Chapter 11

2.7K 47 0
                                    

Chapter 11:

River's POV:

Halos dalawang linggo na rin si Stella dito sa bahay. Halos dalawang linggo na rin akong nakikipagtalo at nakikipagbangayan sa kanya. Walang araw na hindi kami nag-aaway dahil parati siyang naiinis sa akin. Ako naman itong si mapang-asar na nage-enjoy na inisin siya. Wahahaha.

Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako sa tuwing may ginagawa akong kalokohan sa kanya.

Naalala ko tuloy nang minsan kong ikinalat ang lahat ng laman ng chippy sa sahig dito sa kwarto.

"Ano ba, River?! Parati akong naglilinis dito tapos parati ka na lang nagkakalat!" Nanlalaki ang dalawang mata niya at kulang na lang ang apoy ang bumuga sa bibig niya dahil sa galit.

Ngumisi lang ako. Inasar ko pa siya lalo gamit ang mukha ko. Nag-face dance ako para mas lalo pa siyang mainis.

"Siyempre naman. Ano na lang trabaho mo kapag hindi ako nagkalat? Kaya nga may Personal Maid ako di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. Totoo naman kasi. Aba, anlaki kaya ng sahod niya kaya dapat ay mahirapan siya.

Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya. Nagpipigil ng inis.

"Dalian mo na. Kuhanin mo na ang walis at walisin mo na ang kalat sa sahig. Baka langgamin pa tayo." Tumayo ako at mabilis na lumabas ng kwarto.

Narinig ko pa ang malakas niyang sigaw kahit nasa labas na ako. "Walang hiya ka talaga, River! Humanda ka talaga sa akin sa susunod na magkalat ka pa." Medyo nawalan na rin siya ng galang sa akin. River na nga lang ang tawag niya sa akin at hindi na ‘boss’.

Noong isang araw naman ay nakagawa na naman ako ng pagkakasala sa kanya.

Kasalukuyan kaming kumakain nila daddy sa kusina kasama si Stella. Si Daddy ay sa gitna at kaming dalawa ni Stella ay magkaharap.

Mabilis akong natapos kumain at habang umiinom ako ay nakita kong biglang may lumabas na kanin sa ilong ni Stella. Agad kong ibinaba ang baso ko at pinigil ang tubig sa loob ng bibig ko pero hindi ko na talaga napigilan at naibuga ko iyon kay Stella. Basang-basa ang mukha niya.

"Wahahaha!" Napahagalpak ako sa tawa. Napaatras pa ang bangko ko dahil sa tindi ng pagkakatawa ko.

Kitang-kita ko naman ang gulat na gulat na mukha ni Stella at parang diring-diri siya.

Mas napahagalpak ako sa itsura niya. "Wahahaha!" Sino ba namang hindi mandidiri sa tubig na galing sa loob ng bibig. Hahaha. "S-sorry!"

"River!" Napahinto ako sa sigaw ni Daddy. "Look what you have done to her!" Napalunok ako.

"I-I'm sorry, Dad." Napatungo ako pero sa totoo lang ay pinipigilan ko ang tawa ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko kung paanong lumabas ang kanin sa ilong ni Stella.

"O-okay lang po, Sir." Sabi naman ni Stella at saka mabilis na nagpunta sa lababo para maghilamos.

"Mag-sorry ka sa kanya." Ani Dad pero nag-poker face lang ako.

"Dad naman. Hindi ko naman sinasadya na mabugahan siya, eh. Siya kasi...nagpapatawa."

Napakunot ang noo ni Dad. "Nagpapatawa?"

"Yes, Dad. Hindi mo ba nakita? Lumabas 'yung kanin sa ilong niya!"

"I-it happens, River." Ibinaba na niya ang kutsara at tinidor. "Don't act too innocent. Nangyayari talaga 'yon."

"At nangyayari rin na aksidenteng mabugahan ang isang tao lalo na kapag hindi na mapigilan ang pagtawa."

Napahagod si Dad sa noo niya. "Oh! God. You're so unbelievable, son." Aniya na parang pinipigilan ang sarili na sumbatan ako. Uminom na siya ng tubig at saka tumayo at umalis.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon