Chapter 5

3.9K 54 0
                                    


Chapter 5:


Stella's POV:

Binigyan ako ng isang linggo ni Sir Henry para tapusin ang lahat sa school ko. Ngayon, huwebes na at hindi pa rin ako nagpapaalam kay Janine na aalis na ako dito at doon na titira sa boss ko.

Hindi ko na rin binayaran ang tution fee ko since mag-ta-transfer na nga ako. Gagamitin ko na lang ang advanced ko kay Sir Henry na 10 k para sa pang-araw-araw ko. Sa Klavinson Academy ako mag-aaral kaya nasisiguro kong ginto ang mga bilihin do'n. Nagulat lang ako sa suweldo kong binanggit ni Sir Henry. 40 thousand. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala pero seryoso talaga si Sir Henry. Basta lang daw ay galingan ko ang pagpapatino sa Boss ko.

Kaya dapat kong galingan. Hindi ko dapat biguin si Sir Henry sa pagpapatino sa anak niya.

Nakauwi na ako ng apartment nang ala-una ng hapon. Alas-tres na at maya-maya lang ay paniguradong darating na si Janine.

Napabuntong-hininga ako. Paniguradong sobrang madrama ang magiging ganap dito sa boarding house mamaya. Babaha ng luha.

Masakit din sa akin 'to dahil mawawalay ako sa bestfriend ko. Pero magkikita naman kami tuwing weekend sa barrio kaya sa tingin ko naman ay hindi namin masyadong mami-miss ang isa't isa.

At saka tinanggap ko na 'yung katotohanan na: Darating talaga 'yung panahon na kahit gaano tayo ka-close sa isang tao ay magkakanya-kanya na tayo pero hindi ibig sabihin no'n ay magbabago na ang lahat.

Pisikal lang naman ang magkakalayo pero ang puso ay mananatiling konektado magpakailanman.

Wala pa rin akong balak na sabihin ito kila mama. Papakiusapan ko si Bes na dapat mag-ingat siya sa pagkuwe-kuwento (close pa naman sila ni mama) para hindi ako mabuking. At saka, aalis din naman ako agad-agad kapag napatino ko na ang boss ko. Kailangan ko talagang gawin ang lahat sa mabilis na panahon, dapat pag natapos ang first sem ay matapos ko na rin ang misyon ko para sa second sem ay magta-transfer ulit ako sa Villa De Portal University.

Mayroon pa akong apat na buwan para magawa ko ang misyon kong mapatino ang boss ko. Uy! May 120 thousand din ako doon, ah. Infairness naman. Pero siyempre hindi ko pa rin sasabihin kila mama na may ganoon ako kalaking pera, baka kung ano pang isipin nila.

Kumabog na ang puso ko nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Si Janine na iyon. Tumayo na ako mula sa kama at pinapasok na si Janine. Hinintay ko muna siyang makabihis at saka ako ti-tiyempo para sabihin ang lahat.

"Ahhmm, bes." Sambit ko nang umupo na siya sa kama niya.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Oh, bakit, bes? May bago ka bang chika?" Nakangiting saad niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-iyak na lang. Dali-dali namang nagpunta si Janine sa akin at nag-aalalang hinaplos-haplos ang likod ko.

"Bes, bakit ka umiiyak?" Aniya. Nag-angat ako ng tingin at saka siya niyakap. "D-don't tell me buntis ka?"

Napahiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at saka minasamaan ng tingin. Seriously, ha?

"Joke lang. Pinapatawa lang kita. Haha. Ikaw naman kasi, masyadong kang madrama e hindi ka pa nga nakakapagkuwento."

"Paano naman ako mabubuntis e wala naman akong joa." Nagpaikot ako ng mata.

"Sa bagay, wala naman magtatangkang buntisin ka." Napahagalpak siya sa tawa.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon