Chapter 42

1.6K 34 0
                                    

Chapter 42


Stella's POV:

Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang 'working office' ni Sir Henry. Alam ko ang dahilan kung bakit niya ako pinapatawag. Alam kong aalamin na niya kung ano ang lagay namin ni River.

Pumasok ako at saka umupo sa harap niya. Maaliwalas pero eryoso ang itsura ni Sir Henry. Napaka-professional niyang tingnan.

"Hmmm...so, Stella, kamusta? What's the latest news?" Tanong ni Sir Henry. Humalukipkip siya saka sumandal  sa upuan.

Hindi ko magawang tumingin nang matagal sa kanya. Doon lang sa mga puting folder at papeles natuon ang mata ko.

"Ginagawa ko na po, Sir. Actually, nakikipaghiwalay na ako sa kanya kanina."

"Really? So, ano namang sabi niya?"

"Ayaw niya po."

"I guess. He really loves you Stella." Gusto kong sumagot ng 'oo'. Gusto kong masayahang sabihin na 'opo sir, mahal na mahal ako ng anak niya kaya pwede po ba na hayaan niyo na lang kaming magmahalan?' Pero wala, e. Si Sir Henry ang gustong paghiwalayin kami since hindi ako ang gusto niya para sa anak niya.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Naiiyak ako na nagagalit na naiinis. Naiinis ako dahil hindi ko magawang sabihin na gusto kong ipaglaban 'yung pagmamahalan namin ni River. Nagagalit ako dahil kung sino pa - itong si Sir Henry - ang dapat na sumuporta sa anak niya pero siya pa ang sisira sa kaligayahan at pag-ibig ng anak niyang si River. Naiiyak ako dahil alam kong hanggang dito na lang ang pagmamahalan namin ni River.

"Alam mo, Stella," Nag-angat na ako ng tingin kay Sir Henry. "Bakit hindi ka magalit sa akin? Why don't you try to defend your love for my son?"

Sarkastiko akong napangisi. "Hindi na po kailangan, Sir. Alam ko namang hindi ako mananalo,"

Bumuntong-hininga siya. "Alright. Hindi ko na pahahabain pa." Tumindig siya. "Maraming maraming salamat Stella at naintindihan mo. Para naman kay River ang ginagawa kong 'to."

Pinilit kong ngumiti. "Naiintindihan ko po," malungkot na saad ko.

"I'm doing it on purpose, Stella. Thank you for your cooperation," Cooperation? Seryoso, huh? Ang sarap sapukin ni Sir Henry na para bang isa lang 'tong pelikula at ginagamit niya lang akong aktres. Shit. "Nalulungkot ako para sa inyo but this thing should be done. Believe me, you'll thank me sooner. Hindi mawawalan ng silbi 'to."

Tumayo na ako. Hindi ko na kayang pakinggan pa ang sinasabi ni Sir Henry. Nalulungkot siya pero kailangang mangyari 'to? Magpapasalamat ako sa kanya soon? Talaga lang, ha. So kailangan ko palang ipagpasalamat 'to? Hindi mawawalan ng silbi? Oo naman. Sa side nila.

Pero sa akin? Lahat ng silbi ko nawala dahil dito.

Tumango-tango na lang ako pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Lumunok muna ako bago magsalita. "Sir," Bumuntong hininga ako at saka siya tiningnan. "Thank you." Nag-bow pa ako sa kanya at saka lumabas na.

Nang maisara ko ang pinto ay sumandal muna ako doon. Gaya ng dati, unti-unti akong napaupo paibaba hanggang sa nakasalampak na ako sa sahig. Niyakap ko 'yung tuhod ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Halos manigas 'yung leeg ko dahil sa pagpipigil ng iyak.

Nagtagumpay akong pigilin ang iyak ko. Tumayo na ako naglakad papunta kwarto. Sa mismong pagbukas ng pinto ay sinalubong ako ng isang River na hindi mawala ang titig sa akin, ni kahit pagkurap ay hindi niya magawa. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang aura niya ngayon.

"Si Dad ba?" Seryoso niyang tanong. Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si River.

Umiling ako, nagmaang-maangan pa rin.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon