Chapter 24

1.8K 25 2
                                    

Chapter 24

Stella's POV:

"It's okay. Naiintindihan ko naman, e. Sino ba namang tao ang hindi uunahin ang pag-ibig?" Wala pa rin. Talagang nagtatampo pa rin sa akin si River.

Thursday na. Ngayon na siya maggo-grocery ng mga pagkain niya. Sasamahan ko nga sana siya ngayon kaso nga lang ay may date kasi kami ni Adrian. Nakakahiya naman kung ika-kansel ko pa. Siya na nga ang nag-aya sa akin tapos ako pa ang hihindi. Ngayon pa lang ako makakaranas ng official date kasama ang isang lalaki. Excited sana ako kaso medyo nagi-guilty naman ako dahil hindi ko masasamahan si River.

Hinabol habol ko pa rito sa parking lot si River para magpaalam ng maayos sa kanya kaso ay talagang tampong-tampo siya.

"Promise, babawi ako sa'yo." Suyo ko.

Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya at saka malungkot akong hinarap. "You don't have to."

"Pero kasi---"

"Ano ba!" Napaatras ako nang bigla siyang sumigaw. "Ilang beses ko bang sasabihin na 'naiintindihan ko' nga. It's love. Sino ba ako para hadlangan ang pagmamahal?" Aniya at mabilis na sinara ang pinto ng kotse at pinaandar na ito.

Napabuntong hininga ako at naglakad na para pumunta sa room nila Adrian. 30 minutes pa bago matapos ang klase nila kaya naghintay na lang muna ako sa mga benches na katapat ng room nila.

Lumabas si Adrian habang nagtatawanan sila ng apat niyang mga kaibigan na lalaki. Nahinto sila nang matanaw ako.

Pare-parehas silang nangiti at saka kumaway. "Hi, Stella!" Masayang bati nila nang nasa harap ko na sila. Agad namang pumunta sa side ko si Adrian at saka ako inakbayan.

Ginantihan ko rin sila ng ngiti, "Hi," Sambit ko.

"Wala. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig." Sabi nung isa na medyo maliit.

Humalakhak silang apat. "Oo nga. Kapag talaga pinana ka ni kupido, wala ka nang magagawa kundi sundin ito," sambit naman nung medyo kulot na lalaki na kinanta pa 'yung huling sinabi niya. Natawa na lang ako.

"O sige na, dude! Uwi na kami." Paalam nung isa.

Bumaling silang apat sa akin. "Enjoy your date," sabay sabay nilang sambit. 'Yong isa naman ay tumingin kay Adrian sabay kindat na para bang may ipinakahulugan. Hindi ko na lang pinansin iyon. Siguro ay nanggu-good trip lang 'yong mga 'yon, nanunukso; birong magkakaibigan.

Nang makaalis na sila ay dumiretso na kami sa parking lot. Buti na lang at thursday na ngayon kaya naka-civillian kami. Thursday and friday kasi puwedeng mag-civillian dito sa KA. Simpleng fitted pants at blouse na royal blue lang ang suot ko. Wala pa kasi akong masyadong alam sa fashion ng damit kaya hindi pa ako makapagsuot ng pang-elegante. 'Di bale, magpapaturo ako kay Janine pag may time. Si Adrian naman, isang simpleng black jeans lang at color sky blue polo shirt na talagang bagay na bagay sa kanya. Simple but elegant in his handsome face. Kahit ano atang isuot niya ay bagay naman. Guwapo, eh.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero naunahan ako ng kamay ni Adrian at siya na mismo ang nagbukas nito. Medyo kinilig naman ako sa part na 'yon. Oo nga't parati niyang ginagawa iyon pero iba ang feels ko ngayon. Siguro dahil first official date namin ito kaya pakiramdam ko lahat ng gagawin niya ay sobrang espesyal.

Ganoon pala kapag first time, 'no? Sobrang magiging espesyal para sa'yo.

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan ako ng isang Adrian Del Monte. Sa rami ng nagkakandarapa sa kanya pero ako pa 'yung niligawan niya.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon