Chapter 35

1.8K 28 0
                                    

Chapter 35

River's POV:

Umuwi kami ni Stella na basâng-basá. Hindi ko inalintana na nabasa 'yung kotse dahil sulit na sulit naman ang memorable moment namin ni Stella sa gitna ng ulan. Alas-nuebe na nang makauwi kami. Halos kalahating oras din kaming nagbiyahe dahil medyo traffic.

Narinig ko ang paghatsing ni Stella pagkapasok namin ng kwarto. Kasunod nito ay ang pagsinghot. Ilang beses siyang naghatsing at suminghot.

"Okey ka lang?" Tanong ko.

"Okey lang. Sipon lang 'to," Aniya at saka nagpunta na sa CR para magbihis. Medyo nakonsensya tuloy ako. Sinipon tuloy ang babaeng mahal ko.

Habang masa CR siya ay kinuha ko naman 'yung lalagyan ng mga gamot ko sa cabinet. Naghanap ako ng gamot para inumin ni Stella kaso nga lang ay nakalimutan ko kung ano'ng gamot ang para sa sipon.

Kinuha ko 'yung diatabs at saka inabot sa kanya paglabas. Kumunot ang noo niya. "Diatabs? Seryoso ka ba?" Tanong niya habang pinipisil pisil 'yung ilong.

"Oo. E di ba, nagtatae ng sipon 'yang ilong mo?"

Napabuntong hininga siya at saka matamlay akong tiningnan. "River, sa pagtatae 'yan ng tae. Hindi 'yan para sa sipon." Napapalo siya sa noo. "Neozep ang para sa sipon."

"Gano'n ba. Sige wait lang." Mabilis akong naglakad papunta sa cabinet at humanap ng neozep. Hinaplos ko ang likod niya nan maibigay ko ang neozep. "Magpahinga ka na." Hinalikan ko ang noo niya. "Pero 'wag panghabambuhay, ah?"

Mahina niya akong pinalo. "Kainis ka talaga," Aniya at saka pumunta na sa kama at nahiga. Doon na siya natutulog sa kama simula nang marealize kong dapat akong maging gentleman sa kanya. Gusto ko nga sana ay tabi na kami pero naalala kong baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya kaya mas pinili ko na lang sa comforter.

Nasa kalagitnaan na ng gabi nang makarinig ako ng tumatawag sa pangalan ko. Noong una ay hindi ko pa pinansin pero nang paulit ulit ay bumangon na ako at sinindihan 'yung ilaw.

"River." Agad akong lumapit kay Stella nang mapagtanto kong siya ang tumatawag sa akin. Mabilis akong naupo sa kama sa tabi niya at biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamumula ng mata niya. Hinawakan ko 'yung noo niya at halos mapaso ako dahil sa sobrang init.

"Stella," natataranta kong sabi. "A-anong nangyayari sa'yo?"

"T-tubig," Pakiusap niya kaya mabilis akong kumuha ng tubig para painumin siya.

Inalalayan ko siyang sumandal sa pader. Tiningnan ko siyang mabuti at inisip kong mabuti kung ano'ng nangyayari sa kanya. Mabilis agad sumipat sa bintana kung full moon. Hindi naman. Muli akong napabaling sa mga mata niyang namumula. Hindi naman siguro siya magiging bampira.

Bigla akong napailing. Nag-iisip na naman ako ng mga imposibleng bagay.

Muli ko siyang nilapitan at ngayo'y nanginginig na siya. "Stella!" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Ano'ng nangyayari sa'yo?" Damang dama ko ang mainit na pisngi niya.

Bigla akong napaatras. Nag-iinit ang buong katawan niya. H-hindi kaya...

"Stella, hindi pa natin puwedeng gawin 'yon." Matamlay na kumunot ang kanyang noo. "Nirerespeto kita bilang isang babae. Saka na lang natin gawin 'yung bagay na 'yon. Balewalain mo muna 'yung kalibu---pleasure mo,"

"River," Nanghihinang tawag niya sa pangalan ko na may halong pagkabigo. "Ano ba'ng iniisip mo? Nilalagnat ako," Aniya kahit na hirap na hirap nang magsalita dahil sa nanginginig na siya.

Bigla akong nataranta nang marealize ko kung ano ang sinabi niya. Napapalo ako sa noo ko. Ano ba namang klaseng utak ang mayroon ako! Haist.

Napabuntong hininga na lang ako.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon