Chapter 29

103 2 0
                                    

"So? Saan tayo ngayon?" Tanong ko pagkatapos kong itapon sa may likuran ng kanyang sasakyan ang ibang paper bags. Kapagod mag shopping pero relaxing! Ang nakakapagod lang naman kasi ay yung lakad at tayo na ginagawa, pero nakaka relax maka kita ng mga bibilhin ko lalo na sa may grocery store.



"My own designer." Sagot ni Draven.

"Oh? Ilalapit mo na ako sa showbiz world?"  Nakangisi kong tanong.

"No! Mas gugustuhin ko pang ibigay iyong kapatid ni Abhaya sayo. Huwag ka na sa showbiz world." Sabi niya sa akin kaya napataas ang aking kilay.

"Bakit naman?" Kunot-noo kong tanong.

"Stop being so nosy." Tingnan mo nga naman 'tong lalakeng 'to. Kainis! Hindi niya man lang ba ako sasagutin? Tsk!




Hindi nalang ako nagsalita at naghintay nalang ako sa pagdating namin sa boutique ng kanyang designer. Well, nagkakamali ako kasi mansyon naman pala ang pupuntahan namin. Ang laking bahay nito, ah. Mayaman siguro ang designer na yun. Marami din namang designers na sobrang yumaman. That's part of their hard works. "What's her name?" Tanong ko sa aking pinsan.


"Call her Ana." Sagot niya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nang may mag-assist sa aming isang kasambahay nila dito. Tina-try ko pa ang mabibilis na lakad ni Draven. Grabe! Para naman kasing may importanteng meeting. Baka din naman kasi importanteng tao talaga itong si Ana at hindi ko siya kilala.


We entered a huge room filled with mannequins and my jaw dropped the moment I saw the gowns. Ang ganda-ganda ng mga nagawa niyang gowns! "Good evening, Eliser!" Bati ng isang napakagandang babae sa aking pinsan. She's wearing a killer heels and I can say that she's also a model. Kitang-kita kasi sa kanyang mga ginagawang paglalakad.



"Good evening, Ana!" Draven kissed the woman's cheek and he began introducing me to her. "This is my one and only cousin, Melisse Anicka Lofranco." Lumapit ako sa kanya at nagbeso kaming dalawa. Ang unfair nitong pinsan ko! Alam mo yung mukha akong sampid dito tapos siya ang ganda ng outfit. Nahihiya tuloy akong humarap kay Ms. Ana.




"Totoo nga ang sinasabi ni Eliser sa akin na isa ka talagang dyosa!" She exclaimed, trying to check me out again. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang hiya na ang nararamdaman ko.


I shot my cousin a glare but, he just smiled at me.
"Thank you." Nakangiti kong sabi kay Ana at iginiya niya naman kami paupo sa isang mahabang sofa.




"We're here for my cousin's gown, Ana. Kuripot kasi siya kaya ako ang pinapagastos niya nito." Agad kong kinurot sa kanyang tagiliran si Draven kaya agad siyang napaigtad at lumaya agad sa akin. Walanghiya talaga! Parati niya talaga akong binubulgar.





Ana chuckled and she's really beautiful. "You guys are so funny. I like the both of you," nakangiting wika ni Ana kaya hindi ko na din mapigilan ang matawa. Mabuti naman at na-like niya kami.





Agad niya akong sinukatan at gustong-gusto ko talagang kausap si Ana. Sobrang happy go lucky niya talaga. Atsaka parang hindi talaga siya mauubusan ng topic. Hindi ko naman ine-expect na sobrang sayang kasama ng babaeng katulad niya. I'm starting to like her. "I want to wear a color red long gown." Sabi ko kay Ana.



She nodded in approval. "Yes, I agree. Bagay na bagay sayo lalo na at..." she caressed my arms and I laughed at the gesture she made. "...sobrang puti mo." Mas lalo akong napatawa sa kanyang sinabi kaya bahagya niya akong tinampal-tampal sa aking braso. "Atsaka...sobrang ganda mo talaga at sobrang kinis puti. Para kang gawa sa gatas ko." Pati si Draven Eliser ay hindi napigilan ang paghalakhak.


In The DarkWhere stories live. Discover now