Chapter 38

1.6K 21 0
                                    

Chapter 38


Stella's POV:

Agad kong pinunasan ang luha ko nang mapagtanto kong medyo matagal na pala akong umiiyak at nakaupo sa tapat ng pinto ng 'working office' ni Sir Henry. Bumuntong hininga ako at saka tumayo na.

"Natatae na 'ko!" Sigaw ko nang makapasok sa kwarto at mabilis na tumakbong papunta sa CR. Iyon lang kasi ang alam kong paraan para hindi ako makita ni River na umiiyak. Ayoko pang sabihin sa kanya 'yung pinag-usapan namin ni Sir Henry. Hindi ko pa kaya...

Naging matagal ang pag-stay ko sa CR habang tinitingnan ko 'yung sarili ko na namumugto na ang mga mata sa salamin. Naghilamos ako ng mukha para gamit papaano ay umaliwalas ang mukha kapag nakita ako ni River. Halata mang umiyak pero buti na lang at nakaisip na ako ng idadahilan ko.

Huminga muna ako ng malalim at saka lumabas. Umarte akong sumasakit ang tiyan at pahaplos haplos pa ako. Nilukot ko rin ang aking mukha para mas kapani-paniwala.

Agad na nag-angat ng tingin sa akin si River. Nakahiga na siya sa comforter. "Bakit ganyan ang mata mo, Boo?" Sabi ko na nga ba't mata ang unang mapapansin niya sa akin. "Umiyak ka ba? Bakit?" Agad siyang napatayo at agad akong dinaluhang maglakad papunta sa kama ko.

Pinagmasdan ko ang guwapong mukha ng aking 'Boo'. Pumungay ang mata niya sa akin at saka marahang iniangat ang mukha ko gamit ang kamay niyang hawak-hawak ang aking baba. "Bakit?" Pag-uulit niya sa tanong.

Hindi ako nakasagot. Pinigilan kong tumulo 'yung luha ko. Hindi ko namalayan nakalagay na pala ang kaliwang kamay ko sa pisngi ni River habang pinagmamasdan siya. Kumirot ang puso ko. At hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Mabilis kong niyakap si River. "Ang sakit kasi ng tiyan ko," sambit ko habang pinupunasan ang luha ko. "Kanina pa ako taeng-tae kaso antagal akong kausapin ng Daddy mo," Iyon ang naging palusot ko.

"Ano ba kasing sinabi sa'yo ni Daddy," Tanong niya nang humiwalay na ako sa pagkakayakap.

"Pinasalamatan niya lang ako. Antagal ko kayang nakikinig sa kanya dahil sa drama niya. Medyo madrama rin pala ang daddy mo, 'no?" Sinungaling na paliwanag ko. Pasensya na Sir Henry. Gagawin muna kitang madrama ngayon. Hindi pa kasi ako handa...hindi ko pa kayang sabihin na hindi mo ako gusto para sa kanya. "Gusto ko na sanang umalis kanina at pumuntang CR kaso antagal-tagal niya talagang mag-drámá. Nagpapasalamat daw siya sa akin dahil naging better ka nang tao. Halos puro doon umiikot ang sinasabi ng daddy mo. Nahiya tuloy akong magpaalam kasi nga baka masira ko ang moment niya."

Napanguso si River. "Talaga?" Duda niya. "Nagdrama si Daddy sa harap mo?"

Napalunok ako. "O-oo nga," sagot ko. "Ngayon ko na kailangan ng Diatabs mo." Sambit ko at saka tumayo papunta sa cabinet. Hinanap ko 'yung Diatabs. Inispot-an ko pa si River kung nakatingin siya. Buti na lang at bigla siyang naagaw ng atensyon sa isang commercial ng tv. Mabilis kong ibinalik 'yung gamot at saka uminom na lang ng tubig.

"Goodnight, Boo," Malambing kong sabi at saka mabilis na lumuhod sa comforter at saka siya hinalikan sa pisngi.

Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero kalaunan ay ngumiti siya nang malawak. "Goodnight din, Boo." Siya naman ang humalik sa aking pisngi.

Halos ala-una na ng madaling araw ako nakatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung pag-uusap namin ni Sir Henry kanina. Iniisip ko palang kung paano ko sasabihin kay River na ibe-break ko siya para na akong sinaksak ng isandaang beses.

Paano ko ba ile-let go 'yung taong para sa akin ay dapat ko nang hawakan hanggang dulo?

Paano ko sasabihin sa kanya na kailangan na naming pakawalan ang isa't isa kung 'yung puso namin ayaw pa?

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon