Chapter 23

2K 33 0
                                    

Chapter 23

Stella's POV:

Medyo inosente pa ako para maglagay ng lipstick. Kasalukuyan akong andito sa CR habang nag-aayos. For the first time in my life, ngayon lang ako gagamit ng mga ganitong pampaarte. Make-up. Eye liner. Lipstick etc. Buti na lang at parating naggaganito ang Janine kaya naman naipaliwanag niya sa akin ng maayos kung paano ko ilagay ang mga ito. Hindi pa nga siya makapaniwala na gagamit na ako ng mga ganito. Siyempre, medyo nahihiya na ako kay Adrian, eh. Ganoon pala kapag may nararamdaman ka na para isang tao. Kahit 'yung mga bagay na hindi mo ginagawa ay gagawin mo na para sa kanya.

Medyo na-concious na kasi ako sa sarili ko. Ang guwapo-guwapo ni Adrian tapos ako 'medyo panget'? Aba. Dapat ay magpaganda na ako para naman hindi ako mahusgahan ng mga tao sa paligid. Para wala silang masabi. Kailangan kong gumanda!

Nag-umpisa na rin akong gumamit ng pampapatanggal ng tigwayat. Gluta 3X na rin ang gamit kong sabon at saka naglo-lotion na rin ako para mas maging attractive ang skin ko. Buti na lang at nawasa ang tubig dito at saka naka-aircon parati ang boss ko kaya natitiyak kong medyo magiging mabilis ang pagpapaganda ko. Hihihihi.

Paglabas ko ng CR ay diretsang mga mata ng boss ko ang nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa sofa habang inaantay ako. Papasok na kami.

Naningkit ang mga mata niya. "Hmmm. Anong meron?" Tanong niya.

Napangiti ako at saka nag-flip ng hair sa harap niya. "Bakit, ang ganda ko ba?" Tanong ko with 50 % confidence.

Kumunot ang noo niya. "Ganda? Oo, ang ganda mo," Mas napangiti naman ako. Tumayo siya at saka ngumisi. "Kaso blured, e di panget din." Inirapan ko siya. Aga-aga na namang nami-mwisit. Pinigilan ko na lang ang galit ko dahil baka masira ang beauty ko ngayong araw.

Naglakad na siya palabas. Sumunod ako. Natuwa naman ako dahil nakaligpit na siya ng kama niya. Napapansin ko nga na medyo tumitino-tino na siya. Hindi na siya masyadong nagkakalat dito sa kwarto. Parati na rin siyang nagliligpit ng pinaghigaan niya sa umaga.

May pag-asa pa rin pala siyang magbago, mag-improve. Kaso nga lang ay madalas, umaatake pa rin ang pagiging extraordinary niyang pag-iisip.

Naayos na rin ang alitan namin patungkol sa pagpa-priority ko sa kanya kaysa kay Adrian. Oo nga naman kasi. Siya ang boss ko kaya siya dapat ang ipriority ko. Kahit na pag-ibig ang sa 'min ni Adrian, may trabaho ako na dapat gampanan. At dapat balance lang.

"Bakit ka naman nagpapaganda?" Tanong niya sa akin habang nagmamaneho.

"Alam mo na nga tinatanong mo pa. Malamang, para kay Adrian." Sagot ko.

"Alam mo, kung mahal ka niya, tatanggapin ka niya kahit ano pang itsura mo. Love shouldn't be based on outside look. It should be felt by the heart." Bigla akong napalingon sa kanya.

"River. Ikaw ba 'yan? Woah. Saan mo naman napulot 'yan?" Sarkasikong sabi ko.

"Napupulot ba ang salita? Galing 'yon sa isip ko na sinambit ng bibig ko." Laglag ang panga ko. Literal na naman niyang tinake ang word na 'napulot'.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang hilig mong itake 'yung mga salita na literal, 'no?"

"Ha?" Kumunot ang noo niya, nakatingin pa rin sa daan dahil nagmamaneho. "Bakit, gumamit ka ba ng idioms kanina? Wala naman akong natandaang may idiomatic words kang sinabi."

Jusko. Pati pag-depensa sa sarili ang galing. Isa talaga siyang alamat!

"I mean. 'Yung word na 'napulot', hindi naman ibig sabihin no'n na napulot mo talaga siya kung saan. Ibig sabihin, kung saan mo nakuha. Saan mo nalaman."

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon