Chapter 45

1.8K 29 0
                                    

Chapter 45

Stella's POV:

Nang buksan ni River ang pinto ay bigla akong napahinto nang makita ko ang isang babaeng nanunuod ng tv. Kumunot ang noo ko at saka inaninag ang itsura nung babae. Parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

Ilang beses kong inalala kung saan ko siya nakita pero nang bumaling siya ng tingin sa gawi namin ay nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. Hindi ako puwedeng magkamali! Siya 'yung babaeng stranger na nakausap ko sa McDo!

"Oh, andiyan na pala kayo," Mabilis siyang tumayo at lumapit sa amin.

Dahan-dahan akong napaturo sa kanya. "D-di ba ikaw 'yung---" Utal kong saad na agad pinutol ni River.

"Magkakilala kayong dalawa?" Gulat na tanong niya.

Umiling 'yung babae. "Nope. We just met in fastfood. Just two or three weeks ago? I'm not sure?" Nagkibit balikat siya. Confirmed! Siya nga 'yon. P-pero anong ginagawa niya rito?

Napako ang tingin nung babae sa akin. Naglahad siya ng kamay. "You are Stella, right? I'm Zania." Pakilala niya na agad kong pinaunlakan ang kanyang kamay para kamayan. "River's girlfriend?" Tumango ako.

Parehas kaming napalingon nang tumikhim si River. "P-punta lang ako ng kwarto." Aniya at saka napalunok. Hindi ko alam pero parang natataranta siya at parang hindi alam ang sasabihin kaya mabilis na nag-walk out.

Parehas kaming naupo sa sala. Ibinaba ko ang bag ko sa tabi ko. "A-anong ginagawa mo rito?" Inosenteng tanong ko.

Ngumiti siya. "Let's not talk about it first. Magmeryenda muna tayo. Wait here." Aniya at saka tumayo at naglakad papunta sa kusina.

Napangiti ako. Ambait-bait niya talaga saka ang ganda-ganda pa. Hindi ko alam kung bakit siya andito pero nakaramdam ako ng gaan ng loob. Siya kasi 'yung taong unang nakaalam sa sitwasyon ko. Siya 'yung babaeng stranger na napag-open-an ko ng problema. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil doon. Pati na rin sa mga words of wisdom o mga payo na ibinigay niya sa akin ay ipinagpapasalamat ko sa kanya kahit hindi ko magawa ang mga 'yon - ang maniwala na may happy ending kami ni River.

Bumalik siya nang may dalang sandwhich at juice. Hiniyawan ko si River na lumabas ng kwarto para sumamang mag-meryenda pero nagbibihis pa raw siya.

"Thank you nga pala ulit," Sambit ko nang may ngiti.

"For what?"

"Noon. Noong nag-open ako sa'yo. Salamat sa pakikinig."

Ngumiti siya. Nakita ko sa mga mata niya na parang may lungkot. "Wala 'yon."

"So, bakit ka nga pala 'andito?" Tanong ko.

"Let's eat muna. Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Ang lahat." Aniya. Bigla akong nagtaka. Bakit kanina niya pa iniiwasan ang tanong ko kung bakit siya andito?

Nang matapos kaming kumain ng meryenda ay sakto namang lumabas si River. Nakabihis na siya ng pambahay. Naupo siya sa isang pang-isahang sofa. Nasa mahabang sofa kami ni Zania. Tumingin siya sa akin pero mas matagal ang pagmasid niya sa kay Zania.

"I'm sorry, Stella." Napabaling ako ng tingin kay Zania nang magsalita siya. Napanguso ako. Hindi ko nagets ang sinabi niya.

"Bakit ka nagso-sorry?" Takang tanong ko.

Diretso lang siyang nakatingin sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng hindi maganda. Feeling ko, anytime masasaktan ako, madudurog 'yung puso ko.

"There's no way to hide. Stella..." hinawakan niya 'yung parehas kong kamay at saka marahang pinisil pisil iyon. "I'm really, really sorry," nakita ko ang pangingilid ng luha niya. Naguguluhan pa rin ako pero hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon