Chapter 14

153 8 1
                                    

Para akong sabog na nakatingin dito sa mga folders na naka pile sa aking mesa. Walang pumapasok sa utak ko kundi iyong mga sinabi ni Cole sa akin kanina. Ano ba naman yan, Cole Gomez! Ginagawa mo akong baliw, eh! Yung utak ko kung saan-saan na napupunta. Hindi ko na tuloy mahagilap. Fuck this feeling! Hindi ko mapangalanan. Missing ang pangalan ng nararamdaman ko. Nawawala. Hindi ko alam kung nasaan. Pati yung utak ko, hindi ko malaman kung saan napadpad. Para kasing bagyo iyong mga salita ni Cole. Dinala niya ako. Sinama ako ng mala bagyong salita niya, hindi ako nagpasama kaya ang nangyari, yung utak ko ang sumama. Sa sobrang kaba siguro ng puso ko ay eto siya at hindi parin humihinto sa pag kabog.

Ano na, Lofranco? Ano ang ang gagawin mo ngayon?!

"Mel..." I heard someone's voice, so I looked up to see the innocent face of my bestfriend, Jane. Syempre. Pag sinabi kong inosente, si Jane na talaga ang tinutukoy ko. Pag sinabi ko namang salot na ang utak sa sobrang pagka green ay si Avia na ang tinutukoy ko diyan. Matamlay akong napangiti sa kanya na agad niyang napansin. That's what I like about her. Madali niyang napapansin kung my mali ba o wala. "Gosh! Do you have a problem?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. She even approached me and checked if I have a fever.

"Wala. May iniisip lang ako." Matamlay ko ding sagot.

Napanguso naman si Jane at alam kong hindi ko siya na-convince sa sagot ko. "You do know that you can always count on me, Mel, right?" She asked me, showing me her beautiful smile.

I nodded my head in response. "Of course, Jane. I can always count on you and vice versa." Nakangiti kong sabi sa kanya at mas lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Oh. Hindi talaga mapapantayan ng kahit bilyon-bilyong pera ang pagmamahal ng isang kaibigan. Kahit nasabi kong mahirap maghanap ng totoong kaibigan sa panahon ngayon, alam ko parin naman na may isa o dalawang tao paring magiging loyal sa akin. Yung mga taong hindi kailanman sisirain ang tiwala ko sa kanila. Just like Jane and Avia. I can always count on them. Ako lang talaga yung out of reach minsan. Ang swerte ko lang talaga dahil natatagalan nila ang ganito kong ugali. Learn how to treasure the real friends. Always be careful, lalo na at hindi natin alam kung sino sa kanila ang totoo sa harap at sa pagtalikod mo.

Humiwalay siya sa pagkaka yakap sa akin at hinayaan ko siyang maupo sa malapad na sofa na nakapwesto sa gilid dito sa aking opisina.

"So, I know na ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo kaya mangangamusta nalang ako. How are you?" Tanong ni Jane sa akin.

"I'm fine." Maikli kong sagot at saka kinausap si Ria sa kabilang linya. "Dalhan mo kami ng juice, Ria. Pineapple." Sabi ko.

"Ooops. Orange juice sa akin. Ikaw lang naman 'yong adik sa pineapple juice, dba? Remember?" Tapos ngumisi si Jane at napatango nalang ako sa kanyang sinabi.

"Isang orange juice at isang pineapple juice, Ria." Mahina kong sambit.

"Okay po, miss." Masunuring sagot naman ni Ria at tinapos ko na iyong ginawa ko habang patuloy sa 'pangangamusta' si Jane.

"How about you? Okay ka lang ba dito sa kompanya nyo? Okay lang ba ang lahat?" Kuryoso niyang tanong.

Napatango-tango ako. "Hindi naman nagka problema. Brett's always there naman pag may kaunting palya." I smiled a little bit. "Okay lang ako dito sa trabaho ko. It's one of the perfect ways to kill time." Dagdag ko.

Napanguso si Jane at mukhang matatawa pa siya. What? "I thought you're not the life of the party anymore." Parang dismayado niya pang sabi sa akin.

In The DarkWhere stories live. Discover now