Chapter 15

2.5K 49 1
                                    

Chapter 15:

Stella's POV:

Isang nakapahalukipkip, nakadekwatro, kunot-noo at matalim na mga titig ang bumungad sa akin nang pumasok ako sa kwarto. Kitang-kita ang matinding aura ng aking boss habang nakaupo siya sa sofa'ng bubungad kapag nakasampung hakbang ka mula sa pinto.

Nagtaas ako ng kilay. Tiningnan ko siya nang bakit-ganyan-ang-itsura-mo look.

"Lapastangan!" Nalaglag ang panga ko dahil sa 'word' na binitawan niya. Grabe, 'ya. Anlalim no'n. "Hindi ko inakalang, ta-traydurin ako ng isang taong pinagkatiwalaan ng sarili kong ama!" Napapikit na lang ako. Heto na naman siya at umaandar na naman ang isang pag-uugali niya—ang pagiging malalim sa mga salita. "Walang kapatawaran ang ginawa mong pagkakasala sa akin! Wala kang galang at pati ang ref ko ay nilapastangan mo pa! Wala ka man itinira kahit isang butil ng sitsirya. Wala kang awa!" Tumayo siya at saka naglakad palapit sa akin. Hindi naman na ako nahintakutan dahil sanay na ako sa ganitong attitude niya.

Siyempre, dahil masyado akong maganda para magpa-api sa kanya ay mas fierce look ang ibinigay ko sa kanya. "Excuse me, sa'yo ba 'yung mga 'yon? Wala kasing pangalan, eh." Pilosopo kong sabi na bigla naman niyang sineryoso.

Kumunot ang noo niya "Tsk. Tsk. Oo nga." Napakamot pa siya sa batok. "Sige, palalampasin ko ang ginawa mo sa akin ngayon, pero sisiguraduhin ko nang wala ka nang makukuha sa ref ko dahil bawat produkto na ilalagay ko roon ay lalagyan ko ng pangalan. At sa oras na may pangalan ang mga 'yon, wala ka nang karapatan na kuhanin iyon. At kung kukuhanin mo ang hindi sa'yo, kakasuhan kita!"

Tinalikuran ko na siya at ibinaba ang mga gamit ko sa sofa. Linggo ng hapon ako umuuwi dahil maaga ang pasok ko kinabukasan. Ganoon din naman ang pasok ko noong nasa Villa pa ako kaya hindi nakakahalata sila mama na may secret agenda ako.

"At dahil wala na akong pagkain sa ref, sasamahan mo akong mamalengke!"

Napakunot ang noo ko. "Ha? Puwede ka namang mag-utos ah."

"Ayoko," Lumunok siya. "Gusto ko ako ang bumibili sa mga pagkaing inilalagay ko sa ref ko."

Tsk. Ang arte naman.  Ano naman kayang pinagkaiba ng pagpapabili sa siya mismo ang bumili? Puwede naman niyang ilista ang mga gusto niyang ipabili.

"Mas masarap kasi kapag pinaghihirapan. Syempre, kung iba ang naghírap na bilhin iyon ay parang wala lang. Pero dahil mag-e-effort akong bilhin sila—ang mga pagkain—ay mas nakakaproud dahil ako mismo ang naghirap sa kanila para hanapin, buhatin at ilagay sa ref." Aniya na para bang nabasa ang tanong sa isip ko.

Muling nalaglag ang panga ko. Seryoso ba siya? Hanggang sa pagbili ng pagkain iaapply niya ang 'thought' na 'yon? Grabe talaga siya.

"'Yung tipong masasabi mong 'worth it' ang isang bagay kasi pinaghirapan mo iyon." Napabuntong hininga siya. "Kaya nga lahat ng kinakain ko na galing sa ref ko, masasabi kong 'worth it' kainin dahil in-effort-an kong bilhin 'yon."

Umismid ako. Nagtaas lang ako ng kilay dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ewan ko ba kung seryoso siya o nanloloko lang. Hay nako! Basta abnormal siya. Hindi siya ordinaryo!

"Ikaw na lang." Tamad akong umupo sa sofa pero bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinigit ako patayo.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Personal Maid kita at boss mo ako hindi ba? Kaya ngayon, inuutusan kita na samahan akong mamíli ng mga pagkain."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Siya ang nagdrive ng kotse at hindi ako makapaniwalang sobrang bilis niyang magmaneho.

"ANO BA, RIVER. Magdahan-dahan ka naman!" Sigaw ko dahil sa sobrang kaba. Ilang beses akong muntik nang mauntog dahil sa mga biglaang pagpreno niya.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon