Chapter 27
#RacingHearts
Today is the day na napag-usapan para makilala na namin ang boyfriend nina Rachel at Rein. Like our usual, sa Starbucks kami magkikita.
"Where are they?" Therese asked since kaming tatlo pa ni Jane ang naunang dumating dito kaysa doon sa dalawang couple.
"They're on their way na raw," Jane answered. I imagined so many times kung ano ang personality nung boyfriend ni Rein. Is he caring? Does he checks on Rein every time? Hindi niya kaya sasaktan si Rein?
"Nariah, kamusta nga pala si Tita?" Therese asked dahil siguro bored na siya kaya nag-isip ng topic.
"She's okay naman, okay din iyong pregnancy niya so far," I replied. Hindi pa naman masyadong matanda si Mama para magbuntis pero matagal na rin kasi simula nung ipanganak ako so kailangan niyang mag-ingat sabi ng OB niya.
"Hmm, that's good! Nakaka-excite naman makita iyong bago mong kapatid." Mahilig sa bata si Therese dahil iyong mga cousins niya ay mga toddler pa lang o kaya naman ay mga eight years old.
"Nandito na sila," Jane said so nag-ayos na kami ni Therese.
"Hi," Rachel and Rein said upon seeing us. "Sorry na-late kami," paumanhin ni Rachel. Therese and I remained silent kasi inoobserbahan namin ang mga boyfriend nina Rachel at Rein.
"So girls, this is Jack a grade twelve student in our school," pagpapakilala ni Rachel sa kanyang boyfriend.
"Hi, it's nice meeting the all of you," Kuya Jack formally greeted. He looks nice, huh. We greeted him back with matching shaked hands para maipakita na ayos naman kami sa kanya para kay Rachel.
Rein's boyfriend was staring at me and it felt kind of weird. He's familiar to me, nakalimutan ko nga lang kung saan ko ba siya nakita. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ni Rein at may sinabi kaya tumango si Rein saka ito umayos sa kanyang pagkakaupo.
"Uhm, I'm Aleus, Rein's boyfriend." Aleus... Saan ba kita nakilala noon? Why are you very familiar to me? Sumasakit na talaga ang ulo ko sa pag-alala sa kanya.
Binati naman siya pabalik nina Jane, Therese, at Rachel. After niyang makipagbatian sa mga kaibigan ko, bumalik na naman ang tingin niya sa akin.
"Nariah..." He offered his hand. Sabi ko na nga ba magkakilala kami, e.
"Wait, kilala mo siya?" Therese asked, sounded confused.
Nagulat ako ng bigla ay tumawa ng mahina si Rein. "Of course, kapatid kaya ni Aleus si Andrei!"
Boom. Sabi ko na nga ba! "Nakalimutan mo na ba ako, Nariah?" Kuya Aleus asked, still offering his hand.
Tuliro akong umiling. "Hindi, K-Kuya, ah," I shyly replied then we shaked hands.
"Kuya..." he mouthed, saka nagpakita ng isang nakakalokong ngiti. Nakakahiya! Iniyuko ko na lamang ang aking ulo at saka pinaglaruan ang aking mga kuko sa daliri.
"Ahm, girls tara mag-samgyupsal tayo? I'm already hungry," Kuya Aleus said after a minute then scratched his nape. "But don't worry, it's my treat!"
BINABASA MO ANG
(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)
General FictionNariah Jewel Beda, babaeng nagmahal, nasaktan, at bumangon muli. Bumangon para sa sarili niya, minahal ang kaniyang sarili at inalagaan ang sarili para mapaghandaan ang susunod na hirap at sakit sa isang mapanganib na pagibig. Pero hindi muna raw si...