Chapter 41

1.6K 29 0
                                    

Chapter 41


Stella's POV:

Papalapit nang papalapit ang araw. Mahigit isang linggo na lang at bakasyon na. Tapos na ang semester na contract namin ni Sir Henry para manatili at para maging Personal Maid ni River. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawang sabihin kay River ang tungkol dito. Ayoko siya, ako ---kaming masaktan. Natatakot ako.

"Kanina ka pa tulala diyan ah?" Napa-angat ako ng tingin kay River. Kasalukuyan kaming nandito sa isang cafe kasama sila Neff, Aerol at girlfriend niya.

"Oo nga, Stella. May problema ka ba?" Tanong ni Aerol.

Pilit akong ngumiti saka umiling. "Wala naman," mahina kong sabi.

"Malapit nang mag-christmas break. Sa wakas, makakapagpahinga na ang utak ko." Daing ni Neff na akala mo sobrang naginhawaan.

"As if naman dude ginamit mo 'yung utak mo?" Pambabara ni Aerol na ikinatawa nilang lahat. Ako, kunwari ay natawa na lang din.

Hindi ko namalayan na naging mahaba pala ang kwentuhan nila. Halos mag-a-alas siyete na ng gabi nang lumabas kami ng cafe. Nagkanya-kanya na kami ng landas since pare-parehas naman silang may kotse.

"Bakit ba ang lungkot-lungkot mo nitong mga nakaraang araw?" Nagulat ako nang biglang huminto si River sa gilid ng daan.

Nilingon ko siya at saka kinunutan ng noo, umarteng inosente; hindi alam ang sinasabi niya. "Ha? Malungkot? Ako? Bakit naman ako malulungkot?" Pagtanggi ko.

"Ano'ng problema?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkaseryoso at pagka-concern niya.

Umiling ako saka hinawi nang bahagya ang buhok ko. "W-wala akong problema. Tara na. Gabi na oh," Pilit kong inililiko ang topic. Tumingin ako nang diretso sa daan. Nahihirapan akong titigan ang mga mata niya nang matagal.

Marahan niyang hinawakan ang balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kanya pero agad rin akong napayuko. Naiiyak na 'ko. "Stella," Seryoso na talaga siya.

Pinilit kong iatras ang luha ko. Bumuntong hininga ako. Matapang kong iniangat ang aking tingin at nakipagtitigan sa kanya.

"May lumapit sa akin na nakaitim na lalaki," Hindi ko alam kung gagana 'tong palusot ko pero sana...sana gumana 'yung Exaggerated Mind niya para masakyan ako. "Sinabi niya na ako ang nawawalang prinsesa ng Dencandia. Ako ang susi para matalo ang kasamaan. Kailangan nila akong dalhin sa kabilang mundo,"

Kumunot ang noo niya nang bahagya. "Sorry River, pero kailangan na nating maghiwalay. Kailangan kong tuparin ang misyon. At isa pa, hindi tayo puwedeng dalawa. Magkaiba tayo ng mundo," Muli akong napabuntong hininga. 'Langit' ka kasi, River. Ako 'lupa'. Paniwalaan kaya niya 'tong walang kasense-sense na palusot? My goodness, Stella.

Nagpatuloy ako. "Alam kong masakit, River. Pero kailangan nating maghiwalay. May ibang para sa'yo. Hindi tayo bagay. Kailangan na nating pakawalan ang isa't isa." Kahit na ka-abnormalan ang sinasabi kong dahilan hindi ko pa rin mapigilan ang pagkirot ng puso ko. Bakit ang sakit sakit pa rin. "Tatlong araw na lang ibinigay sa aking palugit. Pagkatapos ng klase ngayong sem, kailangan ko nang pumunta sa kabilang mundo. Kailangan na nating maghiwalay. Kailangan na---"

Napahinto ako sa pagsasalita. "Sa tingin mo maniniwala ako diyan?"

Lumunok ako, kinabahan. "Naalala mo ba noong una tayong magkita? Noong nagkamay tayo? Di ba nakaramdam ka ng kuryente?  Totoo 'yon. Dahil ako ang Prinsesa ng Kuryente at kailangan ko nang tuparin---"

Nagtaas siya ng kilay. "'Spark' ang tawag do'n, hindi ba? Meaning, ikaw at ako puwedeng magkagustuhan. Stella," Napabuntong hininga ako at saka napasandal patagilid. Nabigo ako. Hindi umubra. "Hindi totoo ang mga kapangyarihan di ba? Kaya please, Stella. 'Wag mo na akong paglaruan. Hindi na ako 'yung dating River na Slow Poke at agad-agad nagpapaniwala. You trained me, di ba?"

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon