Chapter 7

3.2K 54 1
                                    


Chapter 7:


Stella's POV:

Kukuhanin ko sana ang mga documents para makapag-transfer at maka-enroll ako para sa Klavinson Academy pero naasikaso na pala ni Sir Henry ang lahat.

Nang matapos ang klase ko nang tanghali ay nagdiretso na ako sa boarding house para kuhanin ang mga gamit ko. Nakapag-paalam na rin naman ako kay Janine kaninang umaga kaya okay na ang lahat. May nahanap na rin siyang kasama dito sa boarding house kaya kampante na ako dahil may kasama naman siya.

Bumaba na ako ng tricycle at saka nagdoorbell. Pinagbuksan naman ulit ako nung dating katulong na nagbukas sa akin dati. Tinulungan niya akong buhatin ang isang bag ko hanggang sa makarating kami sa Working Office ni Sir Henry. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko sa labas at saka pumasok.

"Are you ready to enter this world?"

"Yes, sir." Sagot ko.

"Uulitin ko ulit. Sana ay pagtiyagaan mo ang anak ko."

'Eto na naman po si Sir Henry. Pine-pressure na naman ako, eh. Desidong-desidido talaga siya para mapatino ko ang anak niya.

"Yes po, gagawin ko ang lahat para mapatino si River."

"Okay. You may now go."

Tatayo na sana ako pero naalala kong hindi ko alam kung saan ako magka-kwarto.

"E, sir, saan po ako magru-room?"

"On my son's room."

Nanlaki ang mga mata ko. What the f?! Seryoso ba si sir? Ibig sabihin magkasama kami ng boss ko sa iisang kwarto? OMG.

"Don't worry. I don't think he will rape you. He don't have the idea of it."

Napalunok ako. Okay? Siguro nga hindi niya ako magagawang i-rape kaso baka ako ang makagawa sa kanya no'n. Aba, baka hindi ako makapagtiis kung ganoon kag'wapo at ka-hot ang lalaking kasama ko sa isang kwarto. Huhuhuhu.

"I think mas masusubaybayan mo siya kung lagi mo siyang kasama. Marami rin kasi siyang kalokohan sa kwarto niya at inaasahan kong mapapatino mo siya." Tumango ako at saka ngumiti.

Dahan-dahan na akong naglakad palabas ng working office ni Sir Henry at napapabuntong hininga habang papunta sa kwarto ng boss kong si River. Binigyan ako ng susi ng isa pang katulong dito kaya walang anu-ano'y nabuksan ko ang kwarto niya.

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang kalat ng kwarto niya. Mapapamura talaga ako sa napakaruming kwarto na 'to. Shit lang.

Isa siguro ito sa mga factor kung bakit kailangan kong mapatino ang boss ko. Masyado siyang makalat at kailangan kong turuan ng leksyon ang lalaki na 'yon. Oh, well, 'wag sana akong lambutin kapag napatitig na ako sa mga nakakaakit niyang mga mata. Baka mawala ang galit ko kapag nagkatitigan na kami.

At dahil hindi ko kayang tumira sa ganitong klaseng kwarto ay inumpisahan ko na ang maglinis. Mamayang alas-kwatro pa naman ang datîng ng boss ko kaya may tatlong oras pa ako para maglinis.

Napahiga ako sa kama dahil sa pagod sa paglilinis. Ang laki pa naman ng room nitong boss ko na ang sukat siguro ay pang-dalawang kwarto na.

Kalaunan ay hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko dahil nararamdaman kong may kung anong gumagalaw sa loob ng ilong ko. Pagmulat ko ay sumambulat sa akin ang nakangising mukha ng boss ko habang nilalaro ang isang hibla ng walis tambo sa ilong ko.

Nakamulat na ang mga mata ko pero ayaw niya pa rin akong tantanan. Hanggang sa naramdaman ko na lang na naha-hatsing ako at nag-fountain sa mukha ng boss ko ang laway ko.

Nakarinig ako ng tawanan. Agad akong napabangon at saka napatingin sa dalawang g'wapong lalaking kasama niya pero agad nabawi ang pansin ko ng boss kong humiyaw ng malakas.

"Waah! Yuck! Yuck! Yuck! Kadiri!" Aniya na pinupunasan ang mukha niya.

Aba. Daig niya pa ako kung makareact. Akala mo nilamutak sa mukha niya 'yung tae. Grabe talaga 'tong boss ko. Parang ipinamukha niya sa akin kung gaano nakakadiri ang laway ko.

"Hahaha! Napapala mo, dude!" Sabi nung lalaking medyo moreno pero maangas ang dating.

"Masyado ka kasing bully! Hahaha!" Sabi naman nung maputi at sa tingin ko ay siya 'yung tipo ng taong friendly.

Dali-daling nagtatatakbo ang boss ko sa CR. Inayos ko naman ang sarili ko at saka hinarap 'yung dalawang lalaki.

"I'm Aerol." Sambit nung maputi at saka naglahad ng kamay. Nakipagkamay naman din ako.

Nakipagkamay din muna 'yung isa bago siya magpakilala. "I'm Neff." Napalunok ako. Siya 'yung sinasabi ni Janine na crush niya. Well, hindi ko naman maitatangging g'wapo nga siya.

Tumikhim muna ako at saka nagpakilala. "I'm Stella. River's Personal Maid."

"Yeah, we know." Ani Aerol nang nakangiti.

"Sana lang ay makatagal ka sa kaibigan naming 'yan." Ani Neff na natatawa pa.

Lumabas na ang boss ko sa CR at pinagtawanan na naman siya ng dalawa. Minasamaan naman niya ako ng tingin. Umiwas naman ako kaagad ng tingin. Grabe siya kung makatingin. Parang napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa kanya.

Sabagay. Nakakadiri nga naman 'yon. Sino ba namang gusto ang mahatsing-an sa mukha? Hahahaha. Bakit niya kasi pinaglaruan ang ilong ko e di sana hindi ako nahatsing. Kasalanan din niya 'yon.

Pinasindi ni River 'yung flatscreen tv. Si Aerol naman ay nagdiretso sa kama at humilata doon. Si Neff naman ay kumuha ng mga pagkain sa ref.

"Tara, nood tayo." Aya sa akin ni Neff. "Ganito talaga kaming tatlo. Madalas pagkagaling sa school ay nagmo-movie marathon kami dito sa kwarto niya." Napatango na lang ako.

Bago ako malampasan ni Neff ay napabaling ulit siya ng tingin sa akin. "By the way, salamat nga pala sa paglinis ng kwarto ni River. Sawakas, luminis din ang kwarto niya."

Napakunot ang noo ko. "Ibig sabihin ay walang naglilinis ng kwarto niya?" Madami naman ang katulong dito, ah.

"Wala. Gusto kasi ni tito na matuto si River na maging maayos. And by the way, 'wag mong i-conclude na kasama kami sa pagiging magulo ng kwarto niya. Kagagawan niya lahat 'yan."

Confirmed. Isa talagang factor ang pagiging makalat niya kaya gusto ni Sir Henry na mapatino ko siya.

Dahil siksikan na silang tatlo sa kama ay hinila ko na lang ang isang bangko at saka tumabi sa kanila. Noong una ay medyo awkward pa dahil puro lalaki ang kasama ko pero napawi din iyon dahil sa pagiging friendly ni Aerol na nasa tabi ko at saka ni Neff na nasa gitna. Akala ko maangas si Neff pero makuwento rin pala. Si River my Boss naman e nasa dulo at hindi nagsasalita. May galit talaga siya sa akin. Hahaha.

Habang nanonood kami ay kumakain ng sitsirya. Nang nasa kalagitnaan na ang pinapanood naming Bad Genius ay namayani ang isang mahabang tunog ng utot. Ilang sandali pa ay nalanghap namin iyon.

Halos hindi na ako huminga dahil sa sobdang baho. 'Yung dalawa, si Neff at Aerol, may salpak-salpak pa namang pagkain sa bibig nila.

Agad na tumayo si River. "Natatae na 'ko." At saka mabilis na tumakbo papuntang CR.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon