Callian's not my boyfriend," I replied.

Mabilis na umawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. "Fuck," he whispered.

"Pwede mo na bang ipaliwanag sa akin kung bakit isang araw bago ako matulog ay sinabi sa akin ni Andrea na umalis ka na?"

But instead of answering my question, he got inside his car. He rolled the window down. "Let's go to somewhere else," he said.

I went inside of his car and then he revved the engine. I don't have an idea kung saan niya ako dadalhin.

I did a quick scan sa buong sasakyan niya kanina nung pumasok ako. Wala naman akong nakitang gamit ng babae. And friends lang pala niya ang kasama niya kanina sa bar. Nasaan kaya si Hannah?

I looked at Andrei's face while he's driving. Sobrang tempted talaga akong hawakan ang pisngi niya! Leche naman kasi, ang gwapo talaga nitong lalaki na 'to, eh!

Tapos ang ganda na rin ng katawan niya. Defined 'yung hubog ng kanyang katawan dahil sa suot niyang polo long sleeves na itinupi niya hanggang siko.

"We're here," he said before looking at me.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil doon. Hindi ko napansing nandito na kami dahil nakatitig lang ako sa kanya.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa isang coffee shop. Dumiretso sa pag-order si Andrei kaya naghanap na lang ako ng pwesto.

From: Rein

San ka??

To: Rein

Starbucks. With Andrei

From: Rein

Ok. Text me when u get home

To: Rein

Yup, thank you

Mabilis kong ibinalik ang phone ko sa aking pouch nang makabalik si Andrei. He ordered a white chocolate mocha cream frappe for me and iced shaken black tea with white chocolate mocha for him. Meron din nung favorite naming cake. Just like the old times.

"Why are we here?" I asked.

"I'll tell you the story why I left few years ago," he answered before sipping on his drink.

(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon