Chapter 32

1.8K 29 0
                                    

Chapter 32

Stella's POV:

Nang makapasok ako sa bahay ay walang katapusang pang-iintriga ang ginawa nila sa akin. Siyempre, sinabi ko na lang na kailangan ko talagang magpaganda dahil kailangan sa course ko. Hindi pa rin kasi nila alam ang mga nangyayari sa buhay ko. "Siyempre, bilang isang future business woman, dapat ngayon pa lang ineexercise ko na ang pagiging professional ko; dapat maganda!" Sambit ko sabay flip ng hair.

Pumasok ako ng kwarto ko at sinundan pa rin ako ng dalawa kong kapatid.

Bigla akong kiniliti ni Misty sa tagiliran ko. "Ayunie, si Ate, maganda na. For sure, may magkakagusto na sa'yo niyan," Aba, kung makapagsalita si kapatid ah.

"Excuse me," irap ko. "Kahit noong 'medyo panget' pa lang ako may nagkakagusto naman sa akin ah." Pagmamayabang ko.

"Ha?" Singit ni Jericho. Epal naman. "Wala nga e. Ikaw nga 'ata ang naghahabol sa lalaki," Aniya at sabay pang humagalpak ng tawa ang dalawa kong mapang-asar na kapatid. Kahirap nang pinagtutulungan. Haist.

Napapalo ako sa noo ko. "Grabe kayong dalawa sa akin, ah! Pasalamat nga kayo at sinalo ko ang kapangitan niyong dalawa e. Siyempre, panganay ako kaya experiment position pa lang ang ginawa nila mama at papa noon kaya ganoon ang mukha ko---dati, pero siyempre, nag-evolve na ngayon."

"Evolve?" Sabay na sigaw nila at saka humagalpak sa tawa. "Ahahahaha." Sabay na sabay talaga e. Kaasar ng mga kapatid kong 'to. "Bakit, ate, mukha ka bang ape -sinaunang tao- dati?"

"Tse!" Dinampot ko 'yung unan ko at saka sila pinagpâpâló. "Lumayas ka kayo rito. Mga intrigero't intrigera!" Tinulak tulak ko sila hanggang sa makalabas sila ng kwarto ko pero kahit nasa labas na sila ay rinig na rinig ko pa rin ang hagikgikan nilang dalawa.

Talagā...wala ka talagang magawa kapag pinagtulungan ka ng mga kapatid mo, e.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi na sana ako papasok nitong week dahil ngayong linggo gaganapin ang 'The Versus Department League' - maglalaban lahat ng iba't ibang department sa larangan ng sports -, wala namang klase kaso nga lang ay naalala kong hindi nga pala ngayong month ang ganitong event sa private school na pinanggalingan ko kung saan nag-aaral si Janine. Tiyak na magtataka ang pamilya ko. Malalagot na ako 'pag nagkataon. Hindi pa ako handa para sa umaatikabong drama moment namin.

Sinundo ako ni River sa terminal nang maaga. Gusto niya raw kasi sabay kaming papasok at nang makita raw ng buong school kung gaano kaganda ang girlfriend niya. Tumaba naman ang puso ko roon.

Alam mo 'yung boyfriend mo na proud na proud kang ipakita na ikaw 'yung girlfriend niya. Nakakakilig. Super!

Naka-civillan lang kami ngayon since regular class nga. Siyempre, bilang isang dalagang nag-evolve na, naka-dress naman ako. Pero hindi naman 'yung super revealing. Hanggang tuhod pa naman. Si River naman, black fitted jeans at v-neck white shirt. Simple and yet super hot niyang tingnan.

Habang naglalakad kami ay kitang kita ko ang mga matang malalagkit na ayaw maalis sa amin. Rinig na rinig din namin ang chismisan ng mga tao sa paligid.

Kinuha ni River ang kamay ko. Medyo nailang ako pero hinayaan ko na lang. Tama siya. Dapat maging proud ako sa relasyon namin. Ngayon nag-evolve na ako, dapat mas maging confident ako.

Nakita ko sa hallway 'yung babaeng ka-sex ni Adrian nang mahuli ko siya. Titig na titig siya sa akin. Hinila ko 'yung kamay ni River at saka ko hinarap 'yung babae.

"Hi." Ngumiti ako ng plastic.

Nagtaas siya ng kilay. "Hello, ugly!" Ngumisi siya.

"Look who's uglier?" Nagtaas din ako ng kilay. Medyo kinabahan pa ako sa english ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "You know what? Mukha kang karag!"

"How dare---" Sasampalin niya sana ako pero nasalo ko ang kamay niya. "Bawiin mo 'yung sinabi mo. Of all animals, karag pa talaga?" Galit na saad niya.

Ngumisi ako. "Bakit ko babawiin ang totoo? Uulitin ko, mukha kang karag. Putang---" Biglang hinawakan ni River ang kamay ko nang mahigpit. Ow. Nakalimutan ko. Bawal na nga palang magmura. Napabuntong hininga na lang ako. "Hanggang dito na lang, girl," paalam ko. "Malay mo may humalik sa'yo tapos mawala ang sumpa ng pagiging karag mo." Sambit ko at saka namin siya tinalikuran ni River.

Nagpunta muna kami sa room para tumambay. May mga kaunti kaming mga kaklse roon at naabutan naman namin si Neff na kasalukuyang may katawagan. For sure, si Janine na naman iyon. Wala si Aerol. Malamang ay nasa banda iyon, nagpa-praktis. May performance 'ata sila sa awarding.

"Punta raw si Janine pagkatapos ng klase niya," Ani Neff at abot hanggang tainga ang ngiti.

Lumabas muna kami ng room para manood ng laban ng iba't ibang sports. Kung saan nagkalat ang mga players at studyante ngayon. Nang mag-alas diyes na ay sinamahan ko na sila River sa locker nila para magpalit ng jersey. Laro nila ngayon laban sa CAS Department, basketball sport.

Doon ako pumwesto sa right side sa ibaba ng bleachers kung saan pumupunta ang players kapag nagpapahinga. Siyempre, bilang isang suportive girlfriend, ako ang magpupunas ng pawis niya at magbibigay sa kanya ng tubig.

Nakikihiyaw rin ako sa tuwing makaka-shoot ang department namin pero mas tinotodo ko ang sigaw sa tuwing si River ang nakaka-shoot. Aba, nakakaproud bilang isang girlfriend na may boyfriend na magaling magbasketball at star player pa kaya dapat itodo ang cheer. Kahit malatin pa ako kung para naman sa joa ko, go lang!

Bracket Game ang naging style ng laban para sa basketball. Sayang nga lang at hindi nakalaban ng department namin ang CITE na department kung saan belong si Adrian. Gusto kong makita ang walang hiyang unggoy na si Adrian na matalo.

Nakapasok sa Semi-Finals ang department namin. Nakapasok rin ang CITE kaso hindi sila ang naglaban.

Thurday nang mag-semi finals ang department namin - CMA - vs. SHS Dept. Halos napuno ang gym dahil dami ng SHS na nanood. Hindi tuloy kami nakapalag sa cheer nila. May pa-drum pa sila at kung ano-anong mga paingay. Ako naman, kahit hindi na naririnig ang boses ko, todo cheer pa rin ako.

Naging mainit ang laban. May maibubuga rin ang mga SHS Players kaso nga lang nang mag-4th quarter ay bente na ang kalamangan namin. Medyo natahimik tuloy ang mga SHS sa pagchi-cheer. 15 seconds left at nasa kamay ni River ang bola. Mabilis siyang tumakbo papunta sa court nila at nang mag 5 seconds, bigla akong sumigaw ng malakas na malakas,

"Go, River! My Extraordinary Player!" Nakita ko ang pag-ngiti niya kahit naka-side view lang. Kinilig naman ako. Hihihi.

At nang mag-1 second ay ishinoot niya for three points at siyempre...pumasok! Natahimik ang SHS at umarangkada ang mga boses naming tiga-CMA. Finals na kami! Galing talaga ng joa ko!

Nang mag-lunch ay nagpunta kami nila River, Neff at Aerol sa Mall. Isinama ni Aerol 'yung girlfriend niya. Akala namin ay magiging OP si Neff pero nagulat ako nang makita ko si Janine na nag-aabang na sa labas ng gate ng mall. Okay. This is a triple date.

Hindi maalis ang tingin ng mga tao sa amin habang naglalakad kaming anim. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sa tatlong couple na sabay sabay naglalakad? Si Neff nakaakbay kay Janine. Si Aerol naman, nakahawak sa bewang ng girlfriend niya tapos si River, nakapalupot ang kamay sa akin habang magkaholding hands kami. Nakakakilig para sa iba. Para naman sa iba, nakakabitter. Haha.

Sa Greenwhich kami kumain. Tabi-tabi kaming mga babae sa isang side at silang mga lalaki naman sa kabila. Nagkuwentuhan kami habang kumakain at pagkatapos naming kumain ay nag-aya si Janine na mag-sine kaya nanood naman kami. Siyempre, walang nagawa ang boys, isang romance movie ang pinanood namin.

"You know what, mga dude," Ani Neff. "Our squad is the luckiest squad ever!" Ang sinasabi niya ay ang pagkakaibigan nila nila River at Aerol. "The loveliest squad should I say."

"Yeah," kahit madilim ay naaninag ko ang paghawi ni Aerol sa buhok ng girlfriend niya. "And super lucky we have them."

Si River naman ay napabaling nang tingin sa akin. Kahit madilim, kitang kita ko ang umaapaw na pagmamahal mula sa kanyang mga mata. "Until Eternity," aniya sabay marahang humalik sa pisngi ko.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon