Chapter 18

2.2K 36 0
                                    

Chapter 18:


Stella's POV:

Hindi nagtagal ay tumayo na si River at napatakip ako sa tainga ko dahil sa malakas na pagsigaw niya.

"WAAHH!" Sigaw niya at bigla akong tinaliman ng mata. "Manyak ka talaga! Manyak ka talagang babae ka!" Nanlalaki lang ang dalawang mata ko sa pagtitig sa kanya at saka tumayo. Inalis ko ang bedsheet na nakapulupot sa paa ko.

"Manyak ka talaga! Napakamanyak mo!" Paulit-ulit niyang sabi na ikinainis ko na. Napaka-OA naman niyang mag-react.

"Excuse me naman, 'no!" Minasamaan ko na din siya ng tingin. Nakakabwisit na talaga siya. "Kung tutuusin ako nga dapat ang mag-react ng ganyan, eh! Alam mo bang first kiss ko 'yon! First kiss ko 'yon, eh! Ninakaw mo ang first kiss ko!" Nanggigigil kong sigaw.

Napabuntong hininga siya dahil sa inis. "Manyak ka na nga, gaya-gaya ka pa!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano na namang ginaya ko sa kanya?!

"Wala akong ginagaya sa'yo!" Utas ko.

"Ginaya mo ako! First kiss ko din 'yon! Wala kang originality. At saka ako dapat ang magsasabi sa'yo na magnanakaw ka ng first kiss! Magnanakaw!"

Nalaglag ang panga ko. Oh! Shems! Bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan ko. I-ibig sabihin ay ako ang first kiss niya? O-M-G. Ako ang first kiss ng napakagwapo at nakapa-hot kong boss?! Waah! Gusto ko nang tumili. Kinikilig ako.

"T-totoo ba?" Nauutal kong tanong. Hindi ako makapaniwala. Sa gwapo niyang 'yan wala pa siyang babaeng nahalikan?

Mas naging malungkot ang mukha niya pero masamang-masama pa rin ang tingin sa akin. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa akin. Kinuha mo ang pinakaiingatan kong virginity ng lips ko!" Suminghap siya.

Imbes na mainis ako ay gusto kong matawa sa kanya. Gusto kong tawanan ang ipinapakita niyang reaksyon sa akin. Naging baliktad ang mundo dahil sa kanya. 'Yong tipong ako dapat na babae ang mag-oover react dahil napakahalaga para sa isang babae ang first kiss niya pero hindi ko inakalang sobra niya rin palang pinapahalagahan ang first kiss niya.

Ang cute naman ng mga lalaking gano'n. 'Yung lalaking big deal ang magiging first kiss nila.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at napabalik lang ako sa realidad nang muli na naman siyang nag-alburoto.

"At talagang tuwang-tuwa ka pa, 'ya?! Siguro pinlano mo ang lahat ng 'to, 'no?!" Aniya. Humalukipkip ako at saka tinaasan siya ng kilay.

"Bakit ko naman paplanuhin 'yon? As if naman gusto kitang mahalikan!" Inirapan ko siya.

"Bakit naman hindi? Sa guwapo kong 'to, hindi mo ako gustong mahalikan?"

Nasamid ako sa sinabi niya. Woah? "Ang lakas naman ng self-confidence mo." Kahit na totoo ang sinasabi niya ay ideneny ko pa rin. Sino ba naman kasing hindi gustong mahalikan ang tulad niyang mala-adonis ang mukha? "Hindi kita type, 'no. Kapal naman ng mukha mong mag-assume!" Palusot ko at baka kung saan na naman mapunta ang usapang ito at tuksuhin niya pa ako.

"The feeling is mutual." Aniya at saka ngumuso. "Pero hindi ko pa rin palalampasin ang ginawa mo sa akin!" Sumigaw na naman siya. Jusko naman. Hindi talaga siya maka-move on. Kungako nga hinayaan ko na lang ang first kiss ko na mapunta sa kanya tapos siya naman ang OA, OA.

"Puwede ba," Mahinahon kong sabi. Kinalma ko na lang ang sarili ko dahil baka kapag nakipagtalo pa ako sa kanya ay mas lumala pa ang mga iniisip niya. "I'm sorry, okay? Sorry. Sorry na."

"Hindi!" Galit na saad niya. "Kakasuhan kita sa ginawa mo sa akin. Una, plagiarism. Pangalawa, pagnanakaw at pangatlo, rape."

Nanlaki ang mga mata ko at saka kunot-noong tiningnan siya. Bago pa ako magsalita ay parehas kaming napatingin nang magbukas ang pinto.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon