Chapter 20

2.2K 38 1
                                    


Chapter 20:


Stella's POV:

Kinabukasan ay humupa na ang pamamaga at hapdi ng labi ko pero ang inis at galit ko kay River ay hindi pa rin humuhupa.

Naliligo pa lang siya ay tinakasan ko na siya. Hindi ako sasabay sa kanya ngayon sa pagpasok. Bahala siyang magdala ng mga gamit niya. Kung magsumbong man siya kay Sir Henry na hindi ko ginagampanan ang tungkulin ko ay sasabihin ko ang totoo. Sigurado naman akong maiintindihan ako ni Sir Henry.

Nang makalabas ako ng gate ay naglakad na ako papunta sa kanto para mag-abang ng taxi. Nang maibigay ko ang bayad ay bumaba na ako.

Medyo naging matiwasay naman ang pakiramdam ko habang naglalakad sa loob ng school dahil kaunti pa lang ang tao. Wala naman masyadong mga nakatingin sa akin dahil hindi ko kasabay ang boss ko. Sa tuwing kasabay ko kasi siya ay hindi ko mabilang ang matatalim na titig ang ibinabato sa akin.

Sa totoo lang ay parati akong center of attraction dito. Bukod kasi sa Personal Maid ako ni River ay bukod tangi lang atang ako ang may 'may hindi ganoong kagandahan' na itsura dito. Lahat kasi ng nakikita ko ay puro pang-high class ang datingan. Kumbaga, isa akong nobody kung ituturing, walang class, naligaw lang. Kaya madalas tuwing nag-iisa ako ay parating may mga mata na pinandidirihan at mga bibig na humahalakhak sa tuwing dumadaan ako.

Dahil sa sobrang drama ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may kasalubong na pala ako at napatuhod na lang sa sahig nang magkabanggaan kami.

"Are you okay, miss?" Hindi ako nakasagot sa kanya dahil naramdaman kong may napunit sa kaliwang tuhod ko. Oh, shems! Nagasgas ang precious tuhod ko. Nagdudugo pa.

Lumuhod na rin 'yung lalaki at napahawak sa tuhod ko. "You are not. Dadalhin kita sa clinic." Bubuhatin na sana niya ako kaso ay agad akong tumayo.

"H-hindi na. Malayo pa ito sa bituka. At saka anliit lang naman ng gasgas kaya okay lang." Sambit ko habang pinapagpag ang tuhod dahil may mga nakadikit pa ditong alikabok ng semento.

Nang tumayo siya ay nag-angat na ako ng tingin. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang mukha niya. Tama! Siya 'yung kalaban nila River sa basketball. 'Yong magaling din. Sa pagkakatanda ko ay Del Monte ang apelyido niya.

"You sure?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. Kitang-kita ko naman sa mga mata niya ang maliit na pag-aalala.

"Y-yes!" Utal kong sabi. Napagtanto ko kasi na mas guwapo pala siya sa malapitan. Medyo nailang tuloy ako dahil may guwapong nilalang ang nasa harap ko. Makakapal ang kilay niya pero maayos ito. Pointed na pointed ang nose niya. Hindi siya masyadong maputi at hindi naman maitim. Saktong lang ang kulay niya na bumagay sa kanya. Siya 'yung tipo ng taong angelic ang face pero anlakas ng datíng. Feeling ko ang bait-bait niya.

Ngumiti siya na mas nakapagpaguwapo sa kanya. Mas kinilig ako nang makita ang dimples niya. Feeling ko tuloy nag-blush ako sa harap niya.

"Sorry talaga, 'ya? Medyo nagmamadali kasi ako kaya hindi kita nakita. I'm really so---"

"You don't have to," What? Napaenglish na naman ako. Hihihi. "Aksidente ang nangyari kaya okay lang."

"Sure ka ba na hindi ka na talaga magpapadala sa clinic?" Napailang ako. Ang kulet naman niya.

"Hindi na. 'Wag ka nang mag-alala. At saka nagmamadali ka 'di ba? Unahin mo muna iyon." Bago ako. Ay, anlandi! Hihihi.

"Okay. By the way, you are Stella, right?" Tanong niya. Tumango ako. "I'm Adrian. Adrian Del Monte." Aniya at saka naglahad ng kamay na mabilis kong pinaunlakan.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon