Chapter 10

2.8K 48 0
                                    


Chapter 10:


River's POV:

"What?! Dito ka ulit matutulog sa kwarto ko?" Tsk. Tsk. Parang medyo makapal na' ata ang mukha niya ah?

"Dito raw po ako magkwa-kwarto kasama niyo sabi ni Sir Henry. At saka don't worry, boss. Ako naman ang matutulog dito sa comforter." Kagabi kasi ay dito siya natulog sa kama ko at kaming tatlo nila neff ay sa ibaba sa comforter. Sabi kasi ng dalawa kong kaibigan ay 'babae' siya at dapat lalaki ang nagpaparaya.

Muntik ko pa silang suntukin sa sinabi nila. Parang ang unfair ng thought na 'yon, eh. 'Dapat lalaki ang nagpaparaya'. Tsk. Kaya minsan abusado din ang mga babae, e.

Napanguso na lang ako. Ibig sabihin ay makakasama ko sa iisang kwarto ang babaeng...

Napahinto ako at napatulala kay Stella. Kinunutan naman niya ako ng noo. Hala! Kung dito siya kwarto ko magkwa-kwarto ay ibig sabihin, malaki ang posibilidad na...na gapangin niya ako lalo na tuwing gabi at natutulog?!

Manyak talaga ang babae na 'to simula't sapul, eh.

"Kung inaakala mong makaka-score ka sa akin ay hindi mangyayari 'yon!" Minasamaan ko siya ng tingin na ikinakunot ng noo niya.

"Ano bang sinasabi niyo, boss?"

"Hindi mo ako mare-rape!" Sigaw ko sa kanya. "Hindi porket pinayagan ka ni daddy na dito magkwarto ay makakaisa ka na sa akin. Hindi ako papayag!"

Inirapan niya ako at saka natawa. "Seriously? Ikaw pa talaga ang nag-iisip ng ganyan? Hindi ba dapat ako kasi ako ang babae? Dapat ako ang matakot sa'yo na baka ikaw ang gumawa sa akin ng bagay na 'yon."

Ano?! Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin sa akin 'yon.

"Ikaw?" Sarkastikong sabi ko. "Seryoso ka ba? Sa tingin mo re-rape-in kita?"

Nagtaas siya ng kilay. Aba, confident pa siya, ah. "Excuse me. Kahit naman ganito ang face ko, kahit papaano ay may iilan pa ring nagkakagusto sa akin, 'no!"

"Natitiyak kong may itinanim ka sa kanilang sumpa kaya gano'n."

"Grabe ka talaga!" Umirap siya. "'Wag kang umasa na re-rape-in kita! Hindi kita type, 'no!" Aniya na parang nag-alângan pa sa pagsasabi no'n. Maduda ko siyang tiningnan.

"Grabe ka rin! Hindi ako mukhang keyboard para lang matype-an. Ang baba naman ng tingin mo sa akin. Tsk."

Napabuga na lang siya ng hangin. Inayos ko na ang kama ko. Inayos na rin niya ang comforter niya.

"Umusog ka do'n." Utos ko sa kanya dahil idinikit niya ang comforter sa kama ko. Mukha atang may balak ata talaga.

Inirapan niya lang ulit ako at saka inusog nang malayo ang comforter. Very good!

Bago ako mahiga ay tiningnan ko muna siya habang inaayos ang mga unan niya. Napatingin naman siya sa akin tapos ay inarapan na naman ako. Inirapan ko nga din. Namumuro na siya, ah. Ilang beses na niya akong inirapan ngayon. Tsk.

Nang makahiga na ako ay napatingin ako sa kisame. Bigla kong naisip na manuod ng isang horror movie. Tama! Tapos tatakutin ko si Stella. Wahahahaha! Dahil ilang beses niya akong inirapan ngayon ay gagantihan ko siya!

"Manood tayo ng movie!" Tawag ko sa kanya. "Pakisindi ang smart tv. Tapos search mo sa netflix ang Anabelle." Ginawa naman niya 'yon pagkatapos ay inutusan ko siyang patayin ang ilaw.

Napangisi ako. 'Pag malapit na sa kalagitnaan ay saka ko isasagawa ang plano ko.

Nang lingunin ko si Stella ay seryoso lang siyang nanunuod at napapahikab pa. Mukhang umaayon ang lahat. Sigurado akong mawawala ang antok niya kapag tinakot ko na siya. Hihihihi.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon