Chapter 9

2.8K 48 1
                                    


Chapter 9:


Stella's POV:

Hindi mawala ang tingin sa akin ng mga estudyante habang naglalakad kami ng boss kong si River dito sa hallway. Nasa likod niya ako habang bitbit ang bag niya at saka dalawang libro. Antagal ko pang nakipagtalo sa kanya na ako na ang magbuhat ng mga gamit niya dahil Personal Maid naman niya ako at trabaho ko ito.

Tama sila Neff at Aerol. Parati siyang nakayuko tuwing maglalakad sa harap ng maraming tao. Sa pagkakakuwento nila sa akin ay iniiwasan ni River na makakita ng isang bagay na makakapag-activate ng extra-ordinary thinking niya. Nag-iingat siya na baka makagawa siya ng isang bagay na sa tingin niya ay tama pero nakakatawa pala talaga para sa iba.

Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n ang boss ko. Okay na sana, eh. Perfect na perfect na ang physical appearance niya—g'wapong mukha na parang isang koreanong oppa na napadpad dito sa Pilipinas, mga titig na sobrang nakakaakit, mga muscles at abs na sobrang yummy—pero damn! Lahat ng kaguwapuhang pisikal binawi ng kanyang extra-ordinary mind. Kung ano-anong bagay ang mga naiisip niya na hindi naman dapat. Masyadong exaggerated ang isip. Straight to the point pa to the point na walang paligoy-ligoy ang bibig niya kung anong nasa isip niya na hindi mo alam kung matatawa ka o maiinis ka.

Nakarating kami ng room at halos lahat ay nakatingin sa akin. Andito na rin si Neff at Aerol. Magkaka-klase kami since pare-parehas na BSBA ang mga kinuha namin. Narinig ko naman ang mga bulungan kung bakit daw ako ang nagdadala ng mga gamit ni River.

Pero agad namang sumigaw si River at sinabing, "Personal Maid ko siya kaya 'wag kung ano-ano ang iniisip niyo." Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Siguradong may kung ano na namang tumatakbo sa isip niya.

Nginitian ko naman ang mga bagong kaklase ko at nag-'hi' ako sa karamihan sa kanila. Nang dumating ang teacher namin ay pinapunta pa ako sa harap para magpakilala.

May mga kababaihan na lumapit sa akin at nakipagkuwentuhan. Sinabi pa nila sa akin na ang swerte-swerte ko raw dahil naging Personal Maid ako ni River. Sigurado raw na parati akong natatawa—ibig sabihin ay saksi sila sa mga naging kakaibang naging aksyon ni River— dahil sa pagiging Slow Poke, OA na wirdo at saka swerte na rin dahil nga sa sobrang g'wapo at hot ni River.

Siyempre um-oo naman ako. Hindi ko naman maitatanggi ang pagkaka-describe nila kay River. Pero may mga bagay na hindi ko sinang-ayunan dahil ang totoo, madalas ay nakakainis si River. Unang-una ay ang pagiging makalat niya. Sinasadya niyang magkalat sa kwarto dahil andito ako para maglinis at pangalawa, parati niyang ipinapamukha sa akin na ang panget ko.

Nagdaan ang dalawang subject at panay lang ang sulyap ko kay River. Seryoso naman siya sa pag-aaral. Sa katunayan nga ay nakikita ko pa siyang nagja-jat down notes. Natanong ko naman sa katabi ko kung ganoon talaga si River ah um-oo siya at halos magulantang ang mundo ko nang malamang kong isa siyang Dean's Lister'. Napalunok ako. Seryoso ba? Paano siya naging ganoon katalino? Parang napaka-imposible naman 'ata.

Imposible ko ulit na pinagmasdan si River. Seryosong-seryoso pa rin siyang nakikinig sa nagdi-discuss na teacher. Posible pala na mag-top ang isang taong Slow Poke at may Exaggerated Mind?

Nang umalis ang teacher namin na pang-second subject ay nag-recess muna kami. Pupunta na sana akong canteen kaso lang ay may bigla akong inaya ni Aerol sa gawi nila. May baon-baon pala silang mga tinapay.

"Ayaw kasi naming nagmemeryenda sa canteen. Mahaba ang pila kaya nagbabaon na lang kami." Paliwanag ni Aerol nang tanungin ko sila kung bakit nagbabaon sila para sa recess. Si Aerol pala ang nakatoka ngayon na magdala ng meryenda nilang tatlo. Buti na lang at maraming dala si Aerol kaya mayroon pa para sa akin. Bukas naman ay si Neff at sa isang araw si River.

"At saka umiiwas lang kami sa masyadong exposure. Pinagkakaguluhan kami doon, eh." Ani Neff na punong-puno ng confidence.

"Malamang. Sino ba namang hindi magkakagulo kung nakita mo ang isang unggoy at donkey sa canteen." Narinig ko ang bulong ni River pero hindi ko masyadong naintindihan dahil sobrang hina kaya hindi ko na lang pinansin.

Nang matapos ang 20 minutes ay nagbalikan na ang mga kaklase namin at dumating na rin ang teacher namin para sa last subject.

River's POV:

Umupo na kaming lahat matapos naming mag-goodmorning kay ma'am.

"Okay, class, our topic for today is about Economic Problems. So, what do you think are the economic problems?" Nilibot ni ma'am ang buong klase at naghanap kung sino ang sasagot. Bigla niya akong itinuro. Napaturo din ako sa sarili ko. "Yes, River. Ikaw nga." Napalunok ako at saka tumayo. "So, what are the economic problems?"

Napakunot ang noo ko. Bakit kaya tinatanong ni ma'am kung ano ang mga economic problems? At saka...bakit ako ang tinatanong niya?

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na bumuntong hininga. Hala! Hindi maganda ang iniisip ni ma'am.

"'Wag niyo po akong pagbintangan, ma'am!" Napalakas ang boses ko. Ang ayoko sa lahat ay sinisisi ako sa mga bagay na hindi ko kasalanan. "Wala po akong kinalaman diyan!"

Napakunot ang noo ni ma'am. Pinagtitinginan naman ako ng mga kaklase ko na nag-uumpisa nang magtawanan. Bakit ba nila ako pinagtitinginan? Siguro ay sinisisi din nila ako.

"What? Ano bang pinagsasasabi mo, River. Tinatanong lang kita kung ano ba ang mg economic problems."

"'Yon na nga po, eh. Bakit ako ang tinatanong niyo? Hindi po ako ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang ekonomiya natin. Wala akong kasalanan, ma'am. Wala. Wala akong kinalaman sa pagbagsak ng ekonomiya natin. Sisihin niyo ang mga opisyal ng bayan na nangungurakot!"

Nalaglag ang panga ko dahil sa hagalpak ng mga kaklase ko. Ha? Bakit ba sila tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Natuon ang pansin ko sa dalawa kong kaibigan na si Neff at Aerol. Halos mamatay na sila dahil sa kakatawa. Nalingat naman ang tingin ko kay Stella na mangiyak-ngiyak na rin sa kakatawa.

"MGA WALA KAYONG PUSO!" Sigaw ko sa buong klase dahilan para matahimik sila. "Pinagtatawanan niyo lang ang mga economic problems? Alam niyo bang seryoso ang Pilipinas patungkol sa ekonomiya natin tapos pagtatawanan niyo lang?!"

Imbes na maging seryoso sila ay nagpatuloy lang ulit sila sa paghagalpak sa tawa. Si ma'am din ay napatakip na ng bibig at natatawa na.

"Ma'am, pati ba naman kayo? Pinagtatawanan niyo ang ekonomiya natin?"

"N-no," Nagpipigil siya ng tawa. "It's you. Nakakatawa ka talaga, River."

Minasamaan ko ng tingin si ma'am. "Mukha po ba akong clown?" Sarkastiko kong sabi. Napatingin ako sa kaklase kong makapal ang make-up. "Siya po ang mas mukhang clown." Minasamaan ako ng tingin nung klasmeyt kong tinuro ko. "A killer clown." Sambit ko na mas ikinahagalpak ng lahat.

"Woooh! Astig ka talaga, Dude!" Sigaw ni Neff.

Astig? Malamang astig talaga 'yung killer clown.

Nginitian ko naman 'yung classmate kong tinuro ko. "Astig ka raw!" Sabay 'okay' sign ko pa sa kanya. Inirapan niya lang ako.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon