Chapter 4

4.7K 65 0
                                    


Chapter 4:


Stella's POV:

Napabuntong hininga ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Agad akong napatingin kay Sir. Henry.

"S-sir?" Sambit ko sa tonong ano-na-po-ang-ganap?

"You may now come in. Pagpasensyahan mo na ang anak ko."

"I'm sorry din po sir kung---" Napatakip ako sa bibig ko. Sasabihin ko ba sa kanya na nakita ko ang 'ano' ng anak niya?

"Sorry for what?"

Napalunok ako. No, nakakahiya kapag sinabi ko sa kanya. Sobrang awkward kapag ganon. "Ah. Eh. Sorry po kung napasigaw ako ng malakas. Hehe." Pilit akong ngumiti.

"It's alright. I'm really sorry about my son. Sana ay 'wag kang sumuko sa kanya."

Bigla kong naalala ang itsura ng boss ko. Napangiti naman ako sa isip ko. Bakit ko naman susukuan ang ganoong kaguwapo at ka-hot na boss ko? Aba, mala-telenobela na ang peg ko nito! Guwapong boss plus mapanget na maid equalls to Perfect Love Story!

Ay charot lang! Ang layo na nang nakarating ng imagination ko.

"Yes naman po Sir. I will not give up." Nagtaas pa ako ng kanang kamay para mangako. "Promise."

"Thank you, Stella."

"But, sir, ano po ba kasi ang ugali ng anak niyo bakit kailangan ko siyang patinuin?" Gusto ko nang malaman ang dahilan para ma-ready ko na ang sarili ko; kung anong ugali ang dapat kong ipakita sa kanya.

Kung badboy siya, e di dapat matapang ang aura ko para pigilan siya sa mga gagawin niya. Kung womanizer naman siya, dapat maging strikto ako sa kanya sa paglapit sa mga girls. Kung rebelde naman siya, dapat maging mabait ako—'yung tipong puro words of wisdom ang sasabihin ko sa kanya.

Napalunok si Sir Henry. "He is..." Natagalan siya sa susunod niyang sasabihin. Mukhang nahihirapan siyang isipin kung paano niya ide-describe ang anak niya. "He isn't the man you think he is. You will never expect his behavior. It's...unpredictable."

Nagpaikot-ikot ang mata ko. Pinipigilan ko ang kilig ko. Oh my gosh! Sa pagkakasabi pa lang ni Sir Henry ay parang nakakakilig ang ugali ng boss ko.

He is...unpredictable!

Ibig bang sabihin ay siya 'yung tipo ng taong mahilig sa surprise? Surprise kasi papakiligin niya ang isang babae? Hala! Excited na ako.

Tinapik ni Sir ang balikat ko. "Goodluck, Stella."

"Thank you, sir." Mahinahon kong sabi pero ang totoo ay sobra na akong excited na pumasok sa loob para makita ulit ang boss ko.

Naka-alis na nga si Sir Henry at hinawakan ko na ang doorknob at bumuntong-hininga muna bago ito buksan.

Okay. Kailangan kong umarteng normal na parang walang nangyari kanina. Dapat formal ko munang ii-introduce sa kanya ang sarili ko ngayon.

Pagkapasok ko ay bumungad ang boss ko sa akin habang diretso lang siyang nakatingin sa akin. Napapikit naman ako ng dalawang beses. Kinakabahan ako. Yayayay! Sana ay maging maayos 'to.

Habang papalapit ako sa kanya ay hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin dahilan para mapansin ko nang buo ang kanyang mukha. Meged. Enebenemen. Bakit sobrang g'wapo ng boss ko? Oppa'ng oppa ang datingan niya, e. Ang puti at ang kinis ng mukha niya. Matangos din ang ilong niya. Brown eyes. 'Yung labi niya naman, sobrang kissable. Shit lang. Ah. Basta! Guwapo. Sobra.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon