Chapter 31

1.9K 25 0
                                    


Chapter 31


Stella's POV:


Friday. Pagkagising ko ay inayos ko na ang comforter na pinaghigaan ko. Pumunta ako sa kama ni River para gisingin siya. Napatitig muna ako sa maamo niyang mukha. Napangiti ako. Napakasuwerte ko talaga sa lalaking 'to. Sa sobrang guwapo niya hindi pa rin ako makapaniwala na minahal niya ang isang tulad ko.

Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Mas naging kaakit akit ang mahahabang pilikmata at brown eyes niya. 'Yung ilong niyang sakto lang ang pagkatangos. 'Yung kilay niyang makapal na sobra talagang nakaka-attract. Lahat. Lahat ng parte ng mukha niya, bagay na bagay sa kanya.

Agad kong iniatras ang mukha ko nang unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Hinawakan ko 'yung magkabilang braso niya at saka siya niyugyog. "Hoy, gising na!" Nagkusot siya ng mga mata. Ang cute. Hihi.

"Bakit, excited ka na ba?" Aniya. Napakunot ang noo ko.

"Excited saan?"

"Dadalhin na kita ngayon sa isang lugar para mag-evolve ka na." Napanguso ako. Evolve talaga ang term e?

"Hindi tayo papasok?" Umiling siya.

"Ngayon na ang itinakdang oras, Stella. Ngayon na magbabago ang lahat." Bumangon siya at saka hinawakan ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi-hindi ka na nila puwedeng apihin dahil ipapakita natin sa kanila na ang taong tinapak-tapakan, nilait, sinabihan ng panget ay magiging isang dyosa." Seryoso niyang sabi dahilan para kiligin ako.

Ngumiti ako at saka tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Thank you, River. Thank you." Mahinahon kong sabi.

"All for you, Stella." Aniya at saka hinalikan ako sa noo.

Matapos kaming gumayak ay nagpunta na kami sa parking lot at saka sumakay sa kotse ni River. Dinala niya ako sa isang Mall. Medyo matagal din kaming naglakad dahil medyo nakalimutan niya raw kung saang puwesto. Hanggang sa napadpad kami sa 3rd floor at doon nakita namin sa gawing gilid ang "NY Home Of Beauty". Mula sa transparent na wall ay nakita ko na medyo marami ring tao. Pumasok kami ro'n at sinalubong kami ng isang bading.

Yumuko ito sa aming dalawa. "Good morning, Sir River! and..." Tumingin siya sa akin, "Good morning, ma'am."

"This is my girlfriend Stella," Ani River. "Please do everything to make this girl the most beautiful in the entire universe." Ngumiti ang bading sa kanya.

"Yes, Sir. " sagot nito na para bang close na close sila ni River.

Tumingin si River sa akin. "I'll wait here." Tumango ako.

Inilahad nung bading 'yung kamay niya sa akin. Naupo naman si River sa sofa at saka kumuha ng magazine para tingnan iyon. Akala ko ay doon niya ako dadalhin sa mga nakaupong nakapila na mga babae pero nagulat ako nang pumasok kami sa isang room - room na may malaking salamin at kung ano-anong gamit para sa pagpapaganda.

"Bakit hindi ako nakipila doon?" Tanong ko.

"Hindi na kailangan ma'am. You're VIP," tatanungin ko sana kung bakit VIP ako pero siya na rin ang nagsabi. "They are the owner of this Home of Beauty." Aniya. Napaisip naman ako. Oo nga, 'no? Kaya pala NY Home of Beauty. NY stands for New York. Medyo nag-slow ako do'n ah. "By the way, I'm Luke at ako ang magiging fairy godmother mo." Aniya sabay kindat.

"Ang pogi mo, 'no?" Bigla kong nasabi pero naalala kong bading nga pala siya. Inirapn tuloy niya ako. Haha.

"Correction lang, sis. Maganda ako." Aniya. Natawa tuloy.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon