Chapter 36

1.7K 33 0
                                    

Chapter 36

Stella's POV:

"Grabe kayo sa akin ah," napahalukipkip ako. "Ganoon ba ako kapanget para hindi magustuhan ng sobrang guwapong tulad ni River?"

"Oo. Dati," Ani Misty. "Pero ate, baka puwede mo naman akong turuan ng tips kung paano magkakagusto ang katulad ni Kuya River na sobrang guwapo sa akin? You know, crush na crush ko kasi 'yung hearthrob sa school na si----" Binatukan ko nga.

"Ikaw, Misty, ang bata bata mo pa kung ano-ano na 'yang iniisip mo. Mag-aral ka nga muna!"

Malakas na tumikhim si mama at papa.

"Kung gayon," panimula ni mama. "Bakit ka andito, hijo? Mamanhikan ka na ba?" Bigla akong nasamid sa sinabi ni mama.

"Ma!" Singit ko sa usapan. "Ano bang sinasabi niyo diyan?"

Natawa si River at saka napahagod sa dibdib. Kinakabahan siguro. "H-hindi pa po. Hehe. Andito lang po sana ako para dalawin si Stella." Bigla niyang inilagay 'yung malaking paper bag sa mesang nakagitna sa amin. "Heto po, para sa inyo." At ang mga etchoserang kapatid ko na ang nagbukas n'on.

"Hoy. Hoy. Doon nga kayo sa kusina," Bawal ni mama sa kanilang dalawa dahil masyado silang abala sa usapan sa pagkalkal kung ano ang laman ng paper bag.

Huminga ako. Buti naman at nabawasan na ng dalawang asungot ang mga kaharap ko.

"Kaya mo bang buhayin ang anak ko?" Patudyada ni Papa. "Hindi kayo susuko sa hirap at ginhawa?" Nalaglag ang panga ko. Ano 'to, kasal?

Napakamot ng ulo si River. "Oo naman po. Sa bahay nga po siya nakatira, e." Napalunok ako at saka napangiwi. OH. MY...

Nanlaki ang mga ni Mama at Papa. "Sa bahay niyo nakatira ang anak namin?!"

"O-opo," nagtatakang sagot ni River. "Sa kwarto ko po nga po siya natutulog, e."

O.M.G. Napapalo ang dalawang kamay ko sa mukha ko. Patay na talaga ako na'to. Hindi na ako makakatakas.

Dahan-dahang bumaling ng tingin sa akin si mama at papa suot-suot ang matatalim na mata. Muli akong napalunok at saka malalim na buntong hininga. Oh my gulay, ano'ng gagawin ko? Ano'ng sasabihin ko?

Dahan-dahang nagsalita si mama pero may medyo galit. "Ano ang sinasabi ng lalaking 'to?"

Napasulyap ako kay River na nakakunot ang noo ngayon. Malamang sa malamang ay hindi niya alam ang sitwasyon ko. Jusko! Ano ba naman kasi ang pumasok sa kokote niya at dumalaw siya ngayon? Huhuhu.

Pinakalma ko ang sarili ko. Bumuntong hininga ulit ako at saka matapang na kalmadong hinarap sila mama. "Okay. Ma, Pa, magpapaliwanag po ako."

"Kailangan mo talagang magpaliwanag sa amin!" Ani Papa sa baritonong tono na mas ikinakaba ko.

Magsasalita sana si River kaso sinenyasan ko siya na huwag na lang.

"Ganito po kasi 'yan, ma, pa," Bumuntong hininga na naman ako. Ganito pala kapag kinakabahan talaga, hindi ko na mabilang ang buntong hininga ko. "Nanakaw po kasi 'yung pinadala niyong pera sa akin noong nagwithdraw ako. Natakot at nahiya po akong sabihin sa inyo dahil tiyak na magsusuper-saiyan kayo kapag nalaman niyong nawala ko ang ganoon kalaking pera at nahihiya naman ako dahil antagal niyong pinag-ipunan 'yon tapos mawawala lang.

"Kaya naghanap ako ng trabaho..." Ipiniliwanag ko ang lahat lahat kila mama at papa gayundin sa dalawang chismoso't chismosa kong kapatid. Sinabi ko sa kanila na doon ako nag-aaral sa Klavinson Academy at ang dahilan kung bakit doon ako natutulog sa kwarto ni River.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon