Chapter 1

365 12 1
                                    

"Saan ka na naman galing, ha?! Bakit ngayon ka lang umuwi?! What's up with you and your girl?!"

"What are you talking about?! Are you out of your mind? Kung ano-ano nalang iyang lumalabas sa bibig mo! I don't have a mistress!"

"Really? Ako ba ang niloloko mo, Felix?! You've changed and it's not that hard to notice everything!"

Kahit masakit ang ulo ko at parang dinaganan ako ng sarili kong kama ay agad akong umalis sa pagkakahiga sa aking kama at para na rin sumuka. Grabe! Nasobraan talaga ako sa pag-inom. Nakakagigil din naman kasi, eh.

Sino ba iyong haliparot na biglang dumating?

She ruined my plan yesternight.

After vomiting, I immediately got out from my room and searched for my parents who are still shouting at each other. Yeah. They're living a toxic relationship.

"Wala naman kasi akong babae, Trina!" My dad defended himself.

Ni hindi ko din alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. I don't want to take any side, especially when I don't know anything about their fight. All I know is that mom's been frustrated because my dad's having a mistress. And lastly, I know that my dad's sick and tired about these issues.

"Hey, guys! It's still early in the morning and you are now fighting. Stop it before you scare all our maids here in this house." Nakikita ko kasing pati mga katulong ay parang umaatras na sa pagtatrabaho dito sa amin. Pinagbubuntungan din kasi sila ni mommy minsan.

"Your dad's been cheating on me, Melisse. Kampihan mo naman ako." My mom cried.

"Alam mong hindi totoo iyan, Mel." Napapaos naman na sabi ni Daddy sa akin.

I immediately shook my head. "Wala kayong mapapala sa awayan na ito. Please, stop this one." Mahina kong sabi.

Bago pa sila mag bangayan ulit ay dumeretso na ako papasok sa kusina namin. I walked towards the ref. Kinuha ko ang tubig at agad na nagsalin sa aking baso at uminom. Nai-stress na nga ako sa nangyari kagabi, dadagdagan naman ng mga magulang ko ngayon. Matagal ng nangyayari sa kanilang dalawa iyan. I'm telling you, their relationship is really toxic.

"Ewan ko sayo, Trina!" Dinig kong gigil na sigaw ni Daddy. "Aalis nalang siguro ulit ako, eh." Tapos iyon na ang huling narinig ko mula kay daddy.

"O, sige! Don ka sa kabit mo, Felix!" Napailing-iling nalang ako saka lumabas dito sa kusina namin.

Dumeretso ako sa paglabas at tinabihan ko ang mommy ko na siyang nakaupo na ngayon sa sofa at umiiyak. "That's enough, mommy. Parati niyo nalang inaaway si Dad." Sabay haplos ko sa kanyang likuran. Napahagulhol naman si mommy at tinuloy ko nalang ang paghaplos sa kanyang likuran.

Mapait na napangiti si mommy at para bang walang-wala talaga siya sa kanyang sarili. "It's because he's cheating on me...on us." Naiiyak na sagot ni mommy.

Umiling-iling naman ako sa sinabi ni mommy. "You only say that when you have an evidence, mom. Stop accusing Dad about having a mistress." Kalmado kong sinabi sa aking ina.

She shook her head.

"No! Totoo ang sinasabi ko, Mel. It's me who knows. Alam ko, eh." Sabay turo niya pa sa kanyang dibdib.

I heaved out a deep sigh. "Mom, I need you to stop it." Mahina kong wika.

Napairap si mommy sa sinabi ko saka siya napatayo. Nabigla ako sa ginawa niya,pero hinayaan ko nalang kaysa naman kami pa ang mag-away. "Whatever! Hindi ka din naman maniniwala sa akin, eh. You're such a daddy's girl." Napahalukipkip si mommy at hinayaan ko nalang ulit siya. Wala kasi talaga ako sa mood.

"You're acting like a child, mom. You know, ako yung anak nyo. Sana naman isipin nyong naaapektuhan ako sa away nyo ni Dad." Malungkot kong wika at napailing-iling lang si mom.

I don't understand her.

"I need you to take good care of our company. Ikaw nalang muna ang magiging president and C.E.O for this month? I don't know. I need to take a vacation." Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig.

"No, mom! I'm busy," mariin kong sagot.

Umiling si mommy. "No, you're not. You are just a party girl and you don't have a work." Mariin niya ding banat sa akin at napairap nalang ako sa huli. Iniwan niya akong mag-isa kaya napilitan nalang akong tumayo galing sa aking kinauupuan at pumunta na sa aking kwarto para mag prepare.

Napaupo ako sa dulo ng aking kama at napakamot sa aking ulo. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa pamilya ko. We may be rich, but it's only the money that matters here. Family doesn't.

Napabuntong-hininga nalang ako saka nakapag desisyon na maligo na at baka ma late pa ako sa kung ano mang gagawin sa office ngayon.




-

Pagkatapos kong mag-ayos sa aking sarili ay napatakbo na ako palabas sa aking kwarto habang suot ang aking pulang fitted na  dress na pinaresan ko ng isang blazer. Suot-suot ko din ang itim na stilettos at palabas na ako ng tawagin ako ni Mommy. "Yes?" I answered.

Nakasuot siya ng mahabang dress na pang beach at naka white hat.

"May meeting ka ngayong 8 with a shareholder. Bigatin iyon kaya ayusin mo ang pakikitungo mo sa kanya." My brow shot up.

Hindi ba ako marunong rumespeto? Tss! I can do that.

Hindi ko nalang sinagot si mommy at tinalikuran ko na  siya. Ni hindi na ako nagpaalam sa kanya, dahil na badtrip na ako. Kina Jane sana ako ngayon. Sobrang bait non kaya pag nasa bahay ako at wala ang parents niya, ako na mismo ang nagdadala ng mga inumin at pinipilit ko siyang pag praktisin sa pag-inom. She'll always decline it. Napaka choosy.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito. Who says I need a driver? Tsk! Narinig kong tumunog ang aking cellphone at nakitang tumawag si mommy. Hays!


Pagkadating ko sa may basement ay swabe akong lumabas pagkatapos kong i-park ang aking sasakyan saka pumasok sa lift at pinindot ang floor na puputahan ko. 8 na at late na ako sa meeting with the 'bigatin' shareholder.

Pagkarating ko sa floor na kung saan ang meeting room ay agad na akong lumabas. I saw my mom's secretary then she immediately followed me. "Good morning, miss!" Sabay ngiti niya sa akin. I'm bad at remembering names, so I don't bother asking their names. It's not important naman.

Tinanguan ko nalang siya at napangisi nalang ako ng makita ang pintuan ng meeting room. "Kanina pa siya?" Tanong ko.

"Yes, miss. He's impatient and he's been asking questions." Sumbong ng sekretarya ni mommy.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso ko sa loob. Paupo na sana ako sa swivel chair nang ako ng mawalan ng balanse. Damn that, alcohol!

Imbis na lumagapak sa sahig ay may sumalo sa akin. Nakapulupot na ang kanyang kamay sa baywang ko at magkaharap kaming dalawa. Napalunok ako ng makita ang pagmumukha ng lalakeng matagal ko ng pinangarap.

Natulala ako sa kanya lalo na at ang lapit ng kanyang mukha sa aking mukha. Sa pangalawang pagkakataon ay napalunok ako. His face hardened and it's like he's not pleased with what's happening.


"I am expecting a mature president. I didn't expect to see an immature one here in this room. So, am I gonna continue this meeting or wait for the real president?" Nabato ako sa aking kinatatayuan lalo na at pinatayo niya ako ng maayos at napakasama ng kanyang tingin sa akin.


No, Brett Sanford, we need to continue this meeting. I am going to start my plan right now. You'll fall for me soon.











- - -

CHAPTER 1

In The DarkWhere stories live. Discover now