Chapter 43

1.6K 26 0
                                    


Chapter 43


River's POV:

Matapos ang klase namin ng friday ay agad ko nang inihatid si Stella sa terminal para umuwi. Medyo okay na kami pero paulit-ulit niya pa ring sinasabi na break na kami pero paulit-ulit din akong hindi pumapayag.

"Wala ka nang magagawa River. Sa oras na matapos ang semester, break na tayo. Period!" Ani Stella at saka padabog na isinara ang pinto.

Masakit para sa akin 'to. Ayokong humantong kami sa hiwalayan. Pero ang mas masakit, hindi ko inakalang si Dad pa talaga ang magiging dahilan kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa kompanya namin. Hindi na ako makapaghintay kausapin si Dad mamaya 'pag umuwi siya.

Sa mismong pagbaba ko ng parking lot ay halos nakatingin ang lahat ng mata sa akin. Ito ang kauna-unahan kong punta sa main office ng kompanya namin. Medyo nakakailang ang mga tingin at bulong-bulongan nila pero hindi ko sila pinansin at itinuon ang mata ko sa daan.

Humarang pa sa akin ang kanyang secretary nang makita akong papapasok sa pinto ng office ni Dad pero nang makilala niya ako ay agad rin siyang lumihis. Walang habas kong binukas ang pinto. Nakita ko ang pagkagulat ni Dad na kasalukuyang nakaupo sa harap ng CEO's table. Binitiwan niya ang hawak-hawak na papeles.

Agad siyang napatayo nang nakita niyang masama ang tingin ko at nagdire-diretso ako palapit sa kanya. Tanging ang table lang ang naging harang namin na dalawa.

"W-what's the problem, son?"

"Dad," Pasimula ko. "Wala kang originality." Medyo mataas ang boses na saad ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mong wala akong originality?"

Bumuntong hininga ako. "Ano, gaya gaya ka na lang? Na ikaw, bilang isang pamilya ko, ikaw 'yung hahadlang sa pag-iibigin namin ni Stella. Na dahil wala silang business na sinlaki ng business natin, kailangan mo siyang diktahan? Na hindi ako bagay para sa kanya? Na ia-arrange marriage mo ako sa ibang babae kase gusto mo mayaman din 'yung mapangasawa ko?" Hindi ko na napigilang magalit. "'Yon ba? Ang selfish mo, Dad!"

"River," Nanatiling kalmado si Dad. "I did it on purpose. For you---"

"Purpose? Para sa akin?" Tinuro ko ang sarili ko. "Para sa akin ba 'yung pagdidikta mo?" Sarkastikong saad ko. "Bakit kailangan mong diktahan ang pagmamahal ko, ikaw ba ang nagmamahal, Dad? Ha?!"

"Anak, please calm down. We can talk about it nang maayos."

"Hindi ko alam na magiging katulad ka ng mga kontrabida sa mga storya."

"I'm not. I'm doing it for you."

"Pero gaya sa mga storya, ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin. Ipaglalaban ko si Stella, Dad." Nangingilid na ang luha ko. Hindi ako papayag na ganito.

Unti-unti nang nagbago ang ekspresyon ni Dad. Nararamdaman ko na ang presyon at init sa pagitan naming dalawa.

"Hindi ko kayang tanggapin si Stella. Nakikita mo ba 'yung future mo sa kanya? Ano na lang 'yung sasabihin ng mga tao sa'yo? Na ang tanga mo becauae you love that kind of women? You just love that---"

"She's not just a just, Dad! Mahal ko siya. Mahal. 'Wag mo siyang la-lang-in!"

"Maghihiwalay kayo sa ayaw at gusto niyo. Nakausap ko na si Stella tungkol dito."

"No, Dad. Hindi ko siya hihiwalayan. Ipaglalaban ko siya hanggang dulo!"

"Can't you see the possibilities? Baka perahan ka lang niya! Nakita mo kung gaano tayo kayaman and...'yung mamahalin mo gano'n lang?"

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon