Chapter 22

2K 36 0
                                    


Chapter 22:


Stella's POV:

"HOY BABAE! Kuhanan mo nga ako ng tubig!" Napairap ako sa kanya. Nakita niyang busy'ng busy ako sa pagtetext tapos utos siya nang utos?! Pang-limang utos na niya sa akin 'to. Una, pinasindi niya ang tv kahit nasa kanya ang remote. Pangalawa, pinaayos niya sa akin ang mga laman ng bag niya. Pangatlo, nagkalat siya ng chippy sa sahig tapos pinawalis niya sa akin at pang-apat, pinacharge niya 'yung cellphone niya kahit nasa tabi lang ng kama niya ang saksakan.

Tumayo na nga ako at pumunta sa ref para kuhanan siya ng tubig. Imbes na good mood na good mood ako dahil katext ko si Adrian tapos 'eto namang boss kong si River napaka-panira ng moment. Buti na lang at mabait si Adrian at kahit matagal ang reply ko dahil sa mga utos ng boss ko ay naiintindihan niya.

Iniabot ko sa kanya ang basong may tubig at akmang babalik na sana sa sofa nang pinigilan niya ako. "Teka lang, antayin mo nang matapos akong uminom." Aniya at inantay ko nga siya.

Pinagsmasdan ko siyang uminom at talagang nananadya ata talaga siya. Napakabagal niyang uminom! Talagang paunti-unti ang ginawa niyang paglagok.

"Ano ba. Dalian mo namang uminom," Inis kong sabi dahil baka tuluyan nang mainip si Adrian. Iniwan ko kasi sa sofa ang cell phone ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumigil sa pag-inom. Wala pa sa kalahating baso ang naiinom niya. "Bakit ba nagmamadali ka?"

"E, bakit ba kasi antagal mong uminom?"

"E, sa gusto ko ngang namnamin 'yung tubig, e."

"Bahala ka sa buhay mo. Ikaw na magdala niyan sa lababo."

"Bakit mo ako inuutusan? Ikaw ba ang boss dito?" Nagtaas siya ng kilay.

Umirap lang ulit ako. "Humingi ng pabor saakin si Sir Henry na mapatino ka. Kaya isang paraan para mapatino ka ay huwag sumunod sa mga utos mo. Ikaw ang gumawa dahil kaya mo naman." Siyempre madalas, ginagawa ko pa rin naman ang mga non-sense niyang utos. Nagi-guilty din naman ako minsan dahil sumasahod ako pero wala akong ginagawa.

"Porke't may katext ka lang, gumaganyan ka na." Napakunot ang noo ko. "Ka-text mo lang si Adrian, tapos kung makaasta ka sa akin parang wala na akong halaga."

"Ano?! Ano bang pinagsasasabi mo?" Bigla na lang siyang nagdrama.

"Totoo naman, 'di ba? Dahil may nagpapatibok na ng puso mo, wala na ang konsentrasyon mo sa pagta-trabaho sa akin. Parati ka na lang nagagalit, naiinis sa mga utos ko dahil gusto mo, si Adrian na lang palagi ang kausap mo, ang katext mo."

"Hindi nama---"

Bigla siyang tumayo at tinapatan ako. Kita ko ang pangingilid ng luha niya. Iniinom niya muna ang lahat ng tubig sa baso at saka ito ibinaba sa study table niya sa tabi ng kama. "Sasabihin mo na hindi naman ganoon ang intensyon mo? Siguro nga oo. Pero Stella, 'yun 'yong nararamdaman ko. Pakiramdam ko wala na akong halaga para sa'yo. Pakiramdam ko, hindi ka na dedicated sa trabaho mo. Pakiramdam ko, itinutuon mo na lang 'yang sarili mo kay Adrian." Nagulat ako nang bigla na lang may tumulong mga luha sa mata niya. Bigla akong nakaramdam ng konsensya. Masyado na nga kaya akong focus kay Adrian?

"Dahil sa pag-ibig na 'yan, nakakalimutan mo ang ibang mga bagay na may halaga pa." Suminghap siya. "Hindi ko inakalang darating sa puntong magbabago ka nang ganyan."

Napalunok ako. My goodness. Hindi ko alam na ganito na pala siya nasasaktan.

"R-River, s-sorr---"

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon