Chapter 27

1.8K 38 1
                                    

Chapter 27

River's POV:

Wala. Wala na talaga akong magagawa. Ginawa ko na ang lahat para iparealize kay Stella na ako ang dapat niyang mahalin. Kahit ang pagselosin siya ay hindi pa rin naging successful.

Siguro dapat na talaga akong sumuko lalo na't narito na kami sa tapat ng condo nila Adrian.

"River, pwede mo ba akong dalhin kila Adrian ngayon?" Pakiusap niya isang oras ang nakalilipas bago kami magpunta kila Adrian.

Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit? Gabi na, ah." Sagot ko.

"Gusto ko sana siyang isurprise ngayon. Sasagutin ko na siya." Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Gumuho ang lahat ng pag-asang mayroon ako na sana mabaling sa akin ang nararamdaman niya; na ako na lang sana ang mahalin niya. "Ito na kasi ang 'date' na sinabi ko sa sarili ko na sasagutin ko na siya. Hindi ko naman kasi nagawa sa school dahil ayokong pagkaguluhan. Aayain ko nga sana siya sa favorite restaurant namin kaninang uwian kaso nagmamadali naman siyang umuwi."

Hindi ako makasagot. Parang tinutusok ang puso ko sa mga sinasabi niya. Ayokong makinig. Ayokong marinig ang katotohanang sasagutin na niya si Adrian. Ayoko. Ayoko siyang mapunta sa ibang lalaki.

"River," Nag-angat ako ng tingin  nang tawagin niya ako. Nakatulala na pala ako sa kawalan. "Okay ka lang?"

"O-oo." Utal na sagot ko. "Sige sige. Magbibihis lang ako."

Dumaan muna kami sa VE Cakes and Restaurant para bumili ng cake. Iyon daw ang ibibigay niya kay Adrian para sa celebration nilang dalawa.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang malungkot. Gusto ko siyang pigilan. Gusto kong sabihing 'wag na niyang sagutin si Adrian. Gusto kong sabihin na sana...sana ako na lang ang mahalin niya.

Muling bumagsak ang emosyon ko nang magsalita na si Stella. "Thank you talaga, River. Thank you  very much," Aniya at saka kinuha 'yong cake sa backseat.

Ngumiti ako ng pilit. "Hintayin na lang kita dito." Sambit ko.

Akmang isasara na niya ang pinto pero napahinto siya nang tawagin ko siya. "Stella," mahinang sabi ko. "Congratulations." Mahinang sabi ko.

Ngumiti siya. Pilit akong gumanti ng ngiti. Ang hirap pala ng ganito—ang ngumiti habang nasasaktan ka. "Thank you." Aniya at saka isinara na ang pinto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa loob ng condo ni Adrian.

Stella's POV:

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang nasa tapat na ako ng pinto ng condo ni Adrian. Kakatok sana ako pero bukâs ang pinto kaya pumasok na ako.

"Adrian," Mahinahon na tawag ko.

Walang sumagot kaya naglalakad-lakad ako ng dahan dahan. Siguro ay nasa kwarto siya.

Binuksan ko muna ang cake na hawak ko. Ang nakalagay sa cake ay mga katagang, "Adrian...Oo, sinasagot na kita." Ito ang ihaharap ko sa kanya kapag pasok ko ng kwarto niya. Sigurado akong masu-surprise siya at magagalak sa eksena mamaya.

Antagal ring nanligaw ni Adrian sa 'kin. Kaso nga lang ay talagang itinakda kong sa araw na 'to siya sagutin. October 24. 24 kasi ang lucky number para sa akin. Bukod sa birthday ko ay March 24, iyon din ang date kung kailan ikinasal sila mama at papa. Kaya itinuturing kong lucky number talaga ang 24.

Nang matanggal ko na ang cake sa kahon ay dahan dahan na akong naglakad papunta sa kwarto niya.

Imbes na mapangiti ako ay nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Isang babaeng walang saplot ang iniindayog ng katawan ni Adrian. Kung paanong itinataas baba niya ang kanyang katawan para mailabas masok ang kanyang pagkalalaki sa maselang bahahi ng katawan ng babae.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon