Chapter 34

1.9K 27 0
                                    

Chapter 34

River's POV:

"Good evening, Tito!" Masayang bati ni Aerol nang makasalubong namin si Dad sa sala na nanonood ng tv. Ganoon din ang sinabi ng tatlong girls.

"Magce-celebrate po kami dito, Tito!" Ani Neff sabay pakita ng mga pinamili namin sa 7/11 na mga chichirya, mga tinapay at softdrinks.

Katatapos lang ng awarding, alas-otso na nang matapos. Magse-celebrate sana kaming anim sa isang restaurant kaso mas pinili naming mag-food trip dito sa amin.

Ngumiti si Daddy. "Go ahead. By the way, congratulations!"

"Thank you po," Sagot ni Neff.

Tumayo si Daddy at saka hinarap ako. Ngumiti siya sa akin at saka tinapik 'yung balikat ko. "Congratulations, my son. You did a great job...again," Niyakap ako ni Dad. Nakita ko naman ang pagngisi ng dalawa kong kaibigan at ng mga girlfriend namin. Bigla tuloy akong namula. Iisipin ko sana na may malisya buti na lang at naalala kong tatay ko nga pala siya.

"Thanks, Dad," sambit ko nang humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin, "Nanood ka?"

Tumango siya, "Ofcourse. I've watched your whole game. I'm very proud of you, son."

Napangiti ako. Napakautak talaga ni Daddy. Parati na lang siyang hindi nagpapakita sa tuwing nanonood ng game ko. "Hindi mo man lang sinabi sa akin na an---" napahinto ako nang maalala ko 'yung pagkiss ko kay Stella in public sa court kanina. "I-ibig sabihin...nakita mo 'yung---"

"O siya. Sige na. Enjoy your celebration," Ani Dad na tila iniwasan 'yung itatanong ko. Oo nga pala. Hindi pa pala alam ni Dad na girlfriend ko na si Stella. And probably, alam niya na since nanood siya ng laro at siguradong nakita niya rin 'yung paghalik ko kay Stella.

Humahanap pa naman ako ng perfect timing para sabihin kay Dad pero dahil alam niya, e di alam na niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng room ko ay mabilis na tumakbo 'yung tatlong babae at saka mabilis na humilata sa kama ko.

Pare-parehas kaming mga napabuntong hininga nila Neff. "Okay. Girls should be on a comfortable foam." Sabi ni Aerol. Bigla tuloy akong napangiwi. Na-guilty.

"Ano ba'ng latest action movie nga---" napahinto si Neff sa pagsasalita nang magsalita si Emma, 'yung girlfriend ni Aerol.

"Let's watch Sid at Aya!" Anito na mabilis pinaunlakan ni Janine at Stella.

"Why do girls always love stories?" Napasimangot si Neff.

Nagpunta na lang muna kaming tatlo sa mini-kitchen ko dito sa room na katabi ng CR. Instead na ang mga babae ang mag-aayos ng mga pagkain ay kami na ang gumawa. Wala e. Mahal namin sila.

Nakita ko 'yung comforter sa gilid habang sinasalin namin sa mangkok 'yung mga chitchirya. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Aerol na 'girls should be on a comfortable foam'. Ibig sahihin ba, masama na akong boyfriend kung gano'n?

Napabuntong hininga ako. Hay. Tutal girlfriend ko naman na siya, kung magtabi na lang kaya kami sa kama? Hmmm. 'Di p'wede. Baka marape niya pa 'ko. May ginagawa pa naman siya sa aking kakaiba sa tuwing hinahalikan ko siya na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano.

"Mga dude," siguro kailangan kong tanungin sila Neff at Aerol patungkol doon kung paano ko makokontra 'yung nararamdaman ko. "Nahalikan niyo na ba 'yung girlfriend niyo?" Parehas silang natawa.

"Seryoso ka ba sa tanong mo? Malamang." Ani Aerol.

"Don't tell us na hindi mo pa nahalikan si Stella?" Tanong ni Aerol.

My Extraordinary BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon