Chapter 24
#RacingHearts
Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin isini-send ang composed message ko para kay Hannah. Ito ang mabuti at dapat kong gawin para matapos na ang problema ko.
My message was finally sent on 2:45 pm. The message is about asking her to have a coffee with me and to talk about the issue she'd spreading out.
Habang naghihintay sa reply ni Hannah ay nag-browse ako sa Facebook. 'Yung timeline ko naman ay puro shared posts lang ang laman. At nadagdagan ulit iyon dahil nag-share ulit ako ng posts.
Nang may natanggap akong reply mula kay Hannah ay agad kong binuksan ang kanyang message para basahin.
Hannah Antonio: Ok. Sure.
Iyon ang kanyang reply kaya dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahilata at nag-ayos ng sarili.
"Ah, Nariah," pagtawag sa akin ni Manang.
Naglakad ako palapit sa kanya. "Bakit po, Manang?" I asked, nagtataka dahil may hawak siyang sunflower bouquet.
Ang hawak niyang bouquet ay ibinigay niya sa akin. "May nagpadala ng bulaklak para sa iyo."
Tinanggap ko naman ang bulaklak at tinignan ang nakasulat sa card.
I think you want sunflowers because you just shared a photo of sunflowers on your timeline. Have a nice day. :)
—ALP
The ALP stands for Andrei Luis Prietto. Hindi ko naman mapigilan ang sarili na mapangiti dahil sa kanyang message. Ang sweet.
"Uyy, may manliligaw si Nariah," panunukso sa akin ni Manang.
"Wala po, Manang, ah."
"Sus, ipagkakaila pa, e!"
Tumawa ako saka ibinigay ulit kay Manang ang bulaklak. "Wala po, Manang, promise! Pakilagay na lang po itong mga bulaklak sa vase."
"Aalis ka ba?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo."
"Makikipagkita ka siguro sa manliligaw mo, ano?"
"Hala, Manang, wala nga po akong manliligaw," sagot ko habang nakangiti.
Tumawa si Manang. "Siya sige, umalis ka na bata ka. Umuwi ka kaagad ha? Dahil ipagluluto kita ng paborito mo."
"Sige po, Manang. Bye po!"
Pagdating ko sa napag-usapang coffee shop ay wala pa si Hannah. So, naghanap muna ako ng upuan saka nag-order. Buti naman at peaceful itong coffee shop dahil talagang kaaya-aya sa paningin itong lugar nila. Tapos nag-p-play din sila ng music kaya perfect talaga.
Nahagip ng aking mga mata si Hannah na naglalakad papasok dito sa coffee shop. Wow. Blooming si ate. Hindi mukhang may sakit. Ganda pa ng makeup, oh! May pa-smokey eyes siya for today!
"Sorry I'm late," she said upon seeing me.
It's not okay because you are thirty minutes late! Charot lang!
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
Ficción GeneralNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...