Chapter 25

2K 30 0
                                    

Chapter 25

River's POV:

Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon. Basta ang nararamdaman ko ay nag-aalala ako kay Stella. Natatakot ako baka kung anong mangyari sa kanya lalo na't gabi na. Hindi rin naman buo ang tiwala ko kay Adrian kaya talagang nag-aalala ako para sa kanya.

"Kumain ka na ba?" Hindi makatingin ng diretso sa akin si Stella. Andito na kami sa kwarto. Ramdam na ramdam ko ang pagka-iláng niya sa akin dahil sa pagtaas ng boses ko sa kanya kanina.

"Yes." Walang ganang sagot ko. Tinalikuran ko na siya at saka nahiga na sa kama.

Patuloy na naging awkward ang sitwasyon namin kinabukasan hanggang sa umuwi na nga siya sa bahay nila dahil weekend na.

Ako naman ay yamot na yamot dito sa kwarto ko habang nagmo-movie marathan. Sabado at wala naman akong maisip na puntahan. Sila Neff at Aerol naman ay may kanya kanyang lakad. Siguradong mga lovelife na naman nila ang inaatupag nila. Si Aerol ay may pinopormahan na kabanda nila. Si Neff naman ay iyong kaibigan ni Stella na si Janine.

Kahit na kanina pa ako nanonood ng movie ay halos wala akong naintindihan sa flow ng storya. Ewan ko ba. Napakawalang gana. Simula kahapon nang mapagalitan at nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin ni Stella ay nawalan na ako ng gana.

Naisipan kong kumuha ng meryenda sa ref. Itatapon ko na lang sana sa kwarto ang mga plastic ng pinagkainan ko kaso ay baka magalit na naman si Stella pag nadatnan niyang marumi ang kwarto ko kaya itinapon ko 'yon sa trash bin sa gilid ng study table ko.

Matagal tagal na rin simula nang iniwasan kong magkalat dito sa loob ng kwarto ko. Parati ko na rin inaayos ang higaan ko pagkagising. Nagiging responsable na rin ako sa mga gamit ko sa loob ng kwarto. Hindi ko na hinahaayn na parating nakakalat. Inilalagay ko na sa lalagyan kung saan ko sila kinuha. Noong una ay natatakot akong magkalat dahil baka sumabog siya pero nang ipinaliwanag niya sa akin na hindi naman pala siya sasabog na literal ay hindi na iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako nagiging makalat. Medyo naaawa na rin kasi ako kay Stella na parating naglilinis ng kwarto ko kaya iniiwasan ko na ang pagiging makalat. At saka napagtanto ko rin na mas masarap pa lang tumira sa malinis at maayos na bahay kaysa ang makalat at gulo-gulo.

Biglang tumunog ang cell phone ko hudyat na mayroong mensahe. Walang gana kong dinampot iyon sa mesang nasa tabi ng kama ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

Bigla akong nakaramdam ng energy at hindi ko alam kung bakit bigla akong na-excite. Si Stella, nagtext!

From: Stella

River, sorry nga pala noong isang gabi. Sorry talaga. Sorry.

Napangiti ako nang mabasa ang text niya. Parang biglang nawala 'yung galit at inis ko. Nawala iyong mabigat na nararamdam ko dahil sa galit ko noong isang gabi. Para bang naging magaan ang puso ko nang mabasa ko ang sorry niya.

Medyo natagalan akong magreply dahil inaalam ko pa kung anong reply ba ang dapat kong i-reply. Talagang binusisi ko ang bawat salitang tinatype ko dahil gusto ko ay maramdaman niyang pinapatawad ko na siya at para mawala na rin ang awkwardness naming dalawa 'pag nagkita kami ng lunes.

To: Stella

Sorry rin kung nasigawan kita. 'Wag mo na lang uulitin na umuwi ng ganoong oras, ha? 'Wag kang mag-alala, umabot 'yung sorry mo sa third layer ng heart ko. Tumagos pa nga, e. :)

Ilang segundo pa ay nakatanggap mula ako ng reply mula sa kanya.

From: Stella

Thank you. Thank you talaga Hindi ko na talaga uulitin. Salamat, boss. :)

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon