Chapter 6

3.5K 54 1
                                    


Chapter 6:


River's POV:

Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway. Kasama ko ang dalawa kong bestfriend na si Neff at Aerol. Si Neff naka-akbay sa akin habang si Aerol naman ngiti nang ngiti sa mga nadadaanan namin.

Sa totoo lang, kaya ako nakayuko dahil hindi ko maintindihan ang mga estudyante, lalong-lalo na ang mga kababaihan kung bakit sila nagtitilian sa tuwing dumadaan kaming tatlo.

Minsan talaga naiisip ko kung dahil ba sa dalawang kaibigan kong 'to. Hindi kaya mukha silang mga gorilla o donkey kaya parati kaming tinitilian? Siguro kaya sila tumitili dahil binibigyan nila ako ng senyas na layuan itong dalawa kong kaibigan. Kaso kapag naman nilayuan ko ang dalawa kong kaibigan ko na 'to ay tiyak na mawawalan ng direksyon ang social life ko. Silang dalawa lang kasi ang ka-close ko ditto, puwede na rin ang mga kaklase ko at saka mga ka-team mates sa basketball pero hindi ko naman sila masyadong close, at saka talagang ilap na ilap ako sa tao.

Talagang bago ako humarap sa mga tao ay kikilatisin ko muna ang pagkatao nila base sa mga ikinikilos nila. Mahirap na. Maraming mapagpanggap ngayon at kailangan kong mag-ingat dahil baka ipahamak nila ako.

Maraming taong nagbabalatkayo para itago ang sarili nila. Mga halimaw sila!

At saka isa pang dahilan kung bakit hindi ako tumitingin sa mga taong nasa paligid ko ay dahil baka makagawa raw ako ng isang bagay na hindi kaaya-aya sabi ng dalawa kong kaibigan na 'to. Nakakahiya daw ako sabi nila. Sa katunayan ay madalas nila akong pinipigilan sa tuwing tutulong ako sa tao.

Naalala ko tuloy 'yung isang babaeng estudyanteng nilapitan ko tapos bigla siyang namula. Hindi ko alam kung bakit siya namula, buti na lang at malapit ang canteen, kaya mabilis akong nanghingi ng maraming yelo at inilagay sa mukha nung babae.

"What the f, dude! Anong ginawa mo sa kanya?!" Sigaw ni Neff sa akin habang ikinakalat ko ang yelo sa mukha ng babae.

"Oh, shit!" Napamura si Aerol.

Mga tanga ba sila?! Malamang tinutulungan kong maka-recover 'tong babae. Pulang-pula na nga siya kaya kailangan niya ng malamig na temperature para mawala ang pagpula ng mukha niya. Mamaya baka magka-komplikasyon pa ang mukha niya e di mas lalong naging sabog 'yon.

"Hindi niyo ba nakikita?! Pulang-pula na siya. Nagbigay lang ako ng remedy." Nang matunaw ang mga yelo ay agad kong hinawakan ang kamay nung babae. "Tara na sa clinic!"

Hihilahin ko na sana 'yung babae para ipunta sa clinic pero nagpumiglas siya.

"Dude, she's just blushing. Hindi niya kailangang pumunta sa clinic!" Paliwanag ni Neff.

Napakunot ang noo ko. Blushing? Ano 'yon? Sakit siguro 'yon. Baka mas malala kaya hindi dapat siya sa clinic dalhin.

"Edi tara na sa ospital!" Sigaw ko.

Bigla akong napatingin sa paligid nang makarinig ako ng malalakas na tawanan. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin. Ang iba ay nakatulala. Ang iba ay nagtatawanan. Ang iba ay seryoso lang na nakatingin sa amin.

"Masyado naman kasing feelingera ang babae na 'yon. Ayan tuloy ganyan ang inabot niya."

"As if naman papasa siya sa standard ni River."

"Buti nga sa kanya."

Hindi ko maintindihan ang mga bulung-bulongan sa paligid. Grabe naman sila. Nasa bingit na nga ng karamdaman ang babae tapos kung makatsismis pa sila.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon