Chapter 37

104 3 0
                                    

Sa mga dumaang buwan ay mas naging busy ako na hindi ko namalayan na team building na pala namin bukas. Ilang buwan na rin simula nung nakapag-usap kami ni Cole.

Hindi na rin kami masyadong nagkikita, dahil busy siya sa pagtingin ng mga bagong mall na tinatayo. Iyong pi-nlano ko na malaking mall two years or three years ago ay nakatayo na at marami ng dumadayo. I'm so glad when I heard about it.

Andito lang ako sa bahay at masama ang panahon ngayon. Umuulan. Plano ko sanang mag-bar kanina kaso naalala ko ang tungkol sa team building at umulan din naman kaya hindi talaga ako natuloy.

I used to be the life of the party. I am Lofranco, the party freak.

Eh noon ay halos hindi ako mapirmi sa isang lugar pag hindi ako nakakapag bar. I like dancing and at the same time, drinking.



Maraming nakaka kilala sa akin sa kahit na anong bar malapit sa amin. Ni bouncer ata ay kilalang-kilala na ang pagmumukha ko. Tumunog ang door bell at hindi ko alam kung nabuksan na ba ng guard ang gate. It's already late. Sana naman hindi nakatulog ang guard sa lamig na dala ng ulan.



Nang may tumawag sa cellphone ko ay agad ko itong in-accept. "Yes?" Sagot ko.

"Miss Lofranco, may bisita po kayo." Narinig ko ang boses ng guard namin.


"Ano daw pong pangalan?" I asked the guard.





"Cole daw po." Sagot ng guard sa akin kaya napakunot ang noo ko. Hindi ba siya pagagalitan ni Blessica na pumunta siya dito sa bahay ng gabi?




Baka kasi kung anong isipin non.


Babae din ako kaya pag nalaman kung nagpunta sa bahay ng isang babae ang boyfriend ko, natural na hindi matatahimik ang isipan ko niyan. Iisipin ko pa kung ano bang ginagawa nila doon sa bahay ng babae. Ano bang pinag-usapan nila? May kababalaghan bang nangyayari don? Of course, I don't want to take the role of a mistress. Ayoko sa mga may sabit. Ni hindi ko nga nalaman na boyfriend pala ni Jane yung naka make out ko sa bar.




Napailing-iling nalang ako habang naiisip ko yun.
"Sige, manong. Papasukin niyo nalang po." Binaba ko na agad ang tawag at naghintay nalang ako na dumating siya dito sa loob ng bahay. Eh record ko kaya ang conversation namin para may proof ako na ipaparinig kay Blessica kung sakaling sugurin niya ako?



Tss! Hassle! Wala din naman kaming gagawin ni Cole. We're just friends!




Baka naman...ngayon niya napiling magpaliwanag tungkol sa kanila ni Blessica.



Whatever!





"Hey!" Muntikan ko nang matapon ang hawak-hawak kong mug ng biglang magsalita ang pamilyar na boses.





"Anong ginagawa mo dito?!"galit kong tanong.



Akala ko ba si Cole... "visiting you?" Nakita kong basang-basa siya dahil sa ulan at hindi ko alam kung ba't nagka ganyan.




"Pangalan ba ni cole ang ginamit mo?!" Bullshit! Bakit hindi ko ba naisip na kaya niyang gawin ang mga ganito. "Are you that desperate to use someone's name?!" My voice was laced with pure anger.




Hindi parin kasi talaga nawawala sa isip ko iyong ginawa niya. Hindi ko matanggap na magagawa niya sa akin yun. I hated him for that. Ang sakit pa ng labi ko non! Siguro ganun siya kagalit para sugatan hindi lang ang puso ko---kundi pati narin ang labi ko! "I already told you, right? O...nakalimutan mo lang?" Nakataas ang kanyang kilay at nanunuya ang kanyang tingin habang nakatitig sa akin. Damn it!





In The DarkWhere stories live. Discover now