Chapter 26

1.9K 30 0
                                    

Chapter 26

River's POV:

Unti-unti na namang may namumuong poot sa puso't isip ko. Nakakainis na naman. Hindi ko rin alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis sa tuwing makikita ko si Stella at Adrian na magkasama. Naiinis ako sa tuwing nakikitang masaya silang dalawa.

Andito kami ngayong tatlo nila Aerol at Neff sa canteen habang naglu-lunch. Hindi na kasi kami nagpunta pa sa labas para mag-lunch sa fastfood dahil thirty minutes lang ang lunch time namin ngayon. Masungit pa naman ang professor namin mamaya kaya dito na lang sa canteen kami nag-lunch para mas malapit.

Walang habas kong diniinan ang pagkagat sa fried chicken habang sinusulyapan ko 'yung dalawa—si Stella at Adrian—habang sobrang sweet na nagku-kwentuhan. Grrr. Kung wala lang talagang tao dito sa canteen ay binato ko na kay Adrian ang manok na kinakain ko.

Hindi ko pinahalata sa dalawang mokong na kaharap ko ngayon ang pagkainis ko at ang pagsulyap-sulyap ko sa dalawa. Siguradong aasarin na naman nila ako na nagseselos daw ako at totoo naman.

At 'yung tanong ko sa sarili ko kung may gusto ba ako sa kanya, sa palagay ko ay wala dahil baka pag-ibig na ang nararamdaman ko para sa kanya. Iyon ang sabi sa akin ng psychiatrist na nilapitan ko dalawang araw na ang nakalilipas.

At kapag tumibok pa raw ang puso ko ng sobrang lakas at sobrang bilis nang dahil sa kanya, siguradong sigurado, pag-ibig na raw talaga ito. Hindi pa naman iyon nangyayari sa puso ko pero sa palagay ko iyon na ang mga susunod na mangyayari sa akin.

Isa pang nagpadagdag sa inis ko ay dahil sa tuwing titingnan ko silang dalawa na sobrang sweet, parang ipinapamukha nila sa akin na wala akong love life. Nakakainggit na! Ito rin kasing dalawang kaibigan ko—si Aerol may girlfriend na at si Neff ay nililigawan na si Janine— ay may kanya-kanya ng minamahal. Buti na lang at hindi ko nakikita itong dalawang kaibigan kong nakikipagdate. Si Stella lang talaga ang nakakapagpainis sa akin.

'Yung tipong buong barkada may love life na tapos ikaw naiwan sa ere? E di sila na may love life! Tsk.

Ganoon pa rin ang nangyari ngayong uwian. Nabuburyong na naman ako sa dalawang taong nasa likod ko. Buti na lang at nauuna akong maglakad dahil kung nasa likuran nila ako, baka mapaslang ko sila ng de oras.

Uuwi na nga lang kami ni Stella, maglalandian pa silang dalawa ni Adrian. Buti na lang nasa likod silang dalawa at hindi ko nasisilayan ang magkahawak nilang kamay at mga ngiti ngayon. Tsk.

Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot para mabilis ring matapos ang pagiging sweet nung dalawa. Kaso mali ako. Nasa kotse na ako ay para pa rin silang naglalakad sa buwan habang masayang masayang naglalandian. Si Adrian hindi naman masyado. Si Stella talaga ang sobrang dikit kay Adrian at parating siya ang gumagawa ng ikasu-sweet nila.

"Ang saya mo, 'no?" Sumbat ko kay Stella nang makapasok na siya sa kotse.

"Oo naman," aniya na abot hanggang tenga pa ang ngiti. "Alam mo, sobrang sweet ni Adrian. Grabe. Sobrang swerte ko talaga sa kanya." Napahawak pa siya sa magkabilang pisngi niya at tumingin patingala. Baliw na talaga siya sa pag-ibig. "Ang sarap pala ng may nagmamahal sa'yo. Kaunting panahon na lang at sasagutin ko na siya."

Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon, kumpirmadong nagseselos na talaga ako!

Ayoko ng ganito. Ayokong pagselosan si Adrian pero ito 'yung nararamdaman ko.

Gusto ko ako ang nagpapasaya kay Stella. Ayoko siyang makita na kasama ang ibang lalaki.

Pero sa palagay ko, huli na ang lahat para magselos. Si Adrian na ang mahal ni Stella at sa sinabi niyang kaunting panahon n lang ay sasagutin na niya si Adrian, huli na talaga ang lahat para sa akin.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon