Chapter 30

957 22 0
                                    

Chapter 30



#RacingHearts




Busy ang lahat sa pagbati sa isa't isa. Kaliwa't kanan ang pagkuha ng picture. Napakasaya. Ngunit sa kabilang dako ay mararamdaman mo ang lungkot sa mga estudyante.





Hinatak ako bigla ni Rachel papunta sa tarpaulin na ni-provide ng school para sa magandang background ng mga pictures. "Smile, girls! One... Two... Three..." Ngumiti kaming lima tapos si Jane naman ang may hawak ng camera at ni-click iyon.





"Ang ganda! Isa pa!" sabi ni Jane. This time, may hinatak siyang babae na classmate namin para kuhaan kami ng sandamakmak na pictures. Ang dami kasing pose ang pinagawa ni Jane kaya ang daming shots talaga.





Tapos hinatak pa ni Jane si Andrei at sinabing magpi-picture kaming dalawa. At dahil si Jane nga iyon, sandamakmak din na pictures ang kinuha niya sa amin.





"Tama na muna iyan, pinapatawag ni Ma'am Rodriguez si Andrei," singit ni Rein sa amin.




"Bakit daw?" nakakunot-noong tanong ni Andrei.




Rein shrugged. "I don't know, puntahan mo na lang daw siya sa roon." Itinuro ni Rein kay Andrei kung nasaan si Ma'am na may kausap na teachers.



Bumaling naman sa akin si Andrei. "I'll be back." He smiled before he left.




Nanlaki naman ang mata ko nang bigla akong yakapin ni Therese. "Girl, congrats! Ang galing mo, ang galing ninyong dalawa ni Andrei!"




"Thank you," sagot ko nang bumitaw na siya sa yakap. "Congrats din sa iyo tsaka kay Paulo." Ngumiti ako ng matamis na nagpamula sa pisngi niya. Nagawa pa nga niya akong hampasin sa braso dahil sa kilig niya, e.




"Kayo nga ni Andrei, e! Pang-hashtag relationship goals ang peg ninyong dalawa!




"Ano ka ba, Therese," natatawang sambit ko sa kanya. Kakaiba kasi ang way ng pananalita niya sa harap ko ngayon, e.




"Ayiee, kilig ka?" tanong niya habang parang tangang nakangiti sa akin.




"Ewan ko sa iyo!"




Humalakhak naman siya. "Sige na nga, tigilan na kita."




Nakakapagod pero masaya naman sa pakiramdam ang araw na ito. May bago na naman akong napatunayan sa sarili ko.




Many say that grades are just a number. But in my own, its my way to prove myself to my family. To prove that I can do better.


Maya't maya merong lumalapit sa akin at binabati ako. Kaya walang tigil ang pag-ngiti ko sa lahat sa kanila. Nakakangawit nga lang sa panga.




"Nariah, congrats ah! Grabe, maganda ka na nga tapos matalino pa! Ang swerte ni Andrei sa iyo!" pagpuri sa akin ni Allanah, classmate ko.






I smiled at her. "Hala, thank you! Congrats din sa iyo! You did great!"





Nginitian niya ako pabalik ngunit napansin ko ang mata niyang basa. Hula ko kakatapos lang niyang umiyak, ang balita ko kasi ay pupunta raw si Allanah sa New York para doon ipagpatuloy ang pag-aaral.






"Sige, Nariah, punta na ako sa mga friends ko. Congrats ulit!" Nagbeso kaming dalawa bago niya ako tuluyang iniwan.






Pagkatalikod pa lang sa akin ni Allanah ay naramdaman kong may umakbay sa akin. "Congrats!" Andrei greeted with a sweet smile plastered on his face. Nakabalik na siya mula sa pinuntahan niya kanina.






(S.P.U. Series #1) Racing Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon