Chapter 40

1.8K 29 0
                                    

Chapter 40:


Stella's POV:

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman ko kung ano 'yung gumagalaw sa tenga ko at sumambulat sa akin ang nakangising si River na may hawak-hawak na piraso ng walis tambo na nilalaro sa tainga ko. Grrrr!

Mabilis siyang napaatras saka diretsong umupo sa tapat ko. "Goodmorning, Boo! Happy Monthsary!" Masayang-masayang sabi niya at saka bigla niya akong binangon. Inilapit niya 'yung sarili niya sa akin at akala ko hahalikan niya ako pero bigla niyang inilayo ang mukha niya. "Mamaya na kita iki-kiss, Boo. Bad breath ka pa!" Aniya at saka tumawa.

"Bwisit ka!" Sambit ko sabay palo sa braso niya. Mabilis ko siyang hinagkan at saka kiniss sa lips. Ha! Akala niya makakaligtas siya ah. "Happy Happy Monthsary, Boo!" Sambit ko nang nakangisi.

Biglang nalukot ang mukha niya. "Bakit mo 'ko kiniss? Bad breath ka pa, e!" Asta niya na parang bata. Bigla siyang tumayo sa kama at saka iniharap ang puwet sa akin at naramdaman ko na lang ang medyo matagal na paglanghap ng ilong ko sa hanging lumabas sa puwet niya. What the! "Happy Monthsary ulit, my Boo!" Aniya at saka mabilis na tumakbo papunta sa comforter.

Mabilis akong napatakip sa ilong ko pero huli na dahil umabot na sa kaibuturan ng utak ko ang sobrang baho ng utot niya.

Mabilis akong tumakbo sa CR. Akala ko ay masusuka ako dahil sa sobrang baho ng utot niya. Napabuntong hininga ako nang makita ko sa salamin ang namumula kong mukha dahil sa nalanghap kong amoy na 'yon. Jusko! Isang buwan 'ata siyang hindi tumae. Yuck!

Naghilamos muna at saka nag-toothbrush. Lumabas ako ng banyo at masama kong tiningnan si River. Humalukipkip ako. "Happy?" Sarkastikong sabi ko. Humanda ka sa akin kapag nakaisip din ako ng ganti sa'yo.

Tumango tango siya. "First gift ko sa'yo 'yon, Boo. Hahaha." Aniya at saka napahagalpak na naman sa tawa. Inirapan ko nga. "Gumayak ka na. May pupuntahan tayo."

"Ha? Bakit? Saan tayo pupunta? May pasok tayo ah?"

"Holiday ngayon kaya 'wag kang mag-alala." Napa-isip pa ako at saka tumingin sa kalendaryong nakapaskil sa likod ng pinto pero hindi naman 'yon nakamarkang holiday. "Monthsary natin ngayon kaya para sa atin, Holiday!"

Nalaglag ang panga ko. "Seryoso ka ba?"

"Aba, oo naman. Noon ngang birthday ng Principal natin, wala tayong klase ng tatlong oras kasi nag-celebrate sila. Aba, tayo rin dapat!" Alanganin akong napalunok. "Pero tayo, maghapon!" Kumindat pa siya.

Wala na akong nagawa. Matapos kaming gumayak ay kumain muna kami ng breakfast bago daw umalis dahil medyo malayo raw ang pupuntahan namin.

"Regalo mo sa akin 'yan?" Tanong niya sa akin nang inilabas ko sa kwarto ang kahon na binalot ko kahapon. Tinanguan ko siya. Napangiti naman siya. "Ano'ng laman niyan?"

Nilampasan ko siya. "Siyempre surprise! Ano ba naman, Boo. Amboo boo mo naman."

"Siyempre, Boo Boo din 'yung girlfriend ko." Aniya at saka lumawak pa ang ngiti. Haist.

Bubuksan ko na sana 'yung likod ng kotse para ilagay 'yung regalo ko pero bigla akong pinigilan ni River. "Hindi mo 'yan puwedeng buksan. Nandiyan 'yung mga ireregalo ko sa'yo. Hindi na surprise kapag nakita  mo. Doon mo na lang ilagay sa backseat."

"Okay." Sagot ko naman at saka inilagay na sa backseat 'yung hawak ko. Parehas kaming sumakay doon sa frontseat.

Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapatingin kay River. Napabuntong hininga ako at saka lihim na ngumiti - ngiti na may halong sakit at pighati. Siguro ngayon, puwede ko munang isantabi 'yung mga problema ko. Puwede ko munang isantabi 'yung pag-iisip na malapit ko na siyang ibreak. Hindi ko muna iisipin na 'langit' siya at 'lupa' ako.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon