Chapter 14

2.6K 50 0
                                    

Chapter 14:


Stella's POV:

Excited na tumalon si Janine sa kama ko. "Ano na, bes? Kuwento na! Feeling ko naging mala-cinderella ang buhay mo kasama ang napakaguwapo at napakahot na River Slater New York." Umismid ako at saka nagpaikot ng mata.

"Kung alam mo lang, bes. Siguro nga naging mala-cinderella ang buhay ko. 'Yong cinderella'ng katulong." Napabuntong hininga ako sabay upo sa tabi niya matapos kong isindi ang electricfan. "Mas malala pa sa naranasan niya."

Buti na lang talaga at sabado na ngayon. Nakahinga rin ako sa masalimuot na buhay kasama ang Boss kong sobra sa bwisit. Hindi pa rin napapawi 'yung inis ko sa kanya nang sinadya niya talagang ibuga sa akin 'yung juice noong isang araw. Para namang sinadya ko 'yung pagbuga ko sa kanya para gantihan ako. Tsk.

"So ibig sabihin ay totoo nga ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa kanya. Sobrang suplado niya? Tapos ikaw naman itong hirap na hirap siyang pakisamahan dahil sa mala-dragon niyang ugali?" Sumandal ako sa kama. Si Janine naman ay nakaupo habang nakapatong ang isang unan sa tiyan na.

Nag-umpisa na akong magkuwento at inaasahan ko talagang magugulat siya. Ibang-iba ang ineexpect niya sa tunay na nangyayari sa akin at sa mga naririnig niya tungkol sa boss kong si River.

"Ang totoo, hindi siya suplado. Umiiwas lang talaga siya sa mga tao dahil baka makagawa siya ng bagay na sobrang epic!"

Hindi ko namalayan na napapangiti na lang ako habang nagkuwe-kuwento. Maging si Janine ay natatawa rin at napapahagalpak pa sa mga kuwento ko—sa lahat ng epic moments ni River. Pati nga ang parating pag-aasaran at pagtatalo namin ni River ay naikuwento ko na rin. Lahat ng nagawa niyang sobrang nakapagpainis sa akin ay kinuwento ko lahat.

Nangingilid ang mga luha ni Janine dahil sa sobrang tuwa. "Kawawa ka naman pala, bes! Hahahaha."

"Sinabi mo pa." Napairap ako. "Hindi ko alam kung paano ko magagawa ang gusto ng tatay niya."

"Bakit, ano bang gusto ng tatay niya?"

"Mapatino ko siya!" Iritado kong sagot. "Hay nako talaga!" Napabuntong hininga ako. "Parang wala atang kapaga-pag-asang maging matino ang isang 'yon."

"Mukhang mapapalaban ka nga diyan, bes! Baka hindi mo kayanin ang isang first semester. Haha."

Napanguso naman ako. "Basta titigil na ako pagkatapos ng first sem," Sambit ko. Ilang saglit pa ay naalala ko kung gaano ka-sincere ang itsura ni Sir Henry sa paghingi sa akin ng favour na mapatinoko ang anak niya. Napa-face palm tuloy ako. "Kaso, nakakahiya kay Sir Henry dahil umaasa talaga siya sa akin na mapatino ko ang anak niya.”

"Don't worry, bes! Ichi-cheer kita. Naniniwala ako sa'yong mapagtitiisan mo 'yan. Kayang-kaya mo siyang mapatino bago matapos ang semester."

Malungkot akong nag-angat ng tingin. "Sana nga." Sambit ko na tila ba nawawalan na ng pag-asa.

Tinapik naman niya ang likod ko. Ngumiti siya ng nakakaloka. "Don't worry. Sobrang guwapo at hot naman ng boss mo!" Kumindat pa siya. "Minsan lang sa buhay mo ang may makasamang ganoon katindi ang kagwapuhan kaya pagtiisan mo na! Malay mo forever pala kayo. Hihihi." Ay, ang landi ah?

Siguro nga noong una pinangarap ko rin iyon. Sino ba naman kasi hindi mabibihag sa pisikal na kaanyuan ni River? Maputi. May katangkaran. Irresistable brown eyes. Kissable lips. Messy hair na talagang bagay na bagay sa kanya kahit hindi siya magsuklay o ano pa mang gel. Varsity Player pa. Biceps na namumutok sa fitted shirts niya. Six pack abs na kinahuhumalingan ng kababaihan. At ang kanyang 'not to mention' na may ipagmamalaki naman talaga.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon