Chapter 46

1.8K 31 0
                                    

Chapter 46


Stella's POV:

Naramdaman ko ang paulit-ulit na pagtapik sa braso ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Si Janine.

"Bes, 'andito si River," Malamig na saad ni Janine.

Marahan akong napabangon at saka tiningnan ang cell phone ko na may 25 text message na galing kay River. Tiningnan ko ang oras. Alas-singko pa lang ng umaga.

"Bakit ang aga niya?" Tanong na ikinibit balikat ni Bes.

"Sabi niya baka raw ma-late kayo sa school." Mapait akong ngumiti.

Mga lalaki talaga. Sasabihin ang pinakatangang  dahilan pero ang totoo, nag-aalala lang sila sa mahal nila.

Gusto ko sanang kiligin. Gusto kong damhin 'yung pagsaya ng puso ko dahil merong isang lalaking nag-aalala sa akin kahit sinabi ko nang makikitulog ako sa bestfriend. Na may lalaking concern sa kung ano 'yung nararamdaman ko. Kaso...wala e. Imbis na matuwa ako, nasasaktan ako.

Na sa isang araw, wala nang River na mamahalin ko dahil kailangan ko na siyang pakawalan.

Napabuntong hininga ako at saka inayos na ang mga gamit ko. Niyakap ko si Janine bago ako lumabas ng apartment niya. Hindi na ako ulit humagulgol pa dahil baka magising ko pa ang dalawang kasama niya.

Nang makalabas ako ng gate ay mabilis na sinakop ng aking paningin si River na nakasandal sa kanyang kotse. Napaka-elegante ng datíng niya dahil sa kulay na ibinibigay ng kasalukuyang pag-akyat ng araw. Nakaka-in love ang ambience sa ganitong oras.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinayaan niya muna akong makasakay nang maayos bago niya ito isinara. Pagkatapos ay mabilis siyang sumakay sa driver's seat.

"Okay ka lang?" Malambing na tanong niya.

Tumango ako. Nasilayan ko ang bahagya niyang pag-ngiti pero binawi ito ng mga mata niyang isinisigaw ang pighati.

Pinaandar niya ang sasakyan. Pumangalumbaba ako sa gilid ng bintana at saka walang-kagana-ganang tiningnan ang daan.

Kinuha ko ang cell phone ko. Ayaw ko sanang tingnan ang mga text ni River pero napindot ko pala ang notification niya bago ko buksan ang lockscreen. Hindi na naman nakaligtas ang damdamin ko.

"Boo, ayoko tayong maging ganito."

"Boo, please naman laban ka rin."

"Stella, please. Alam kong umiiyak ka ngayon. I love you."

"Sana 'wag kang mawalan ng pag-asa."

"'Wag ka naman agad sumuko. Please. Lumaban tayo."

Ipinikit ko ang mga mata dahil feeling ko anytime ay tutulo ang luha ko. Napabuntong hininga ako.

I'm sorry River. Sorry, Boo. Pero para sa'yo 'to. Kailangan kitang pakawalan.

Dumating na nga ang araw ng pagtatapos. Bago mananghalian ay umuwi na kami ni River galing school. Pagka-pasok namin ng loob ng bahay nila ay naabutan ulit namin si Zania sa sala, nag-aabang.

Nasanay na ako sa ganito dahil simula noong lunes ay parati siyang narito tuwing darating kami. Medyo masakit pero hindi na katulad nang dati na naiiyak ako. Kumbaga, nasanay na. Na tinanggap ko nang siya - si Zania - naman na ang susunod na mamahalin ni River kaya dapat na akong magbigay ng space. Aaminin kong medyo awkward pero dahil magaan naman ang pakiramdam ko kay Zania, hinahayaan ko na lang siya.

Mabait si Zania. Ilang beses ko nang napatunayan at nakita 'yon sa kanya. Maganda pa. Sure akong matutunan ding mahalin ni River si Zania. Madali lang mahalin ang mga katulad ni Zania dahil sa taglay niyang ugali.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon