Chapter 13

2.4K 47 0
                                    

Chapter 13:

Stella's POV:

Naging kulay orange ang mukha ni River. Gulat na gulat siya sa nangyari at hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya sa akin at parang kasalukuyan pa lang na nagsi-sink in sa utak niya na nabugahan ko siya ng juice.

"JUICE ba 'to?!" Sigaw ko sa kanya. Alam niyo 'yung tipong dapat papatawarin ko na siya pero nang matikman ko 'yung juice na binigay niya, 'yung poot naging suklam na ‘ata.

Kinunutan niya ako ng noo at saka padabog na tumayo. "Alam mo, Stella, napakasama talaga ng ugali mo!" Ano?! Ako pa talaga ang masama ang ugali, ah? "Tinimpla ko 'yan para sa'yo—para mapatawad mo ako—tapos ito ang igaganti mo sa akin?" Tinuro niya ang mukha niya. "Ibubuga mo lang sa mukha ko? Hindi ka lang masama, dugyot ka pa!"

Hindi na rin ako nakapag-pigil at tumayo na rin ako nang padabog. Ang kapal ng mukha niya para pagsalitaan ako. Sino kayang mas masama sa aming dalawa? Eh, papatayin niya ata ako sa sobrang alat ng juice na tinimpla niya!

Marahas kong kinuha 'yung baso at tumapon pa ng kaunti ang juice. Itinapat ko sa kanya 'yon at saka ginantihan ng bulyaw. "Putangina naman, River. Eh, papatayin mo ako sa juice na 'to. Sige nga! Tikman mo!"

Bigla siyang lumapit sa akin at nagulat ako nang bigla niyang paluin ang bibig ko ng sobrang lakas. "'Wag kang MAGMURA!" Sigaw niya na mas ikinagalit ko.

Bwisit! Ang sakit ng pagpalo niya sa bibig ko.

"Putang---"

Huminto siya at saka ipinalad sa harap ko ang kamay niya. "Wait lang. Pause muna, okay? Maghihilamos lang ako. Masyado namang mapanget tingnan kung nag-aayaw tayo tapos may juice ang mukha ko." Aniya at saka mabilis na nagpunta ng CR.

Napabuntong hininga ako. Bwisit! What the f! Hindi ko alam kung maasar ba ako o matatawa sa inasta niya. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aaway tapos naisip niya pa ang bagay na 'yon? Nakakapanggigil talaga siya!

Nakakaputangina ang ugali niya. My goodness.

Bumalik siya na fresh na fresh na ang mukha. Hinarap niya ako at akmang bubulyawan ko na sana ulit siya, "Nakaka---" pero nagmostra ulit ng kamay para mapahinto ako sa pagsasalita.

"Kanina ka pa nag-aalburoto, eh. Dapat ako naman. It's my turn."

Napahagod ako sa noo ko. "What---" pero nahinto ang sanang pagbuga ko ng galit sa kanya nang mag-igting ang dalawang panga niya.

"ALAM MO IKAW BABAE KA," madiin niya akong dinuro. Tagos na tagos ang galit niya. "WALA KANG KARAPATAN NA MURAHIN AKO!"

Mas naging mainit ang awra naming dalawa. "PAANONG hindi kita mumurahin e tignan mo nga 'yang jui---"

"Hindi mo ako pinapakain kaya 'wag mo akong murahin! Hindi kita mimumura kaya 'wag mo akong murahin." Mas naging mababa na ang tono ng boses niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

Okay, may point siya. Pero kasi, kasuklam-suklam talaga ang ginawa niya. Una, sunog 'yung cookies na pinakain niya sa akin. Pangalawa, hindi ko alam kung juice pa bang matatawag 'yon dahil sobrang alat.

"Alam mo bang sabi sa akin ni Mommy at Daddy na masama ang magmura? Kaya dapat 'wag kang magmura. Kababae mo pa namang tao nagmumura ka."

"Eh, bakit kasi---"

"Natu-turn off ako sa mga babaeng nagmumura." Hunalukipkip siya at saka niya ako sinimangutan.

Natawa ako sa sinabi niya. Sarkastiko ko siyang tiningnan. Ano naman kung natu-turn off siya sa mga babaeng nagmumura? Ano ang pakielam ko, aber? "Ano naman kung natu-turn off ka? Bakit, nagpapa-cute ba ako sa'yo?"

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon