Chapter 48

2.2K 33 0
                                    

Chapter 48


River's POV:

"Ano'ng mas maganda? 'Yon o 'yon?" Nagpalitan ang turo ko sa dalawang klase ng singsing na natipuhan ko. Kasama ko si Zania para mamili.

"I think, that would be better." Turo niya sa singsing na may nakaukit na infinity sign. Naalala ko tuloy iyong necklace na niregalo ko kay Stella. Inifinity rin ang sign n'on at natitiyak kong bagay ito sa amin.

"Miss, this one," Tinuro ko ang napili kong singsing para bilhin iyon.

It's december 26. Inuumpisahan na namin ang pagsakatuparan ng plano para sa proposal x engagement namin ni Stella. Magpo-propose ako sa kanya sa Dec. 28. Tama si Dad, hindi ko na dapat pakawalan si Stella. Hindi na siya puwedeng mapunta sa iba. Ibibigay ko na sa kanya ang singsing ng infinite love ko sa kanya.

Binuksan ko ang maliit na kahon at nasilaw ako nang magningning ang singsing doon. Agad akong napangiti. Hindi ko maiwasan ang puso kong tumatalon sa saya. Excited na akong ibigay ito sa kanya. Excited na ako sa 'OO' niya. Excited na akong mangyari ang aming official engagement.

"Sure ka ba na hindi nalaman ni Stella ang about dito noong sinabi mo sa pamilya niya?" Tanong ko kay Zania habang naglalakad kami papunta sa isang fastfood restaurant. Past 12 na rin kasi. Gutom na kaming parehas.

Ngumiti siya. "Yup. Puwera na lang kung madulas sila. Pero hindi naman siguro."

"Natext ko na rin ang mga classmate ko. Kaunti pa lang ang nag-confirm na makakapunta since nasa bakasyon ang marami. 'Yung iba, out of town pa." Saad ko.

"Ah. I see. How's Aerol? Di ba siya ang tutugtog?"

"Yeah." Sagot ko. Malawak ang ngiti na ibinigay ko kay Zania. "By the way, salamat talaga, Zania."

"No problem," Aniya habang kinukuha ang inorder naming foods. "I'm so happy. Parte ako ng inyong legendary love story." Humalakhak siya.

Matapos kaming kumain ay umalis na si Zania dahil may pupuntahan pa raw siya. Inantay ko naman si Aerol at Neff sa upper floor nitong SM at naupo sa open space. Pinanood ko ang nagsasayaw na tubig sa gitna...

Naramdaman ko ang pagtapik at ang maingay na bati ni Neff sa likuran ko. Kasama niya pala si Janine. Si Aerol ay hinintay namin ng 10 minuto.

"Hindi talaga kami makapaniwala, Dude! Nauna ka pang magpo-propose sa amin," Natatawang sabi ni Neff at napahalakhak silang tatlo.

"Ikaw na parang sobrang inosente sa love tapos...wow! You're the man, dude!" Ani Aerol papalo-palo pa sa hita na may beat.

"Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang bestfriend ko," nakangiti namang saad ni Janine. Tumango ako. Finally, nakuha ko na ang approval ng lahat ng taong malapit kay Stella.

"Makakaasa ka. Mamahalin ko siya ng higit pa sa walang hanggan."

Nagtaas ng kilay si Neff. "OA mo naman, dude! Lalampasan ang walang hanggan?" Sarkastikong tugon niya.

"Siyempre, OA rin ang pagmamahal ko sa kanya."

"OA ka talaga! " Pang-aasar niya.

Sinamahan nila akong maghanap ng hotel kung saan puwedeng ganapin ang engagement party. Halos 3 oras rin kaming naghahanap pero wala pa rin akong mapili.

"Hindi ko maramdaman ang ambience ng pagiging romantic dito?"

Pare-parehas silang napabagsak ang panga.

"Gaano pa ba ka-romantic ang gusto mo?" Halatang pagod na si Aerol. "Romantic naman dito ah."

"Abnormal ka talaga, River, e. Ikaw lang ang kilala kong sobrang mapili. Kalalaki mong tao---" Binatukan ko si Neff.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon