Chapter 3

6K 84 2
                                    

Chapter 3:

River's POV:

Hindi puwede 'to. Hindi puwede.

Waaah! Ang pinaka-iingatan kong pagkalalaki ninakaw ng isang panget lang na babae! Huhuhuhu. Nakita niya ang itinatago kong armas na dapat ibibigay ko lang sa babaeng mapapangasawa ko. Virgin na virgin ang pagkalalaki ko sa mga mata ng lahat tapos kinuha lang niya 'yon nang basta-basta?! Hindi ko siya mapapatawad. Huhuhu.

Napakamanyak ng babae na 'yon! Manyak siya. Manyak!

Dali-dali na akong nagbihis. Habang nagbibihis ako ay natanong ko na lang sa sarili ko kung paano siya nakapasok sa kwarto ko. Paano siya nakapasok dito sa bahay?!

H-hindi kaya... may kapangyarihan siya?

Napalunok ako. Kaya siguro siya nakapasok nang napakadali dito sa bahay ay nag-teleport siya? O gumamit ng portal? O baka naman ninakaw niya 'yung magic door ni Doraemon?

P-pero anong ginagawa niya dito? Siguro may masama siyang balak? Hindi kaya kikidnapin niya ako tapos dadalhin sa hari nila? Ako kaya ang nawawalang 'seeker'?

Kung ganoon na nga...ibig sabihin din ay sinaktan niya ang mga tao dito sa bahay?

Si daddy! Baka pinatay niya si daddy! Kailangan kong puntahan si daddy.

Magmamadali na sana akong tumakbo pero nakita ko si Dad na kakapasok lang ng kwarto ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at hindi siya pinaslang ng babae na 'yon.
"What happened?" Kunot-noong tanong ni Dad.

"Dad! May babaeng nagpunta dito. Kailangan na nating umalis dahil baka patayin niya tayo!"

"What are you talking about?!" Tumaas ang boses ni Dad.

Nag-hysterical na ako. "Dad, may kapangyarihan siya! At kapag nakita niya ulit tayo, siguradong papatayin na niya tayo! O kaya ay dadalhin niya tayo sa templo nila dahil baka tayo na lang ang huling tao para matupad ang masamang propesiya!"

Napabuntong hininga si Dad. Bakit ba kalmado pa rin siya kahit nasa panganib na kami?

"River, son, 'wag ka ngang mag-isip ng mga ganyang bagay. Hindi totoo 'yan! Stop acting like you were in a fantasy movie!"

Napatingin ako sa mata ni Dad. Napaatras ako dahil parang naiinis na siya. Bigla akong kinabahan.

H-hindi kaya nasa ilalim siya ng kapangyarihan nung babae na 'yon? T-tapos gagamitin niya ang daddy ko para makuha niya ako?

Tama! Ginagamit niya si Daddy. Hindi puwede 'to.

"Dad, listen to me, maniwala ka sa akin. Ako si River, 'yung anak mo. Dad, nasa ilalim ka ng itim na kapangyarihan ng babae na 'yon. Labanan mo 'yan, Dad!" Sigaw ko.

Muli naman siyang napabuntong hininga. Kalaunan ay mas lumawak at naging mapayapa na ang mukha ni Dad.

Siguro ay napaglabanan na niya ang kapangyarihan nung babae. Sa tingin ko ay malaya na siya.

"Dad, kailangan nating humingi ng tulong."

"Stop that thinking, River. Wala siyang kapangyarihan, walang magics, walang propesiya kaya kumalma ka, okay?"

Napatango ako. Just like what Daddy said, kumalma nga ako.

Siguro ay nagkamali nga lang ako. Pero kasi...haaay. O sige na nga. Naniniwala na ako kay Dad.

"I hired her as your Personal Maid."

Napakunot ang noo ko. What? Personal maid?

"I don't need a Personal maid, Dad. Kaya ko naman ang sarili ko."

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon