Chapter 17

2.3K 39 0
                                    

Chapter 17:


Stella's POV:

Simula nang araw na inakap ako ni River nang akala niya ay inaaway ako nila Kate ay nakaramdam na ako ng kakaibang pagtibok ng puso ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan kung paanong kumalabog ng malakas at mabilis ang puso ko noon nang bigla niya ako yakapin. At nang mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin ay naghuhurementado na ang puso ko at parang nakikipagkarera sa bilis. Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ito.

Pakiramdam ko ay nasa teleserye ako ngayon. Kahit alam kong hindi naman ako ganoon kagandahan pero feeling ko ay ang haba-haba ng buhok ko ngayon habang yakap-yakap ng isang super handsome and hot na boss ko.

"River," mahinang sambit ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako magre-react sa sitwasyong ito.

Kahit na ramdam na ramdam ko ang pawis niya sa katawan ay hindi alintana ito para mairita sa kanya dahil ang totoo, kahit na gaano pa siya kapawisan ay ang bango-bango niya sa pang-amoy ko.

"Stella, 'wag mong hayaan ang sarili mo na sumabog." Marahang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Noong una ay hindi ko pa nagets pero kalaunan ay lihim na lang akong napangiti.

Gusto ko sana siyang paluin dahil natitiyak kong iba naman ang tumatakbo sa isip niya pero pinilit kong hindi magsalita at hinayaang magkayakap kami. Parang ayaw ko nang kumawala sa mga bisig niya. Sobra akong kinikilig sa moment na 'to. Kahit na feeling ko ay ang epic ng laman ng utak niya pero para sa akin ay isa itong sobrang romantic na scene.

Kung kanina nang akbayan niya ako at ipagtanggol sa mga babaeng iyon ay kinilig na ako pero ngayong nakayakap na siya sa akin ay gusto ko nang himatayin sa sobrang kilig.

Gusto ko pa sanang magtagal. Gusto ko pang maextend ang pagyakap niya sa akin pero nang bumuntong hininga siya ay bumitiw na siya sa pagkakayakap.

"Hay, salamat naman at kumalma ka na," Aniya at tiningnan ako na para bang ang isang trahedya ay naisayos na. "Let's go. Umuwi na tayo." Mabilis siyang tumalikod at saka naglakad.

Umaasa pa naman akong hahawakan niya muna ang kamay ko at saka kami sabay maglalakad para mas nakakakilig ang scene pero hindi. Sinundan ko na lang siya palabas ng backstage. Nagpaalam muna siya sa mga kateam mate at sa coach niya para umuwi na.

Isang malakas na pagkalampag sa mesa ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Tiningnan ko si River na ngayon ay takang-takang minamasdan ako.

Kumakain kami ngayon ng hapunan na dalawa. Kaming dalawa lang ang kumakain magkaharap. Mas maaga kasing kumakain si Mr. New York tuwing hapon kaya hindi namin siya nakakasabay.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit ka nakatulala? May nakikita ka ba dito sa bahay? Sabihin mo sa akin at magpapatawag ako ng espiritista." Napangisi na lang ako sa tinuran niya.

Porket nakatulala lang ay nakakakita na ng espiritu o ng masamang nilalang? Grabe talaga siya.

"Wala. Ano ka ba! Kung ano-ano ang iniisip mo." Natatawa kong sabi at saka nagpatuloy sa pagkain.

"D-don't tell me...nababaliw ka na?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at saka kinunutan ng noo. Ako pa talaga ang nababaliw ngayon?

"Confirmed!" Napapalo pa siya sa mesa. "Kanina ay tulala ka. Tapos bigla ka na lang ngumingisi tapos ngayon ay nakakunot na ang noo mo? 'Yan ang senyales ng pagkasira ng ulo. Paiba-iba ng emosyon!"

My goodness. Ano bang pinagsasasabi niya? Eh, mas mukha pa siyang baliw kaysa sa akin. Umaandar na naman ang extra-ordinary mind niya sa pagco-conclude. Tsk.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon