Chapter 19

2.1K 28 0
                                    

Chapter 19:


River's POV:

Isang umaatikabóng vibrate ang naramdaman ko na naging dahilan para magising ako. Alas-kwatro na at kailangan ko nang isagawa ang ritwal kong makakapagparusa sa labi niyang makasalanan.

Dahan-dahan na akong bumangon at saka naglakad palabas ng kwarto papuntang kusina. Tulog pa naman ang mga kasambahay namin kaya walang makakaalam ng ritwal na gagawin ko. Walang sinoman ang dapat na makaalam nito dahil baka maging witness siya kung sakali mang kasuhan ako ni Stella sa gagawin ko sa kanya.

Marahan kong pinindot ang switch ng ilaw at saka inumpisahan ng hanapin ang dalawang sangkap na kakailanganin ko—ang chilli powder at siling labuyo. Buti na lang at may stock niyo sa bahay, sumasang-ayon talaga sa akin ang lahat.

Tingnan ko lang kung hindi siya magtandâ sa gagawin ko. Bababarin ko lang naman ang bibig niya ang tatawain kong 'Super Chilibuyo Werpalupet'  at nang mamagâ ito.

Inumpisahan ko nang hiwain ang benteng siling labuyo. At nang pinong-pino ko na itong nahiwa ay inilagay ko na ito sa isang baso. Nilagyan ko ng kaunting tubig at sunod ko nang nilagyan ng sampung kutsarang chilli powder. At para mas maging epektib ang magiging kapangyarihan ng aking 'Super Chilibuuo Werpalupet' ay dapat kong pakuluan iyon. Nang matapos kong pakuluan ay ibinabad ko ang kaserola sa plangganang may tubig na nilagyan ko ng yelo para mabilis lumamig.

Nang lumamig na ito nang tuluyan ay isinalin ko na ulit ito sa baso. Excited akong bumalik ng kwarto pero siyempre dahan-dahan pa rin at iniiwasan kong magising siya. Nang nasa tabi na niya ako ay finlashlight-an ko na ang bibig niya. Gamit ang kanang kamay ko ay kumuha na ako ng 'Super Chilibuyo Werpalupet' at unti-unting inilagay sa bibig niya. Siyempre, para naman makatarungan ay sinakto ko talaga sa kabuuan ng labi niya, walang lampas. Bibig lang naman niya ng makasalanan sa akin kaya hindi dapat madamay ang balat niya sa mukha. Ilang patong din ang ginawa ko para mas effective. Mahigit kalahati din ang nailagay ko sa kanya. Hihihi.

Matapos kong maisagawa ang krimen ay siyempre, kailangan ko nang itapon ang natira sa 'Super Chilibuyo Werpalupet' na ginawa ko para walang ebidensya, walang magpapatunay na ako ang may gawa.

Tiningnan ko ng oras: 4:45  na. Huwebes bukas at 9:00 pa ang pasok kaya sigurado akong mga alas-siyete pa siya magigising. Ibig sabihin ay 2 hours at 15 minutes na mabababad iyon sa labi niya.

Hindi na ako makapaghintay sa magiging itsura at reaksyon niya. Hihihihi.

Pero dahil medyo matagal pa iyon ay natulog muna ako.

Stella's POV:

Pagmulat ng mata ko ay parang may kakaiba akong nararamdaman sa bibig ko. Ang hapdi at parang sobrang anghang. Tumayo ako at nagulat nang may mga nalaglag mula sa bibig ko. Tiningnan ko iyon at parang kulay red na powder na may kasamang mga buto-buto ng sili.

Dinilaan ko ang labi ko at ilang sandali pa ay mas umanghang nang umanghang at humapdi ang labi ko dahilan para mabilis akong magpunta sa banyo. Nangingilid na ata ang luha ko sa sobrang anghang! Mabilis akong nagmumog at nang mag-angat ako ng mukha sa salamin ay halos lumuwa ang mata ko.

What the f!

Ilang beses akong pumikit at saka inilapit ang bibig ko sa salamin. Namamaga ang labi ko! Huhuhu. Parang tinorture. Magáng-maga as in! Tuluyan na akong naiyak. Hindi ko matanggap kaya ilang beses ko pang hinugasan iyon pero ayaw talagang mawala ng pamamaga. Ano bang nangyari sa labi ko? Huhuhu.

Lumabas ako sa banyong luhaan at hindi ko alam ang gagawin. Paano ako ngayon? Nakakahiya kapag pumasok ako. Ang panget-panget tingnan ng labi ko.

Napatingin ako sa comforter ko. Andaming nalalaglag na kulay red na powder doon. Pairap akong tumingin kay River. Hindi mangyayari 'to kung walang may gawa. Sigurado akong siya 'yon! Napakawalang-hiya niya talaga kahit kailan!

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon