Chapter 12

2.6K 49 0
                                    

Chapter 12:

River's POV:

Paulit-ulit kong pinasadahan ng tingin si Stella habang kumakain kami pero hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin kahit isang beses.

Nararamdaman ko na naging matindi talaga ang galit niya sa akin.

Kahit nang nasa kwarto na kami ay naupo lang siya sa sofa at nagce-cell phone at hindi man lang tumitingin sa akin. Ilang beses pa akong nagpalakad-lakad sa harap niya pero hindi pa rin siya nag-angat ng tingin sa akin.

Tsk. Tsk. Masama na ito. Pakiramdam ko ay pinaparamdam niya sa akin na sobrang sáma kong tao dahil sa mga ginawa ko sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at saka umupo sa kama. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya pero wala pa ring epekto. Ayaw niya talaga akong pansinin.

"Hmmm... Stella, pakikuha mo nga ako ng tubig. Nauuhaw na ako, eh." Sambit ko pero hindi siya nagsalita. Madalas ay nagrereklamo siya na inuutusan ko siya sa mga simpleng bagay pero ngayon ay wala man lang siyang naging imik.

Ikinuha niya ako ng tubig at tahimik na inabot sa akin 'yon. Pilit kong hinahanap ang mata niya para tumingin sa akin pero iniiwas niya lang iyon. Galit nga siya sa akin!

Haays. Hindi maganda 'to. Ayaw na ayaw ko pa namang may nagtatanim ng sama ng loob sa akin. Baka hindi ako mapunta ng langit niyan.

Paano kung mamatay ako mamaya tapos hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya? Huhuhuhu. Ayokong magdusa sa impiyerno.

Ano kaya kung gumawa ako ng paraan para mapatawad niya ako?

Aha! Tama. Tama. Ipagbe-bake ko na lang siya at saka ipagtitimpla ng juice. Sabi nga nila, a way to a woman's heart is through her stomach. Oo nga! Dapat ay bigyan ko siya ng pagkain para malunok na niya ang galit niya sa akin para maitae niya na at nang mawala na ang mga 'yon.

At siyempre para mas effective, dapat ako ang magluluto ng cookies at magtitimpla ng juice para may 'effort' na tinatawag. Para mabilis niya akong mapatawad.

"Stella, 'wag na 'wag kang aalis dito. Kung hindi mo ako mapatawad ay gagawa ako ng paraan para mapatawad mo na ako." Pagkasabi ko no'n ay mabilis na akong nagpunta sa kusina at hinagilap ang mga sangkap para sa paggawa ng cookies.

"Sir, ano po ang hinahanap niyo?" Tanong ni Yaya sa akin. Napa-pout naman ako dahil tinawag na naman niya akong Sir at nag-'po' na naman siya sa akin. Tsk.

"Yaya, sabi ko na po sa inyo na 'wag niyo akong tawaging 'sir' at 'wag niyo na po akong 'po'oin."

Napakamot na lang siya sa batok niya. "Oo nga pala. Sorry p---River."

"'Di ba po may stock tayo ng mga ingredients sa pagluluto ng cookies? Nasa'n na po?"

"Andito, hijo." Mabilis na nahanap ni Yaya 'yung mga ingredients at saka inilapag 'yon sa mesa. "Kung gusto mo ay ako na ang magluluto---"

"'Wag po!" Pigil ko sa kanya nang umpisahan na niya ang proseso sa pagmi-mix. "Ako na po. Dapat ako po ang gagawa niyan." Mabilis kong inagaw sa kanya ang hawak-hawak niyang mixer at ako na ang nagpatuloy.

"O-ok." Ani Yaya at saka umalis na para ituloy ang ginagawa niya kanina.

Hindi ko siya hinayaan dahil gusto ko na ako lang dapat ang gagawa no'n. Kapag nalaman ni Stella na hindi ako ang nag-effort na mag-luto ay baka mas isumpa niya pa ako.

Dahil hindi naman ako marunong magbake ng cookies ay agad akong humingi ng tulong kay Pareng Google. Nang ma-mix ko na ang lahat ng ingredients ay nilagay ko na iyon sa maliliit na hulmahan at saka nilagay sa oven.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon