Chapter 30

2K 35 0
                                    


Chapter 30

River's POV:


Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at saka hinawakan ang kamay niya. Masarap pala sa feeling na hawak mo 'yung kamay ng taong mahal mo. Naglakad kami paalis ng parking lot hanggang sa mapasok na namin ang entrance ng school gate. It's already November 5. Meaning, 8 days na kaming magkasintahan ni Stella.

Binalak ni Stella na alisin ang kamay niya sa kamay ko pero mas hinigpitan ko ang hawak. "Bakit mo tinatanggal?" Mahinang tanong ko, kasalukuyan na kaming naglalakad sa hall way.

"Nakakahiya. Andaming mga matang nakatingin sa atin." Aniya habang payuko yuko.

"'Wag kang mahiya," Sabi ko. "Hindi natin dapat ikahiya ang relasyon natin. We should be proud."

Kung dati ay takot na takot akong tingnan ang mga tao. Kung dati ay hindi ko magawang tumingin ng diretso sa daan at nakayuko lang ako. Ngayon, nakaramdam ako ng pagka-boost ng confidence ko. Na hindi ako dapat mahiya lalo na't ang kasama ko ay ang babaeng mahal ko.

Kung dati ay natatakot ako na tumingin sa mga tao dahil baka makakita ako ng bagay na makakapag-activate na naman daw sa extraordinary mind ko, ngayon naman, naging kampante na ako dahil na-train na ako ni Stella na maging normal sa harap ng tao. Na dapat isipin ko munang mabuti kung ano ba talaga 'yung tunay na nangyayari at hindi dapat ako susugod agad at gagawa ng isang bagay na hindi sigurado.

Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga studyante sa paligid. Lahat sila hindi pa rin makapaniwala na girlfriend ko na si Stella.

"How can River love that ugly woman?"

"Baka naman ginayuma niya si River."

"Ang sakit isipin na ang tulad ni River e mahuhulog lang sa napakapanget na nilalang."

"I can't believe it."

Iyon ang mga chismis na paulit-ulit naming naririnig. Alam kong nasasaktan si Stella sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid but I keep on telling her, "'Wag mo silang isipin. Kahit na ano pang sabihin nila, wala na silang magagawa dahil puso ko ang kalaban nila. The world against my heart. Surely, my heart will win. My love for you will always win."

"Wi-weet!" Sipol ni Aerol at Neff. "Masyadong showy,.ah?" Nakangiting sabi ni Aerol nang makapasok kami ng room. Marami sa mga classmate namin ang nakatingin sa amin ni Stella.

"Nakakapanibago talaga." Sabi naman ni Neff.

"Para namang ikaw," sabi ni Stella kay Neff. "Hanggang ngayon namamangha pa rin ako kung paano mong napasagot si Janine nang ganoon kabilis."

Napangiti siya ng malawak. "Gano'n talaga. Sino ba namang pagtatagalin ang panliligaw ng isang Neff Javier?" Confident na sabi niya.

"Pero syempre, dude," tinapik ni Aerol si Neff. "Ang pinakamatindi talaga, si River. 1 minute---" Biglang pinalo ni Stella si Aerol para tumigil sa pagsasalita.

"Ano ka ba, Aerol. Nakakahiyang malaman ng buong klase na 1 minute lang akong 'uhm' ni River. Baka sabihin nila easy to get ako." Mahinang sabi ni Stella. Tumango naman si Aerol.

Nakakahiya ba ang 1 minute courting na ginawa ko? Para sa akin hindi naman. Astig nga, e. Ako pa lang ang nakakagawa n'on.

Kinahapunan pagkatapos ng klase ay nagkaroon ng praktis para sa 'The Versus Department League'. Magkakaroon ng league ang school at maglalaban-laban ang bawat department. Isa ako sa mga napili para maging player ng CMA (College of Management and Accountancy).

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon