Chapter 47

1.9K 40 0
                                    

Chapter 47


River's POV:

Two weeks. Two weeks na ang nakakalipas simula nang iwan ako ni Stella. Two weeks. Two weeks na rin simula nang nawalan ako ng pakialam sa kung ano'ng mayroon sa labas pati na rin sa sarili ko.

Nakakulong lang ako sa kwarto sa loob ng dalawang linggo. Lalabas lang ako kapag kakain na. At madalas late pa akong kumain dahil ayaw kong makasabay si Dad. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Dahil sa kanya, kaya kami naghiwalay ni Stella.

Nakakainis. Minsan ka na lang magmamahal bakit kailangan pa nilang humadlang? Minsan ka na lang magmamahal tapos 'yung mga taong akala mo susuportahan ka, sila pala 'yung sisira sa'yo.

Ilang beses kumatok si Dad sa kwarto ko nitong mga nakaraan araw pero hindi ko siya pinagbubuksan. Hindi ko pa siya kayang harapin. Hindi pa rin nababawasan 'yung galit, sakit at pait na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung kailan mawawala 'to basta ang alam ko, nakakulong ako ngayon sa mundo ng sakit at pighati - na parang wala nang bukas sa akin dahil sa pagkawasak ng puso ko.

Maging si Zania, hindi ko pinapapasok sa tuwing dumadalaw siya dito sa bahay. Alam kong concern siya sa akin. Alam kong gusto niya akong i-comfort. Alam ko na gusto niya akong kausapin para naman kahit papaano ay mabawasan 'yung mabigat na nararamdaman ko pero...gusto kong mapag-isa.

Lumabas ako ng kwarto ko mga alas-nuebe na para  kumain ng umagahan. Matapos kong kumain ay nagulat ako nang biglang lumitaw si Dad sa gilid ng ref. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso na lang naglakad pabalik sa kwarto ko.

Rinig ko ang pagsunod ni Dad sa akin dahil sa kanyang pagyapak. Hindi ko pinansin iyon at nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko ay nauna pa siyang pumasok. Mabilis siyang naupo sa sofa.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Wala na akong pakialam kung tonong mayabang man ang naging asta ko.

Ngumisi siya. "Gusto ko lang kamustahin ang anak ko. By the way, it's 24th of December. Pasko na mamaya. Do you want to spent this day with peace and joy? You should relax yourself a bit."

Sarkastiko akong ngumisi sabay irap. "Peace and joy?" Natawa ako. "Dad naman. Nagbibiro ka ba? Sa tingin mo sa'n ako makakahanap ng peace ang joy sa ginawa mo sa akin?" Galit na saad ko na ikangisi lang niya.

Ikinuyom ko ang isang kamay ko. Ano bang gustong mangyari ni Dad at tumatawa pa siya sa lagay na 'to.

"Bakit ka tumatawa, Dad?" Matalim ko siyang tiningnan. "Dahil ba sa nagawa mo na 'yung gusto mo? Masaya ka na dahil sinaktan mo 'ko?"

Ngumiti siya. Gusto kong mapamura pero ayokong magkasala. "Yes," Aniya na mas ikinataas ng presyon ko. Ilang beses akong napabuntong hininga dahil sa sagot ni Dad.

Haist. Hindi ko matanggap na nagawa sa akin 'to ni Dad. Hindi ko matanggap! Talagang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya ah?

"Gaya nga ng sinabi ko sa'yo noong una pa lang, it's for you. I did it on purpose. And now, look at you. Masasabi kong nagtagumpay ako,"

Napabuga ako ng hininga. "Seriously, Dad, natutuwa ka pa dahil nagkakaganito ako? Woah. Wow, Dad. Just 'wow'!"

Mas lumawak pa ang ngiti niya na mas ikinaasar ko naman. Argh!

"Yes. Natutuwa ako because I saw the proof. This is a great evidence."

Kumunot ang noo ko. Nagtaas ako ng kilay. Hindi pa rin bumaba ang lebel ng presyon ko. "Proof? Na ano? Na ikaw ang tatay ko at wala akong magagawa? Na binigyan mong pruweba na ikaw ang dapat masunod, ha?" Galit kong ibinato sa kanya. "Evidence? O, ayan! 'Eto. 'Eto na ba 'yung ebidensya? Na natalo mo ako?"

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon