Chapter 37

1.6K 29 0
                                    

Chapter 37


Stella's POV:

"Ano na'ng date ngayon?" Tanong sa akin ni River habang nakahiga kami sa kama, nanonood ng Avatar: The Last Airbender. Ewan ko ba naman sa lalaking 'to at ang hilig sa cartoon. Tapos 'yung may mga kapangya-kapangyarihan pa. Kaya siguro na-occupied ng fantasy ang utak niya at noong una kaming nagkita ay sinasabi niyang may kapangyarihan ako.

"November 21. Bakit?" Sagot-tanong ko.

"Kailan na nga naging tayo?" Inosente niyang tanong. Kumunot ang noo niya, tumingin sa kalendaryo at iniisip kung kailan.

Inirapan ko siya. Napahalukipkip ako. "Nakalimutan mo?" Nagtaas ako ng kilay. Nakakainis na rin ang pagka-inosente ng lalaking 'to, e.

"Tatanungin ko ba kung naalala ko?" Napanguso ako. "Kainis ka!" Binatukan ko siya. "Pati importanteng kaganapan sa buhay natin kinakalimutan mo!"

Mabilis siyang lumapit sa akin at saka ako inakbayan. "Ikaw naman." Ngumiti siya. "Bakit ko naman kakalimutan ang October 26?" Walang anu-ano'y itinulak ko siya.

"Anong October 26?! 28 'yon!" Galit na sumbat ko. Pinapa high blood ako ng guwapon lalaking 'to. Tsk.

"Ahehehe..." Alanganin siyang napangisi. "Chine-check ko lang kung alam mo talaga."

Matalim ko siyang tiningnan pero agad siyqng lumapit sa akin at saka ako nilambing. Nanatili akong nakapahalukipkip. "Ano bang gusto mong regalo sa monthsary natin?" Hindi ko siya inimik. "Sabihin mo na. Dali na." Kinikiliti niya 'yung baiwang ko pero buti na lang at mahina lang ang kiliti ko do'n kaya napigilan kong huwag tumawa.

"Tinatanong ba 'yan?" Saad ko.

"Aba, oo na---"

Umuusok ang ilong ko nang hinarap ko siya. Pumamewang ako. "Kase para hindi ako madisappoint? Paano kung 'yung ireregalo mo e hindi ko gusto? My ghad, River," Pinasadahan ko nang madiin na haplos ang noo ko. "Siyempre naman, ikaw na ang bahala do'n! E di, ano na'ng thrill kapag alam ko na 'yung ireregalo mo sa akin kung sasabihin ko sa'yo kung ano ang gusto ko?" Galit na saad ko. Nakaka-imbyerna ah.

"O-ok?" Utal at hindi siguradong sagot niya. Napatingin siya sa kisame. "'Yung may thrill?" Napabuntong hininga na lang ako. Sigurado akong nag-iisip na naman siya ng mga kakaiba. Hay nako. "Pero wait!" Aniya at mabilis na lumingon sa akin. "Di ba, kapag nireregaluhan ng isang tao ang mahal niya, may nakalagay na 'call sign'?" Kumunot ang noo niya. "Bakit nga pala tayo, wala pang call sign?"

Napaisip din ako. Oo nga, 'no? Mag-iisang buwan na kami tapos wala pa kaming call sign?

"Ah..." Nag-isip ako pero wala akong maisip. "Aba, e di, ewan ko sa'yo! Ikaw itong lalaki kaya dapat ikaw ang magdesisyon kung ano'ng itatawag mo sa akin, sa atin." Palusot ko.

"Honey? Myloves? Darling? Mahal? Baby? Bebe ko? Hmmm..." Napahinto siya. "Masyado nang common ang mga ganyang 'call sign'. Dapat doon tayo sa hindi pa nagagamit. 'Yung unique. 'Yung walang katulad." Bigla akong napalunok. Kinakabahan ako sa puwedeng maisip ng lalaki na 'to.

"Siguraduhin mo lang na---"

"Ano kaya kung 'Jurungetsu'?"

Nalaglag ang panga ko. "Ano ba 'yan, River. Ampanget! Ambahong pakinggan!"

"Ha? Bakit, naamoy mo?" Binatukan ko nga.

"Ayusin mo naman. 'Yung matino. 'Yung hindi mapanget pakinggan. 'Yung hindi nakakatawa." Pakiusap ko.

"Hmmm," Muli siyang nag-isip. "Pagsamahan kaya natin ang salitang 'mahal' at 'baby'? Mahaly?" Napailing siya. "Ang laswa naman. Para namang 'mahalay' ang datíng."

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon