Chapter 8

3.1K 51 1
                                    


Chapter 8:


Stella's POV:

"Walang hiya ka talaga, dude!" Sigaw ni Neff at saka muling tinakpan ang ilong.

Binuksan ko naman ang pinto dahil sobrang tagal talagang mawala ng amoy ng utot ni River. Pare-parehas kaming napabuntong hininga nang mawala na ang amoy.

"Nakakasuka." Ani Aerol na inihinto na ang pagkain ng sitsirya.

"Abnormal talaga 'yung lalaki na 'yun." Ani Neff at tumayo para kumuha ng inumin.

Pagbalik ni Neff ay binigyan niya kaming dalawa ni Aerol ng coke in can.

Naka-poker face lang ako dahil hindi pa rin ako makove-on na nagawa ng boss kong umutot sa harap ng ibang tao.

"He is unbelievable." Pabulong kong sabi pero narinig iyon ng dalawa kaya naging topic namin ang boss ko.

"Simpleng bagay pa lang 'yan, Stella." Ani Aerol.

"Marami pang mas malala ang kaya niyang magawa." Ani Neff.

Kung kanina ay iritang-irita silang dalawa, ngayon naman ay nakangisi na para umpisahang magkuwento.

Nagpatuloy ang kuwentuhan naming tatlo tungkol sa boss ko habang nasa CR pa siya. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala pero kalaunan ay halos mapahagalpak na rin ako sa tawa dahil sa mga nagawa ni River.

Expected kong sinasabi ni Sir Henry na 'unpredictable' si River ay nakakakilig. No'n pala ay nakakatawa, nakakabaliw at nakakaabnormal ang ugali niya.

Pinaalalahanan ako ng dalawa na dapat maging handa ako sa lahat. Dahil sobrang kakaiba talaga ang pag-iisip ng boss ko at hindi ko aakalain o mape-predict kung kailan maayos ang takbo ng isip niya o hindi.

Hindi namin namalayan na nakalabas na pala ng CR si River na ngayon ay naka-crossed arms pa at nakapokus ang tingin sa aming tatlo. Nilalaro-laro niya pa ang labi niya na tila ba nag-iisip ng malalim.

"Ayan na siya. At sigurado akong may kakaiba na naman 'yang iniisip." Ani Aerol na nakatawa pa.

"Let's see." Sabi naman ni Neff at napahinto kaming tatlo sa pagtatawanan at inabangan kung ano ang gagawin ni River.

River's POV:

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at napabulong ng "success". Hoooh! Grabe. Medyo mahirap din ang paglalabas ko ng masasamang elemento sa katawan. Andami ko kasing nakain kaninang umaga tapos andami ko ding nameryenda kanina habang nagkaklase sa bawat subject.

Hindi ko na tiningnan kung anong naging kulay ng elemento na nailabas ko. Matapos kong maghugas ng 'uh' at ng kamay ay akmang lalabas na sana ako ng CR nang marinig ko ang malakas na pagtawa ng Personal Maid kong si Stella.

Bakit kaya siya tumatawa?

Napatakip ako sa bibig. Hindi kaya may ginagawang kababalaghan 'yung dalawa na 'yun sa Personal Maid ko? Hala! Hindi na sila nahiya sa akin at dito pa talaga sa loob ng kwarto ko sila gumagawa ng mga bagay na hindi karapat-dapat! Mga lapastangan sila.

Unti-unti kong binuksan ang pinto ng CR at saka sinilip kung ano ang ginagawa nilang tatlo. Naginhawaan naman ang isip ko nang makitang nagkuwe-kuwentuhan lang silang tatlo.

Nang lumabas ako ng CR at papunta na sana sa kanila kaso ay napahinto ako at may ideyang pumasok sa isip ko.

Pinagmasdan ko silang tatlo sa pagkuwe-kuwentuhan nila. Kitang-kita ko kung gaano kasaya 'yung Personal Maid ko at kung gaano nag-e-enjoy 'yung dalawa na makipagkwentuhan sa kanya.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon