Chapter 44

1.7K 21 0
                                    


Chapter 44


River's POV:

Binuksan ko ang pinto nang narinig ko ang ilang ulit na pagkatok. Si Manang A1.

"River, may bisita ka sa. Nasa sala siya."

"Sino po?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Manang A1 at saka umalis na sa harap ko. Hindi man lang niya sinabi kung ano'ng itsura o kaya sinabi kung lalaki ba o babae?

Medyo nagtaka rin ako kung sino ang bisitang sinasabi ni Manang A1. Wala naman kasing bumibisita sa akin tuwing weekend. Kung sila Aerol at Neff naman, nagte-text muna iyon bago pumunta rito sa bahay.

Tumingin muna ako sa salamin saka hinawi nang bahagya ang buhok ko. Hindi pa ako naliligo pero guwapo pa rin naman ako.

Matamlay akong naglakad palabas ng kwarto. Hindi ko alam sa katawan ko pero simula kahapon, parang nawalan na ako ng gana. Simula nang nagsagutan kami ni Dad. Pakiramdam ko, kaaway ko ang buong mundo. Pakiramdam ko, walang kumakampi sa pagmamahal ko para kay Stella. At pakiramdam ko rin, humihina 'yung pag-asang meron ako para patuloy na lumaban kung si Stella mismo, ayaw lumaban.

Paano ako lalaban pa kung 'yung taong ipinaglalaban ko e sumuko na?

Pero kahit na. Patuloy pa rin akong lalaban. Hangga't kaya. Hindi ko hahayaan na maging biktima kami ng mga love story'ng hindi naging successful dahil lang sa paghahadlang ng pamilya nila.

Oo. Mahirap kalaban ang pamilya. Pero mas mahirap magsisisi - magsisisi sa isang bagay na nawala sa'yo dahil wala kang ginawa para manatili siya sa'yo.

Hindi ko namalayan na nasa sala na pala ako. Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad nang may marinig akong nagsalita.

"Mukhang malalim ang tinatakbo ng isip mo ah?" Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Zania. Nakasandal siya sa sofa habang hawak-hawak ang isang magazine. Isang eleganteng white dress na na medyo revealing ang suot niya. Sumisilip ang kaunting bahagi ng boobs niya.

Napailing ako saglit. Nagtaas ako ng kilay at saka siya hinarap, nanatili akong nakatayo. "Bakit ka andito?"

Ngumuso siya. Hindi ko maitatangging sobrang ganda niya pero hindi ako puwedeng patukso. Loyal ako kay Stella. "Hindi ko ba puwedeng bisitahin ang future husband---" Pinutol ko ang pagsasalita niya.

"Hindi. Ako. Ang. Future. Husband. Mo!" Mariin kong sabi.

Ibinaba niya ang magazine na hawak niya. Ngumisi siya. "Easy. I just want to visit you. Is that okay?"

"Hindi ako tumatanggap ng bisita."

Bumuntong hininga siya. "Ganito ka ba humarap sa isang babae? Nakaka-turn off ah."

Sarkastiko ko siyang nginisian. "Okay lang. Better kung ma-turn off ka." Walang paligoy-ligoy na saad ko.

Tumayo siya at saka lumapit sa akin. "Forget about it," Aniya. "It's already 9:45 o'clock. Gusto mo bang ipagluto kita ng meryenda? You want pasta? Or something sweet?"

"Hindi ako gutom," Walang ganang sagot ko. "Umalis ka na. Hindi kita kailangan." Alam kong masakit pakinggan pero kung ito lang ang paraan - ang pagsalitaan siya ng masasakit na salita - gagawin ko para umalis siya at sumuko sa akin.

Tinalikuran ko siya at saka naglakad na pabalik sa kwarto ko. Hindi ko namalayan na sinundan niya pala ako at nang pagbukas ko ng pinto ay nauna pa siyang nakapasok.

"Oh. Anlaki at ang ganda ng kwarto mo ah." Aniya at saka nagpaikot-ikot ang tingin sa kabuuan ng kwarto ko. Agad na tumaas ang presyon ko sa utak.

"Alam mo, Zania," Inis ko siyang hinarap. Parehas na nagtama ang tingin naming dalawa. Hinintay niya ang susunod kong sasabihin. "'Wag na tayong maglokohan pa. Wala kang pag-asa sa akin, okay? May girlfriend ako. Ikaw, maganda ka. Maghanap ka ng boyfriend mo. 'Wag ako!" Diretsahan kong sabi.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon